Tuesday, July 12, 2011

Jefferson and Kurt Bringas of Pilipinas Got Talent






Napanood nyo ba sila noong Sabado sa Pilipinas Got Talent Season 3 (PGT) noong sabado? Sila and magkapatid na si Jefferson at Kurt Bringas na kumanta ng "After All".

Nakakabilib ang istorya ng dalawa na nagmula pa sa Bansalan Davao Del Sur. Si Kurt ay nagkaroon ng Cancer of the bone noong labing anim (16) na taong gulang pa lamang sya na dahilan ng pagkakaputol ng kaliwang paa nito. Last 2006 nang labing siyam (19) na taong gulang si Kurt nang putulin ang paa nito at taningan ng doktor ng 1 month to live.



Mirakulo nga na matatawag ang nangyari kay Kurt na nabubuhay pa ngayon sa edad na 26 kasama ng kanyang mga magulang at mga kapatid.

Mas lalong pinabilib ng 2 ang mga hurado nang sabihin ni Jefferson na "Dati nagdasal ako kay Lord na sana maging akin sya (babaeng mahal nya). Pero noong nagkasakit ang kapatid ko, sabi ko kay Lord na "KAHIT DI MO SYA IBIGAY BUHAYIN MO LANG ANG KAPATID KO"

"Tignan mo naman bait ni God". Touch na pagkakasbi ni Kris Aquino.

"Thank you LORD". Mabilis na tugon ni Jefferson.


Sa kanbila ng kapansanan ng kapatid ay mas pinili pa ni Jefferson na iligtas at unahin ang kapakanan ng kanyang kapatid kesa sa sariling kaligayahan.

Tunay na pagpapakita ng walang katumbas na pagmamahalan ng magkakapatid.

Sana ay mayroon tayong napulot sa dalawa at nawa'y magawa natin sa ating sariling pamumuhay.


Sana manalo kayo Jefferson at Kurt.

10 Nakiusyoso sa usapan:

LordCM said...

astig nga itong magkapatid na to, gaganda ng boses at nakakainspire ung kwento nila

sana dirediretso na sila sa finals :)

http://fromthedungeon.com

EngrMoks said...

Gusto ko yang mag-utol na yan.. saka yung Reggae na banda, Brgy Captain ang vocalist.

Diamond R said...

Naiyak ako di ko alam kung bakit?basta tumulo ang luha ko.It's the heart what matters most talaga behind the talent.


Kung ano man ang dahilan sa kung ano ang iyong kalagayan kung ang rason ay ang iyong di matawarang pagmamahal selfless love.Panalo ka sa puso ng marami.

chino said...

teary eyed ako kasi malakas ang faith nila... Gusto ko rin yung boses babae na kumanta ng song ni Mariah Carey

Bino said...

aba'y napanood ko to . ang galing nila ah. blending kung blending. astig!

yahm18 said...

inspiring yung kwento nila at talented pa. hopefully makita ku sila s finals! :)

ako070707 said...

kudos to them ..

I hope to see them in grand finals..

the story is touching ,napanood ko din sila last saturday.goosebumps! 0_o

arman said...

galing..kaya nga mga anak ko ginawan sila ng site nila..at marami talagang humanga sa mga boses at istorya nila..inspiring...keep it up ..

Life Moto said...

di kopa sila napapanood , try ko mamaya.

pusang kalye said...

basta ako satisfied talaga ako sa result ng PGT 2---ang winner na si Pomoy.world class ang talent.mapagmamalaki talaga.:D

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review