Wednesday, August 3, 2011

Hindi Magandang Karanasan Mula Sa Isang Taxi Driver

Maulan na araw ang buong maghapon, pero di ito alintana dahil may nakaschedule kaming mga lakad ni Mhay dahil off duty namng dalawa. 

Una ay ihahatid namin sa aking kapatid ang isa naming regalong kalan na natanggap namin noong kasal. Dahil 2 naman ang natanggap namin ay ipinaubaya na namin ang isa kasi bagong lipat lang ito ng bahay at nagsisimulang magipon ng mga gamit. 

Pagkatapos namin ibigay ay bibili na rin kami ng tanke ng kalan at mga accesories nito para naman sa aming kusina.

Ikalawa sa plano ang pagpunta sa isang mall upang bilhin ang nauna na naming nakitang sale na washing machine noong isang araw. Yaman!

Matindi ang buhos ng ulan, pagkarating na pagkarating pa lang namin ay ibinigay ko na agad ang kalan kay mama at agad na dumeretso sa bilihan ng tanke. Malapit lang kasi doon kaya dun ko na naisip bumili.

Canvass dito, canvass doon hanggang sa mapagdisisyunan ko ng bilhin ito. Pagkatapos magbayad ay agad na kong dumiretso sa bahay at iniwan muna ang tangke dahil susunduiin ko muna si Mhay sa bahay para diretso na kaming papara ng taxi at dala na ang tangke ng kalan pauwi.

Di naman kami nahirapang pumara ng taxi, heto agad si manong at agad na huminto sa isang kaway ko lamang. 

At dito nagsimula ang pangyayaring di namin inaasahan.


Lhan: Sa Staff House ho. Malapit sa Market Market Pembo.
(saglit na nagisip ang driver ngunit agad naman itong tumanggo)

Lhan: Manong pabukas ho ng likod. (Ilalagay ko dito ang tangke ng kalan.)
Pagkatapos kong ilagay ay dali dali akong sumakay dahil sa lakas na rin ng ulan.

Umandar ang taxi. Kumaliwa sa Legaspi Street.

Sa pagliko nito ay tinignan ko ang driver, tumingin sya sa akin at imbes a ikaliwa sa unang kanto ay idineretso nito ang taxi at lumiko pakanan sa dulo. 

Lhan: Sana kumaliwa na tayo doon manong. Napalayo pa tuloy tayo. Doon din naman ang daan natin.

Driver:  Nandito na tayo eh, alam ko naman ang daan. Wag ka nang makialam ako ng bahala.
Sa puntong iyon, alam ko na ang diskarte ng driver. Palibahasa ay mukha kaming magsyota pa lang ni Mhay ay inakala ata nitong driver na simpleng mamamayan lang kami. 
Driver: Kung gusto nyo bumaba na lang kayo at sumakay sa iba.

Nagsimulang uminit ang ulo, ang lakas ng ulan pababain kami ng driver? Nagpakilala kami sa kanya pero parang di siya naniniwala.

Lhan: Pababain mo kami? Ang lakas ng ulan?
Driver: Eh marunong ka pa sa akin eh! Masyado kang madada! Sumakay na lang kayo sa iba kung gusto niyo!
Lhan: Wag nyo kaming ginaganyan manong! Taga City Hall kami. Bawal ang ginagawa nyong pagpapababa sa amin!

Nagpatuloy ang maiinit naming pagtatalo ng driver habang umaandar ang taxi. Matigas ang taxi driver, nakikipagsagutan talaga at kulang na lang ay magpangbuno na kaming dalawa.

Lhan: Sige manong, ideretso nyo na! Umayos kayo.
Driver: Ikaw ang umayos! 

Pansumandaling tumahimik muna ko dahil na rin sa pagpapatigil sa akin ni Mhay. Pilit niya kong kinakalama at sinasabing tigilan ko na ang pakikipagtalo.
Maya maya ay hindi ko na talaga natiis, naiisip kong siguro kung hindi nabuko ang style ng driver na ito ay marami pa itong lolokohing mga pasahero at kakayan kayanin lamang. 

Agad akong tumawag sa opisna.

Lhan: Hello, pre duty ka ba?
Sherwin: Oo pre, bakit?
Lhan: Patulong naman, pa-assist ako ng MAPSA. May problema kami dito sa taxi driver.
Sherwin: Nasan ka?Bakit?
Lhan: Pilit kaming pinababa sa taxi. Dito nasa loob ng taxi. Makati ave. going to Jupiter.
Sherwin: Oo cge pre. Pahintuin mo sa Mcdo yang taxi. Ako ng bahala.
Lhan: Cge pre. Salamat.




Habang kausap ko siya ay nilakasan ko ang boses upang marinig talaga ito ng driver. Matapos kong ibaba ang telepono ay biglang nagsalita ang driver.





Driver: Sir, ihahatid ko naman talaga kayo. Pasesya na sir.

Aba at biglang lumamya ang boses ng driver at halos ay amuhin na kaming 2 ni Mhay sa loob ng taxi. Dumating kami sa Mcdo at sinabing kong ihinto ang taxi sabay baba ko at kinawayan ang MAPSA na nagaabang na sa amin.


MAPSA: Sir, magandang umaga ho. 


Agad nitong nilapitan ang driver at kinausap. Pinaliwanagan. 


MAPSA: Hindi ako naniniket ng driver ng jeep at taxi dahil naiintindihan ko rin kayo. Pero mali ang ginawa nyong pagpapababa sa pasahero nyo. Bawal sa Makati yan. Ganito na lang sir, ihatid nyo yang dalawa na yan dahil mga taga city hall yan at kabaro namin. Pasahero nyo yan at wag kayong makipagtalo. Ayusin nyo para makadaan pa rin kayo ng maayos dito sa Makati. Naiintindihan nyo ho ba?

Driver: Yes sir, pasensya na ho kayo. (Nanginginig na boses ng driver.) Pasensya na ho.

Agad na lumingon sa akin si manong MAPSA at sinabing:

MAPSA: Ok na sir. Sumakay na ho kayo at ihahatid na kayo nyan.
Lhan: Salamat sir!

Sa loob ng taxi ay paulit ulit akong kinausap ng taxi driver at paulit ulit na nanghingi ng pasensya. 
Driver: Pasensya na sir. Di ko naman talaga kayo pinabababa at ihahatid ko naman kayo. Pasesnsya na talaga sir.
Lhan: Ok na yun. Sa susunod wag mong gaganyanin mga pasahero mo. Hindi tamang pababain mo kami. Isa pa ay malakas ang ulan. Maling mali ka.
Driver: Pasensya na talaga sir. Pasensya na.

Mula noon ay hindi na ko nagsalita hanggang sa pagbaba namin. Pero paulit ulit pa rin siyang nanghihingi ng pasensya. Pagbaba ko muli kong inulit sa kanya na wag na nyang gagawin ang ginawa nya ngayon sa mga pasehero niya. Agad naman siyang nagsalit ng "Oho Sir"

Nakakatawang nakakinis, nakakatawa kasi tyempong kami pa ang ginanun nya. Akala nya siguro ay simpleng mamamayan lang kami na kaya niyang kayan-kayanin. Nakakinis kasi kung wala kaming kapit ay malamang na kinawawa lang kami ng driver na iyon at worst pa siguro kung ibinaba kami sa gitna ng napakalakas na ulan. 

Sana maging aral to sa mga taxi driver's out there na nanloloko ng mga pasahero. Kapag nabisto ay bigla kang tataasan ng boses at pababain at kakayan-kayanin. Swerte mo mabait yung MAPSA na tumulong sakin. Talagang patitikitan na kita kanina pero naawa pa rin ako sayo. Next time, wag na wag mo ng uulitin ang pinaggagawa mo. Mabait pa kami, baka mas maging worst ang mangyari sayo kung uulitin mo yan. Learn from it MANONG TAXI DRIVER!


UVM-639 Lucky Star Taxi. Iyan ang hinding hindin ko malilimutang plaka ng taxi sa buong buhay ko.









9 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

marami-rami na rin ako'ng hindi magandang karanasan sa mga taxi drivers lalo na dito sa ncr unlike sa baguio na wala ako'ng bad experience. nakakabuwisit ung ginawa nya sa inyo. buti na lang taga munisipyo kayo.

Xander said...

Buti na lang talaga at na ganyan yan sila. Abusado kasi yung ibang driver eh. Ang lakas ng loob nila ehh naghahanap buhay din naman sila eh. Kung hindi dahil sa mga pasahero nila hindi sila kikita. Inis ako sa mga drivers na ganyan ang ugali. Leksyon sa kanila yan.

mommy-razz said...

Naku ang sarap batukan ang driver na yon, hehe! akala niya maluluko niya kayo.. haist

LhanLhan said...

@mommy raz - oo nga eh,, hay buti at sa amin sya natapat! napangaralan! haysss.

mikexplorer said...

marami din ganyan dito sa davao.. pero buti na lang.. takot sa mayor mga driver dito.

LhanLhan said...

@mikeexplorer - oo naman susuntukin ni duterte yang mga yan hehehehe

isp101 said...

Stupid and arrogant driver, nakakainis talaga mga ganyang driver... I always give more money kapag sumasakay ako ng taxi, dahil alam ko ang hirap ng buhay nila, wag lang mang babastos. 'Di tama ang ginawa sa inyo, tama rin ang ginawa ninyo. At least, malaking lesson na sa kanya ito. I'm glad you two are fine. Have a great day!

hana banana said...

tama! nakaka-inis xa! taxi driver pa naman ang papa ko pero di xa ganyan!!! sana po ay hindi i-ge-generalize ng mga tao ang mga taxi drivers....sana magbago na yung masasama na habit ng ibang drivers..nkakaiinis kasi eh..errr

LhanLhan said...

@isp101 - naka earn talga sya ng lesson ^^
@hana - hindi naman po lahat ginegeneralize natin ^^ yungiba lang po talga...

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review