Tuesday, June 21, 2011

Sa Funny Komiks Ako Nagsimula

Hala, bigla ko namang naalala ang Funny Komiks mula sa pagbabasa ko sa bagong post sa Damuhan ni Pareng Bino. At mula sa pagbabasang iyon ay naalala kong, "Oo nga pala, nasan na ang mga Funny Komiks kong koleksyon dati?" 

Taong 1980's ng sumibol ang Funny Komiks na ito at eksaktong simula ng aking kabataan. Tuwing umaga kasi noon sa bayan ng Malabon kung saan ako nag lumaki at nagaral hanggang high school ay binibilhan ako ng aking lola ng babasahing ito.

Sa umpisa ay sasama ako sa aking tiyahin para mamalengke dahil mayroon kaming isang maliit na tindahan. Malaki na iyong dati kasi kami lang ata ang may tindahan kaya parang grocery store iyon sa aming lugar. Syempre sasama ako para magbitbit ng mga panindang bibilhin at pagkatapos ay bibilhan ako ng aking tita na para bang reward ko sa pagsama at pagtulong sa kanya. Ang hindi ko alam talagang bibilhan ako nito dahil utos na pala iyon ni lola. Naisahan ata ako nuon ah. ^^

Natatandaan nyo pa ba ang Funny Komiks? Sa pagkakatanda ko naabutan ko ito ng 4 na piso lamang and benta. Ang mura di ba? Sa anim na piso lamang na ito nagsimula akong matutong magbasa.


Oo, wala pa ko sa elementarya ay marunong na akong bumasa at sumulat. Ang talino ko nga daw nung bata ako eh, ewan ko lang ngayon tumatanda ay unti unti na yatang pumupurol ito. Matiyaga kasi akong tinuturuan ng aking mga magulang at tiyahin sa pagbabasa at pagsusulat. "Kom - ban - tron" yan yata yung una kong nabanggit na karacter ng komiks magmula ng magsimula ko itong basahin.

Naalala nyo pa ba ang iba't ibang karakter ng Funny Komiks? Sino sino ang mga paborito mong basahin? Sa akin ang pinakapaborito ko ay si "Conbatron" bukod kasi sa makabagong Robot ay astig pa ang dating sa akin nito at dagdag pa ang mga kasamang sina "Axel, Metalika at Dobbernaut kalaban si Death Metal na kinalaunan ay naging kakampi rin sa bandang huli.






































Konting trivia kay Combatron, si Empoy ang nasa likod ni Combatron, mula sa kalawakan ay isinuot ni Empoy ang Conbatron's Armor matapos makita ang nag crashed na space ship ng papunta siya sa kanyang mga magulang. Mula sa nagcrashed na space ship ay ikinuwento ng sakay nito ang kanyang istorya at kung saan sa planetang Omnicron siya nagsimula. Mula roon ay hinahabol sila ng iba pang mga robot upang patayin kasa ng robot dog na si Askal. Ipinaalam niyang papunta na sa Earth ang mga ito para sundan siya. At mula noon ay ipinagkatiwala na ang suite upang siya ng magpatuloy sa pagiging "Conbatron" at iligtas ang mundo mula sa mga masasamang robot.


Si Combatron ay may kapangyarihan bukod sa matibay na suite tulad ng Combatron Foot Blades, Combatron Hip Discs, Teleported Punch, Omega Laser, Space Thunder, Nuclear Eye Beams, Galactic Space Sword at ang huli ay ang Galactic Phoenix.

Ang Combatron ay isinulat ni Berlin Manalaysay ang umalagwa sa Funny Komiks magmula ng 1992 hanggang 1998.


Wew, nag reserach pa ko nyan ha. Hehehe. Ilan pa sa mga paborito kong basahin ay sina "Tomas en Kulas" na tagalog version nils Tom and Jerry. Si SuperBlag na parang buteteng malaki ang tyan na super hero. Ang Planet Opdi eyps", "Pitit", "David at Golyat", "Eklok" at "Mr. and Mrs".


Nakakamis nga silang basahin kaya't heto tinitignan ko na lang ang mga ilang pictures ng mga komiks na ito na nagpapaalalala ng aking kabataan.










































Ikaw? Kapanahunan mo rin ba sila? Natatandaan mo rin ba sila?







8 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

panalo! at combatron talaga ang tumatak sa akin. pati na rin yung tinay pinay at dragon quest yata un. basta! hehehehe. huli ko'ng issue ng funny komiks ay ung 1998. di ko na mahagilap yung iba

MOKS said...

hahaha dati bumibili ako nito..kaso nawala na yata. bakit nga ba nawala na ito sa mga bentahan...mabenta yang mga yan nuong kapanahunan ko.

Traveliztera said...

wahahha eto pala ung funny komiks!!!

isp101 said...

Nirarasyon sa amin ang FUNNY KOMIKS, kasabay ng Diyaryo, nung mga bata pa kami... Favorite ko si Combatron at ang aso niyang si Dobernaut! =)

ako070707 said...

combatron , niknok ( pagkakatanda ko eklok hehehe?) , planet op di eyps , kenji.

walng tatalo sa funny komiks..

badtrip lang ambilis nya magmahal nun.

relate na relate ako ..hahaha

ako070707 said...

miss funny komiks days , or i just miss being a child once more =/

melvin carlo santos said...

nakaka miss tong funny komiks, sana meron ulit ganito para sa mga anak ko malaking tulong to para ma improve yung pag babasa ng mga bata, naalala ko every friday ang bagong issue nito dinadala ng mag ddyaryo.

Gio Paredes said...

You might want to check this site -> http://www.philippinecomics.net/titles/funnykomiks/funnykomiks.htm

It’s one of the best Funny Komiks collection in the internet. http://www.philippinecomics.net

Salamat. :-)

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review