Wednesday, July 27, 2011

Bukas Na!

Bukas na, may halong kaba at eksaytment ang nararamdaman ko at sana tumigil naman na si "Juaning". Isang taon na rin naman ang lumipas simula ng makasali ako dito. Ano yun? Eto lang naman ang taon taon na kumpitisyon na ginaganap sa Metro Manila na "DOH Skills Olympics and Bench markings".

Ang DOH Skills Olympics and Benchmarkings ay nilalahukan ng mga Ospital sa buong Metro Manila at mga Rescue Personnels nito upang maipakita ang kahandaan ng mga ito sa mga sakunang maaring dumating. gaano kahanda ang mga tao pati na rin ang bawat lungsod sa Metro Manila.

Noong 2010 nang una akong sumali sa team makati "Mamamansan" ang grupo namin noon na kinabibilangan ng Makati, Manila, Mandaluyong at San Juan" at sa loob na 3 taon simula noong 2008 ay nagchampion ang aming grupo.



Tandang tanda ko pa noon na baguhan pa lamang ako sa opisina at nakita ko ang aking mga kasamahan na nageensayo para dito. Nagchampion sila ng panahong iyon at simula noon ay sinabi ko na sa susunod ay sasali ako rito.

2010 ng una akong sumali, medyo marami kami noon at bunutan ang laban na kung sino ang mabubunot ay siya ang makapapaglalaro. Sinamang palad na hindi ako nabunot at ang ilan sa aking mga kasamahan. Ngunit hindi iyon naging balakid upang maging kampeon kaming muli. Magagaling ang lahat ng mga kasama ko at walang sinuman at pwedeng itapon.

For the 3rd time "Mamamansan" team ang naghari sa benchmarkings na ito at bukas ay gaganapin itong muli sa Marikina Sports Complex sa ikaapat na taon na aming pagsali. Pero may ibang twist ngayon, ang dating grupong Mamamansan ay wala na at tuluyan ng binuwag. Kung bakit ay dahil sa parati na raw kaming nagkakampeon at hindi na mabuwag kaya't naisipang i-reshuffle ang grupo.

Sa ngayon ay tanging ang Mandaluyong na lamanag ang nakasama namin. Kalaban na namin ang Manila at San Juan. Kakampi naman na namin ang mga dating kalaban tulad ng Pasig, Caloocan at Quezon.

Kinakabahan ako, pero alam kong handa ako. Nararamdaman kong baka matawag ang pangalan ko bukas at makapaglaro ako sa unang pagkakataon sa aking pagsali rito. Gayunpaman, alam kong wala kaming pagkukulang sa aming pagsasanay nitong mga nakaraang buwan ngunit ang iniisip namin ay ang aming mga kasama na walang ginawa kungdi ang magpahinga at umalis sa aming mga practice days.

Magagaling na daw sila, alam na nila ang mga pinapractice namin. Hay, ang tao nga naman masyadong lumalaki ang mga ulo. Konting gantipala, kontento na at lumalaki ang ulo. Ayaw magpailalim sa ibang tao, ayaw sumunod. Ayaw patalo.

Sana sa mga taong makakapaglaro sa team namin bukas ay yung mga nagpractice ng husto. Huwag sanang matapat sa mga malalaki ang ulo ang mga mahihirap dahil baka hindi nila magawa ng mahusay. Sana kaya pa ring ipanalo ng Makati ang team na ito sa kabila ng mga naging kasama namin ngayon.

Hay, pero anu pa man ang mangyari, manalo man oh matalo, alam naming ginawa namin ang buong lakas at talino namin!

Narito ang ilang mga pics noong taong 2010 DOH Skills Olympics and Bench Markings.





















Good Luck Makati! Bring Home the Champ again!

1 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

good luck parekoy!!!! galingan mo!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review