Thursday, June 30, 2011

Pinoy Transportmers

Kahapon nagsimula ang isa sa mga pinakakaabangan movie ng taon. Ano yon? Ang Transformers : Dark Of the Moon lang naman ito. At dahil sa sobrang gusto ko ang movie na ito ay sumali talaga ako sa isang pakontest ng social site ng mga bloggers. Alam na siguro ito ng iba, syempre ang Nuffnang.

Marami rami na rin ang mga sinalihan kong pakulo ng Nuffnang pero sa mga movie talaga lang ako ata nananalo. Syempre hindi naman contest na mahirap yun kasi first 100 bloggers naman ang makakasali at mananalo.

At syempre isa ako sa mga mapalad na nanalo at naimbitahang manood nito sa Shangri-la Cineplex. Pero hindi lang iyon dahil pati si Mhay na aking asawa ay sumali rin at nagwagi. So better saying, apat (4) ang ticket namin. Hahaha. Swerte ng naisama namin dahil nakalibre di sila ng movie na ito. 

The movie was great, parang ayaw ko na ngang matapos ang bakbakan nila Optimus Prime at ng mga katoto nitong mga Otobots laban sa mga warfreak na Diseptikons (tama ba ispeling?)

Pero kanina habang nagfafacebook ako may naalala akong nagpatawa sa akin ng makita ko iyon. Biglang pumasok sa isip ko kasi may Transformers ulit at ito ay ibang version naman. Ano to?

Ang PINOY TRANSPORTMERS! Heto ang sariling atin! Pinoy na pinoy at natatangi. 




















Una sa listahan syempre ang bida at lider ng mga Otobots, Si OptiBUS Prime!





















Si BumbleJEEP na naninilaw sa kintab!





















Si BarriCAB na namimili pa ata ng pasahero.





















Si Boundary na hinahabol ng oras dahil gustong maka boundary.





















Ang mortal na kaaway ni BumbleJEEP na si Colorum dahil sa pangaagaw at pangbuburaot!





















Si Sembreaker na lumalabas lamang kung pasukan na sa eskwela. Minsan nakikitang kasama ni Colorum na pumapasada.




















Ang mortal na kaaway ni OptiBUS Prime na si Megatren. 





















Sila ang mga Pinoy TransPORTmers! Natuwa ka ba? Sa part 4 ng movie na ito ay makikita nyo na ang isa pa nating bagong bida. Alamin kung bida ba siya oh isa sa mga magiging bagong kontrabida. 

Walang iba kundi si.....





















KAGAWADZZ! Astig diba! Hahaha..


At sila ang PINOY TRANSPORTMERS!



Ang mga larawan sa itaas ay hindi ko pag-aari. Ipagbigay alam lamang sa akin kung ito'y sa inyo. Maari ko itong tanggalin kung ito ay hihilingin. Ipagbigay alam lamang sa akin sa pamamagitan ng pag email sa akin. lhanlhan19@gmail.com. Maraming salamat.



4 Nakiusyoso sa usapan:

chino said...

lhan atleast may sariling bersyon ang pinoy

EngrMoks said...

LOL... nakita ko na ayan pare email ko dati. Meron pa nga nyan tricycle.

Whang said...

takte to , wagas ang tawa ko sa mga to ah.. first time ko kasing makita ang mga to... viva!

LhanLhan said...

hehehe kulit di ba?

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review