Monday, June 13, 2011

Ikatlong Anibersaryong Handog Ng DAMUHAN: Isang Munting Pakulo

MGA PANUNTUNAN NG MUNTING PAKULO

Tulad ng nabanggit, Tatlon'g blogero ang magkakaroon ng sarili nilang domain (paulit-ulit?)

Ang domain ay good for 3 years. (kasi nga 3 years na ang Damuhan ni Bino. kuha mo?)

Dating gawi, ito ay para lamang sa mga bloggers sa kahit anumang kategorya maliban sa PORN (iba ang Adult sa Porn).

Pasok ang mga nasa Blogger at Wordpress na platforms.

Ito ay para lamang sa mga Pinoy na naninirahan sa loob at labas ng bansa.

Ang domain ay TRANSPERABLE pero hindi KONBERTIBLE sa cash.

Kailangang ang blogger na sasali ay at least 5 months ng nagbablog. Ganunpaman, kung sakaling manalo, pwede ito'ng itransfer sa baguhang blogger o sa inyong bagong blog.

Kung meron mang kamag-anak si Bino sa blogging (Tulad ni Yanah), sila ay hindi pwedeng sumali. Hahahaha


PARAAN NG PAGSALI AT BILANG NG ENTRY


Magkomento lamang sa post ni Bino kalakip ang mga sumusunod na impormasyon.


  • Pangalan o Alias
  • Blog at URL
  • email address 

Magkakaroon kayo ng ISANG ENTRY. Isang blog lang bawat entry. Ang mga multiple comments ay ikokonsiderang isang entry lamang.

Pero kung gusto ninyong magkaroon ng additional 1 ENTRY (optional, hindi pilitan):

  • i-blog lamang ang MUNTING PAKULO 3 sa inyong mga blogs at isama ang link ng inyong post sa inyong magiging komento dito sa post na ito. 
Samakatuwid, ang komento na naglalaman ng PANGALAN/ALIAS, BLOG/URL at EMAIL ADDRESS ay may isang entry samantalang ang komento naman na naglalaman ng PANGALAN, BLOG/URL, EMAIL ADDRESS  at LINK NG POST TUNGKOL SA MUNTING PAKULO ay magkakaroon ng DALAWANG ENTRIES. To summarize:



1 ENTRY

  • Pangalan o Alias
  • Blog at URL
  • email address 

2 ENTRIES

  • Pangalan o Alias
  • Blog at URL
  • email address 
  • LINK NG INYONG POST TUNGKOL SA MUNTING PAKULO



Ang deadline ng mga entries ay sa ika-29 na Hunyo, 2011 11:59 PM Philippine Time. Anumang entries ang pumasok matapos ang deadline ay diskwalipikado. Malalaman kung sino ang tatlo'ng bloggers na mananalo sa ika-30 ng Hunyo, 2011 sa pamamagitan ng ELECTRONIC RAFFLE (NAKS!). Kaya ano pa ang inaantay mo? Huwag mo'ng palampasin ang pagkakataon na manalo ng domain! Sali na at Mag click DITO!

Para sa mga katanungan, mag-email lamang sa bloggeradmin [at] damuhan [dot] com o i-message ako sa Facebook




6 Nakiusyoso sa usapan:

mommy-razz said...

naks! pinost ah para madaming entry.. GOOD LUCK lhan.

pusang kalye said...

naunahan ako ni Bino amp.hahaha.at talagang full support ka kay Bino ha. pag nag anniv din ba ako this July support mo rin ako?pls./????lol

LhanLhan said...

@anton - oo naman anton! ikaw pa ^^ idol kita eh ^^
@mommy razz- hehhe. thanks po!

Bino said...

ayun oh! salamat :D

isp101 said...

I will join! =)

Hi I'm ROY said...

galing ng pacontest.

more power.

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review