Sunday, June 5, 2011

Iba Na Talaga Sila

Noong nakaraang araw naglalakad ako sa kalsada kasama ang aking asawa paakyat ng hagdan para bumili. Mahirap umakyat pero syempre no choice kaya kahit tatagaktak ang pawis tuloy pa rin kami. May napansin akong isang bata at isang lola na nag-uusap na tila ba nagtatalo. 

Yung bata ay halos nasa edad tatlo hanggang apat na taon lamang. Habang papalapit kami ay naririnig ko na ang kanilang usapan.


Lola: Halika na rito. Uuwi na tayo.
Apo: (Hikbi at lisik ng mata ang ipinakita.)

Lola: Tara na. Isusumbong kita sa lolo mo.
Apo: (Hindi sumasagot at nakatitig ng masama sa lola.)
Tumalikod ang lola at biglang balik sa apo at hihilain na at uundayan ng tapik.

Lola: Hindi ka pa sasama? Isa!

Lumingon ang lola at isinumbong sa lolong papalapit sa kanila.

Lolo: Hindi ka pa sasama? Sige paluin yan. (Hawak ang tsinelas)

Muli kong narinig magsalita ang lola at sinambit;

Lola: Halika na! Dawala!
Apo: Putang ina mo! Baboy!


Sa puntong iyon na halos nakalagpas na ako sa kanila ay nilingon ko talaga ang maglolola. Di ko alam saan ako magugulat. Sa lola at lolo bang  kung pagalitan at saktan ang apo ay tila malaking bata  oh sa apong napaka musmos na nakakapagsalita na ng mga ganoong mga salita. 


Anong nangyayari sa mga sumusunod na henerasyon? Nakakashock yung bata dahil sa murang edad nito ay tila isang halang na bituka na ang pananalita. Kung mailalagay ako sa sitwasyon ng lola siguradong masasaktan ako sa ganoong salita mula sa isang bata. Baka masaktan ko pa ito sa pagkagulat ko sa narinig.


Hindi ko naranasang maging ganito dati. Ibang iba talaga ang aming henerasyon kesa sa ngayon. Naaalala ko tuloy ang mga bawal noong kamusmusan ko;


- Bawal ang magmura
- Bawal ang lumabas kapag alas sais na ng gabi. Dapat nasa loob na ng bahay.
- Bawal sumagot sa magulang. 
- Bawal ang hindi magmano pagdating ng mga magulang.
- Bawal ang mgababang grades (Line of 7 patay na ko noon sa magulang ko)
- Bawal maglaro sa hapon kapag hindi natulog ng tanghali.
- Bawal magaway ang mga magkakapatid. (dapat tulungan)
- Bawal humawak ng baraha at magsugal. (Gawain lang daw ng matatanda ito)
- Bawal uminom at manigarilyo.

At marami pang iba. 


Isang titig lang ng tatay ko sigurado mangangatog na kaming magkakapatid, alam na namin kasi ang ibig sabihin nito. Bawal yan oh hindi maganda yan. Ang higpit. Ang hirap kung iisipin.


Pero para kanino rin ito sa huli? Di ba para rin ito sa amin? Kung hindi dahil sa ganitong pagpapalaki ng aming mga magulang ay siguradong mapapariwara ang buhay namin. Kung hindi man, ay hindi siguro kami naging mabuting mga indibidwal na may magandang moral at respeto sa bawat aming mga magulang.


Nakakalungkot, pero sana maibalik natin sa ating mga pamamahay ang ganitong sistema ng pagpapalaki sa ating mga anak. Pagbawalan pero wag masyadong higpitan na makakasakal na. Huwag naman din maging masyadong maluwag dahil baka abusuhin.


Tandaan, kung ano ang nakikita ng mga bata sa magulang - sa mata nila ito ay tama. Maging mabuting halimbawa sa mga bata. Bigyang nga sila ng atensyon. Huwag pabayaan. Magulang pa rin ang magdadala kung paano sila lalaki ng may magandang paguugali. 



Atensyon at Displina ang kailangan.





4 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

iba na talaga ang pnahon ngayon. pero sa kabila nito, may mga bata pa rin natuturuan ng magandang asal ang kanilang mga anak

lysafae said...

tama...:D

Popsy said...

hello!

Xander mentioned you in his blog.
http://aboynamedxander.blogspot.com/

so i looked for yah :))
I agree with yu.
the kids only absorb what they see around them.
may mali din tlga ang lolo't lola :)
oh Xander had a great idea on how to probably solve the problem.. :)

visit my blog too
http://popsytoh.blogspot.com/
follow if u like..
Imma follow u now!

kringles said...

naisip ko na din yan, grabe na kasi naun ang nakikita ko, i mean, tama ka, nung bata din ako, hindi pedeng ala ang po at opo sa pagsagot mo, notbuk at libro kaharap mo, hindi computer games, crayons at coloring book ang gamit mo, hindi ipod at celfone.

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review