Monday, July 4, 2011

Ang Empleyadong Gobyerno

Taong gobyerno, pag narinig mo ang salitang ito ano ang unang pumapasok sa isip mo? Kurakot, Tama ba ko? Noong nagtapos ako ng kolehiyo ay ni hindi pumasok sa isip ko na magtrabaho sa gobyerno. Kesyo, kurakot lang yan, mababa ang sahod tapos marami pang trabaho. Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit ayokong ayokong pumasok sa kahit anong departamento ng ating gobyerno.

Pero ganun din, kung ano nga talaga ang inaayawan dun ka talaga ilalagay. Parang nanadya. Parang sinusubukan talaga kung hanggang saan ka.

Taong 2005 ng Marso ng nakapagtapos ako at sa wakas ay makakatulong na rin ako sa mga magulang ko matapos ang 17 na taong pagpapaaral sa akin mula kinder hanggang kolehiyo. pagka graduate heto na at apply dito apply doon. Pasa ng resume dito pasa ng resume doon. Interview dito at walang humpay na interview doon. Yung akala mong makakapasa ka na, wala pa rin pala.



Isang araw lumabas ako ng bahay at nakasalubong ko ang isa naming kapit bahay na nagtatrabaho sa city hall. Agad akong tinanong:

Empleyado : Graduate ka na di ba?
Ako : Opo, bakit po?
Empleyado : Graduate ka ng computer?
Ako : Opo
Empleyado :  May hiring kasi sa city hall, graduate ng computer ang hanap nila. Magpasa ka ng  resume at hanapin mo si ganito sa opisinang ito.
Ako : Cge po, titignan ko po. Salamat.


Noong una nagdalawang isip ako sa isinasuggest nya sa akin pero mas nanaig yung kagustuhan kong magkatrabaho para makatulong ako agad sa mga magulang ko at hindi maging isa sa mga graduate na tambay.

Nagpunta ko, at sakto isang exam at interview lang ay pasok agad ako. Training sa umpisa hanggang sa tumagal ng tumagal kahit nawindang ako noong una ay nakasanayan ko na ang pamamalakad ng gobyerno.

Hanggang ngayon sa mga oras na ito ay narito pa rin ako sa gobyerno nagtatrabaho. Pero sa bahay ako nagboblog ha hindi sa opisina habang oras ng trabaho. Bawal kasi dito sa departamento namin, sa ibang departamento pwede siguro pero dito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Naisip ko, mas marami ang nagiisip ng masama pag nagtatrabaho ka sa gobyerno. Nakikita naman ng mga tao yun kung paano ka umasta at amgtrabaho. Kaya maraming gustong magobyerno, yung iba puro pangsarili lang ang iniisp bago ang serbisyong dapat ibigay sa mga tao. Kaya heto, naglista ko ng ilan na nagiging dahilan ng mga tao kung bakit gustong gusto na magtrabaho sa gobyerno.

Pansariling Benepisyo / Kabutihan:

Iwas Traffic - pag na isyuhan ka ng government vehicle ay syempre wala ng traffic sayo. Kung may wang wang ka ay patunugin mo lang ito na para bang may emergency ka pero ang totoo ay wala naman.Wag ka lang mahuli ni Pnoy, kasi agaw trip sya sa mga gumagawa nito.

Maluwag sa time in - sa ibang pribadong mga opisina hindi pupwede ang ganito. Pero pag sa gobyerno ka open time. hahaha. Pag late ka minsan, pwede pang ihabol ng saktong alas otso sa time sheet. Wag lang malalagay ng nasa huling pumirma nang lagpas sa als otso kasi wala ka ng magagawa kundi sumunod sa huling oras ng nag time in,

Libre gasolina - saan ka pa, libre na sasakyan libre pa ang gasolina. Minsan nga nagiging service pa, panghatid sa mga anak sa eskwela at minsan pang pamalengke pa.

Mabilis na serbisyo - pag may kakailala ka, otomatik na yun. Iwan mo na lang dyan sa tabi, at balikan mo maya maya. Tapos na agad yun. No hassle, No pila, No waiting.

Lagay (extra income) - eto minsan ang nakakainis sa iba, kunwari wala ng magagawa sa papeles na inaasikaso mo pero ang gusto lang naman pala ay ang pangpadulas. Doon sa may pera walang problema kasi ayaw na nilang maabala, pero dun sa mga walang panglagay PAHIRAP ito. Mga Buwakaw!

Iwas Huli - yung ibang tao ginagamit ang pagiging empleyado kapag nahuhuli ng mga pulis oh mga traffic enforcer. Ako inaamin ko minsan pag may check point, sasabihin ko na agad na empleyado ako para iwas na sa abala. Pero yung iba sa sobrang kakapalan maski maliit na bagay gagamitin ang pagiging empleyado para makapang lamang. tsk tsk tsk!

Petiks na Trabaho - trabahong gobyerno nga. Petiks. Lahat ng paraan para hindi mapagod gagawin. Kahit na mahaba na ang pila petiks pa rin ang iisipin.

Pag tinatamad pwedeng mag leave - benefit ko yan! yan ang maririnig mo kung sakaling kakalabanin mo ang isang taong nag leave na alam mo namang tinatamad lang yan. Wala kang magagawa kung gusto nya, lahat tayo may leave benefits nga naman. Sa mga tinatamad nga lang saktong sakto ang pagkakaroon ng ganito sa opisina. Lalo na sa gobyerno. Kasi gamit na gamit.



Ang mga nailathala ay sariling opinyon lamang. Walang pinatatamaang tao. Kung may nais kayong ibahagi o ipatanggal maari nyo akong kontakin sa pamamagitan ng pagkokomento dito. Salamat po.

2 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

buwisit ako sa mga taon'g nagtatrabaho sa gobyerno para lang magpasarap. yun bang walang ginawa kundi magpalamig lang sa aircon at hindi ginagawa ang ang kanilang trabaho. ganunpaman, may mga empleyado pa rin na tapat sa kanilang tungkulin

Whang said...

haist naalala ko one time... tipong may ini-inquire ako, hindi ako agad nasagot nung empleyado kaya antay ako... oks lang naman sana mag-antay... ang hindi oks yung nakikita mo yung empleyado na naglalagay pa ng foundation sa mukha habang naghihintay ka! nakakakaka kaya yun hahaha

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review