Monday, July 11, 2011

"Sty On Me"

Tignan mo nga naman ang swerte, namamaga ang mata ko. Bakit? Dahil lang naman sa kulite na ito.  Buti na lamang at sinaktong off ko ng tumubo ang lintek na ito. At dahil dyan syempre ni research namin ni Mhay kung ano ang ingles ng kulite. 
At dahil dyan magbibigay ako ng mga impormasyong aking natuklasan at mga paraan upang maiwasan at gamutin ito. 

"Sty" oh minsan ay naiispel din na "Stye" na may medica trm na hordeolum. Ang sty daw ang bunga ng impeksyon ng oil glands ng eyelid na tumutulong para maging lubricant ng eyelid.

Ang impeksyon ay nangyayari kapag nababarahan ang mga oil glands na ito. Maari ding magkaroon ng kulite kapag ang mga dulo ng mga pilik mata ay naimpeksyon. Sa kabuuan ng pag-aaral, sinasabing ang stress ang nangungunang dahilan ng pagkakaroon ng kulite. Dahil sa kakulangan ng tulog, pagod, at walang pahingang mga mata ay mataas ang tyansang magkaroon nito.


Mga Sintomas ng Pagkakaroon ng Kulite:
1.  Pamumula ng Mata
2. Pangangati ng Mata
3. Pamamaga
4. Nahihirapang Mag Kisap Mata
5. Pagluluha
6. Pagiging Sensitibo sa Ilaw
7. Pagkakaroon ng dilaw na bilog sa eyelid ng mata


Iyan lamang ang ilan sa mga sintomas ng kulite, at kung hindi na mapipigilan ang pagkakaroon nito ay narito ang mga daat tandaan kapag mayroon kulite.



Mga Dapat Tandaan Kapag mayroong Kulite:


1. Gamitan ng Warm Compress - maaring gawin ito ng apat hanggang 6 na beses na tumatagal ng tig sampung minuto. Ginagawa ito upang mas mapabilis ang paghinog ng kulite upang mapadali ang paggaling.

2. Huwag Pipisain / Kamutin- Huwag na huwag pipisain ang nana ng kulite. Magdudulot lamang ito ng mas malalang impeksyon sa iyong mata na maaring humantong sa pagkabulag.

3. Huwag Pabunutan ng  Pilik Mata -  Katulad ng mga sabi ng matatanda na "bunutan ng pilik mata ng bunsong anak" ang may kulite upang mawala ito. Wag maniwala rito dahil ilang beses ko na itong ginawa pero mas lalo lamang mamamaga ang inyong mata.

4. Uminom Ng Antibiotic - Maaring uminom ng antibiotic upang maging paunang lunas para hindi na ito maimpeksyon. 

5. Kumunsulta sa Doctor - Kung ang kulite ay tumaggal na ng mga ilang araw, mas mapapbuti kung magpakunsulta na sa kilalang doctor oh sa pinakamalapit na doctor sa inyong lugar.

6. Magpahinga - Matapos magpakunsulta sa doctor oh kahit man hindi ay mas makakabubuting magpahinga muna ng mga ilang araw. Mas makakairitate kasi sa mata kung sasabak agad sa trabaho at mga usok na nakapaligid sa atin.


Sa ngayon ay tuluyang namamaga ang aking mata. Sana gumaling na agad para sa pagpasok ko ay hindi naman ako maging tampulan ng tukso dahil dito. Sana ay nakatulong ang aking mga naibahagi tungkol dito dahil nakakainis talaga kapag mayroong ganito. Hay...

2 Nakiusyoso sa usapan:

yahm18 said...

huhu.. wawa aman mahmine ku! don't forget i-warm compress ha.. aylabyu! :)

Bino said...

at dahil dyan, get well soon sa kulite mo. heheh nalamn ko kahulugan nito sa english dahil sa libro ni bob ong. heehhe

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review