Sunday, May 22, 2011

Sobrang Kape

Masaya ang araw ngayon linggo para sa akin. Unang una, first time kong ihahatid si Mhay sa work ng mag asawa na kami. Ikalawa, nakaya kong mag isa dito sa bahay ng wala sya (nasa work). Ikatlo, first time ko ring sunduin si Mhay ng hindi ako nag motor galing dito sa bagong bahay namin. Umuulan kasi. 

So natapos nag linggong ito ng maayos, pero may isang mensahe na ikinagulat namin. 

Pagdating kasi sa bahay, agad akong nagbukas ng internet habang inihahanda ni Mhay ang hapunan. Syempre, habang nagloload ang laptop kain na muna. Sarap eh sinigang! 

So natapos ang pagkain, ako diretso sa hugasan (ahahaha) at si Mhay nag internet na muna. Nagulat sya ng may mabasa siyang isang message mula sa aming Supervisor at Ninang din sa kasal.

Narito ang mensahe:



May 22 at 8:50pm Report
"mhay ... bumili ka ng inquirer nsa dyaryo si matti sa sunday magazine... now ko lang nabasa eh!!!"

Agad saking ipinabasa ito ni Mhay at syempre initial reaction ay magataka kung ano ito. Maraming pumasok sa ulo ko, bakit ako nasa magazine? May nag interview ba sakin? Hindi pa ko naiinterview ng Damuhan ni Bino ah? (hehehe). May kasalanan ba ako at nasa dyaryo ako? hala! Ano ba to?

Kinabahan ako, pati si Mhay di na mag kaugaga kung ano yun. Agad na message back si Mhay pero di nagreply. Siguro nag offline na. Pag tingin sa wall niya may message din na ganun. Agad na nagbihis si Mhay upang umakyat agad sa itaas para bumili ng dyaryo.

Nagmadali siya at tinakbo na ang hagdan paitaas dahil baka wala ng abutan dahil sa masyado nang gabi para sa dyaryo. 

Ako naman, agad na nag search sa internet sa website ng dyaryo baka kasi dun ay makita ko na agad ang sinasabi nila.

Sawi ako, di ko makita. Wala sa site nila ang issue ngayong araw. 


Duamting si Mhay, pawis na pawis dahil sa pagtakbo paitaas at pababa pabalik dito sa amin. Pagdating, may halong hingal at tawa dahil sa nakita.

"Ano yun?" May problema ba? Tanong ko sa kanya. "Wala, nasa dyaryo ka lang kasama mo si Mayor Binay. Yung nag pictorial sya sa opis". 


Hay sus! parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa kakaisip kung ano yun. Ikaw ba naman makabasa ng nasa dyaryo ka eh. hahaha.


Tiningnan ko, picture nga lang na nasa harap ako pero side view lang.


Ayun, hahaha lesson learn, bawasan ang pagkakape. Sabi pa ng papa ni Mhay, sige ipalaminate mo na yan. Hahahaha. Laminate daw oh. 


Gusto nyo makita ang picture? heto sya;

























































Kita nyo? Hahahahaha. yan yun!




Salamat sa pagbabasa..












6 Nakiusyoso sa usapan:

Bon said...

nice one! hahaha nakakabang post naman ito! =)


BON
www.taragis.com

LhanLhan said...

hehehe. salamat BON! ^^

MOKS™ said...

Lol malayo masyado sana focus mo pa kung nasan ka. Atleast nasa diaryo ka. Lol

LhanLhan said...

@ MOKS - ayan ako nasa harapan, sa unahan, naka side view sa 3rd na pic. hahahaah

Bino said...

ikaw na! artistahin! hahaha oi ung interview natin hehehe

LhanLhan said...

@bino - hehehe sige iset mo na ^^

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review