Monday, August 22, 2011

Gulong Manong Gulong

"San ho kayo?!" Eto ang malakas na boses na narinig ko kanina habang nasa jeep ako. 


Agad ko itong nilingon. May mamang sumasakay. Gegewang gewang. Ini-angat ang isang paa at humawak sa estribo upang umakyat sa sinsakyan kong jeep.


Muntik pang malaglag dahil tipong ayaw sanang pasakayin ng driver ang mamang lasing. Walang nagawa ang driver. Dahil may bumaba, nakasakay pa rin ang lasing.


Lingon lahat ng pasahero, syempre lasing eh at baka may gawing di maganda. Maganda ang alerto. Maski ako tinititigan ko sya. Halos puro babae ang kasakay ko at may katabi kasi syang babae .Baka kung anung gawin nya kaya mabuti na ang handa.


Umandar ang jeep, nagbabaan ang iba, sumakay ang iba. Baba sakay, baba sakay. Parang ako na lang ang hindi pa bumababa ah. 



Inisip ko lahat ng pwede kong gawin. Panu pipilayan ang lasing, pano iilag sa kanya, pano ko sya lalabanan sakaling magiba ang kilos nya. 


Hahaha. Nakakatawa kasi natakot ako sa lasing at lahat na yata ng mga natutunan ko sa self defense ay nirecall ko sa isip ko habang umaandar ang jeep.


Sa wakas, isang tambling na lang at malapit na kong bumaba. Maiinit ang babaeng kondoktora ng jeep ang pilit na sinasabi sa lasing na saan sya bababa.


Lasing nga eh, kaya hayun walang maisagot na maayos. Basta nagtuturo lang sya na doon sya bababa.


"Malapit na kong bumaba" sabi ko sa isip ko. "Makakiwas din sa kung ano pa dito."


Tog! 


Blag! 


Pak!


Ang lakas ng mga yan ng marinig ko. Bigla akong naalerto kasi na napalingon ako sa iba at nawala atensyon ko sa mamang lasing.


Paglingon ko natawa na lang ako sa nakita ko. 


Yung mamang lasing, GUMUGULONG sa loob ng jeep. 


Nakita ko mismo pano tumama yung mukha nya sa sahig at nagpagulong gulong dahil sa biglang pagpreno ng jeep. Di ko alam kung sinadya ni manong driver kasi nung nakita ko sya ay pangingit ngiting tipong nang aasar.


Pasensya na malabo, umaadar kasi ang jeep at nakaw lang yan. Baka kasi magalit pag nakitang pinipicturan ko sya. Hehehe...

























Naawa rin naman ako sa lasing pero wala akong magagawa kungdi ang hayaan sya. Bumama ako at hindi ko na nilingon si manong.


Lumipas ang maghapon, nakapunta na ko ng mercury drug para bumili ng vitamins ni wifey. Nakapagpagupit na ko sa barber shop na paborito ko. At nasundo ko na si mhay mula sa trabaho.


Pagdating namin sa babaan ng jeep at muling sasakay na sana. Nakita ko ulit si manong. Nakakaawa, gumugulong na naman sa kalsada, nakadapa at walang lakas para tulungan ang sarili nya.


Nakakaawa pero lesson na rin para sa kanya. Di nya mauubos ang alak kahit maghapon oh isang taon pa silang maginuman.


Sana pag uminom, yung kaya lang. Kayang umuwi, kayang dalhin ang sarili.


Tsk tsk tsk...

4 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

kaya ako di ako nagpapakalasing lalo na't malayo ang uuwian. :D

Ka-Swak said...

hayzzz mga lashhheenggo nga naman! malamang pag nadaanan pa ng kamag anak un hindi papansinin.

hana banana said...

tama! dapat tamang tama lang ang kayang itama! baka may ibang matamaan sa tama mo!

hehe..kaya ako? sa bahay lang ako laging umiinom.. ^_^

Kristeta ♥ (kalokang Pinay) said...

Tama ka, dapat pagiinom ay yung kaya lang. Sana lang ay ok lang si Manong at nakauwi ng maayos.........

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review