Monday, May 9, 2011

Thanks Nuffnang, PLDT MyDSL and Yellow Cab!




















Una, maramig salamat sa Nuffnang, PLDT MyDSL at sa Yellow Cab para sa isang masayang panunuod ng laban ni Pacman at Mosley. Nagsimula ang lahat dahil sa Nuffnang at PLDT MyDSL dahil nagpacontest sila sa mga bloggers upang magkaroon ng libreng LIVE Screening para sa laban ng pambansang kamao Manny Pacquiao.


Excited si Mahmine kasi first time nyang makakasama sa ganito, blogger din kasi sya kaya lang ang uumpisa pa lang sya dahil hinawaan ko ng pagiging adik sa pagboblog. Hahaha.



So hayun, nanalo daw ako sabi ng taga Nuffnang, nag email sakin "Congratulations you won on Free Live Streaming of Pacquiao-Mosley @ Yellow Cab People Support". Sabi ko ilang ticket ang napanalunan ko? Nung una akala ko ticket ulit ang mapapanalunan ko tapos kukunin ulit dun sa Nuffnang office nila sa The Fort. Yun pala hindi na need ng ticket. Hahaha. Pahiya tuloy ako, tanong tanong pa kasi.

Dati kasi nanalo rin ako sa Nuffnang nung laban naman ni Manny kay Margarito, sa Cuneta Astrodome naman yun pero di ako nakapunta kasi may pasok ako. So binigay ko na lang sa kasamahan ko kesa naamn masayang lang. 


So ayun, maaga kami nagsimba para pagkatapos ay diretso na sa yellow cab sa ayala. Hahaha. Talagang ang aga namin, pangalawa ata kami sa dumating at di pa naguumpisa ang undercards ay naka upo na ang aming mga pwet. Nagiinit na nga eh, buti na lang unti unting udating ang ibang mga bloggers at hayun dumami rin kami.


Nang magsimula ang laban nila Pacquiao, parang sa round 1 hanggang round 3 lang ako ginanahan manuod kung saan napabagsak ni Manny si Mosley. Pagkatapos nun, it was all Manny nalang. Sabi nga ng announcer, parang teddy bear na lang si Mosley. Isang malaking target.


Tsk tsk tsk, buti na lang at free ang panunuood namin dun kasi kung may bayad yun hay naku maiinis talaga ko kay Mosley at pagsisihan ko na ang bayad ako para sa laban na yun. 


Pero ayos lang kasi may mga new bloggers naman kami na nakilala tulad ni Rod na nagkamit pa ng give aways galing sa PLDTMyDSL. Congrats parekoy!


Anyway, the event was so nice. The food was great, umaapaw (nagtake out pa nga kami eh) hehehe. Yung ambience sa Yellow Cab tahimik kaya seryoso lahat ng nanood (yung laban lang talaga ang di maganda). 

Again thanks sa Nuffnang, PLDT MyDSL at Yellow Cab and to all the staffs na nag organize. Sana sa uulitin ulit! ^^






6 Nakiusyoso sa usapan:

Rod said...

Salamat parekoy sa special mention :-)

Follow din kita dito. Kita kits!

Bino said...

astig diba! nakipagbonding kayo sa ibang bloggerS?

simply kim said...

hahaha! ako rin di nag enjoy manuod nung laban...

bumisita lang AKO!

yahm18 said...

cool! enjoyed tlga! :)

Kench Alegado said...

astig naman, buti ka pa madalas manalo sa pacontest nila hehe..

Traveliztera said...

Wow swerte mo naman!!! :D :D :D

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review