Tuesday, August 30, 2011

Duyan Ng Kapahamakan

Kay sarap nga namang ng pakiramdam ng isang ama habang bitbit bitbit ang anak habang pinapasyal ito. Ihehele kapag inaantok at padededeen kapag ito'y nagugutom. 

Sa tuwing maiisip ko ang mga ito ay di ko maiwasang maeksayt sa susunod na taon. Taon ng paglabas ng unang baby namin ng wifey ko. 

Nakakaeksayt diba? 

Parang ngayon pa nga lang gusto ko ng bumili ng mga gamit nya. Mga damit, sapatos, shorts, pants, laruan at iba pa na magagamit niya.

Pero di pa pwede, masyado pang maaga. Di pa nga namin alam kung babae oh lalake eh. Hehehe. Eksayted lang pasensya naman. 

Ganito talaga siguro ang pakiramdam ng magiging ama oh isang magulang. Nakakatuwa. Di ko na maipaliwanag pa.

Wala na sanang gaganda pa kung ganito ang isang magulang sa kanyang anak. Pero nitong nakaraang araw ay medyo nalungkot ako at natakot sa aking nakita.

Isa na namang kuwento sa jeep. Nung nakaraan naikwento ko dito sa aking notbuk ang isang mamang lasing na gugulong gulong. Heto na naman ngayon at mayroon na naman akong isang eksperyensa na hindi ko malilimutan.

Maluwag ang jeep pagsakay ko, sabado kasi noon at syempre walang pasok. Walang trapik, mabilis sumakay ng jeep.

Biyaheng C5 na naman ako papuntang Guadalupe para sunduin ang aking wifey. Gusto kong sumakay talaga sa unahan ng jeep. Bukod sa hindi ka na magaabot ng mga bayad ay hindi ka na rin kailangan makipagsiksikan sa mga katabi mo.

Kumbaga, sulit ang otso pesos sa pag-upo mo. 

Sa harap sana ako sasakay sa isang jeep na nakaabang. Pero napansin kong may naunang sasakay sana pero hindi na siya nakasakay at pinalipat na lang sa likod. 

So hindi na ko nagpilit sa unahan, kasi baka may nakareserve na doon oh di kaya ay doon sasakay ang nagkokonduktor sa oras na yun.

Biyahe ag jeep at napansin kong medyo malayo malyo na kami pero wala ni isang nakasakay sa unahan. 

Bumaba ang iba at sumakay na rin ang iba pero nanantiling bakante ang unahan. Di na ko nakatiis at medyo lumapit ako sa harapan ng may iilang bumaba.

Nagulat ako sa aking nakita. 

Ano toh? DUYAN?! Sa sobrang gulat ko ay tinitigan ko pa ng husto at niyuko kung anung meron doon.

























BATA! Isang batang wala pang isang taon na mahimbing na natutulog at nasupsop sa kanyang dede. 

Naawa ako sa bata, sa gitna ng mabilis na pagpapandar ng driver, mausok na kalsada, at tagtag na daan ay naaatim niyang isama pa ang kanyang anak.
Siguro ay walang magbabantay, walang pwedeng mapagiwanan. At kung hindi papasada si tatay ay wala namang mapapangbili ng gatas.

Tama ang intensyon pero kalusugan at kaligtasan ng bata ang nakasalalay. Ang hirap. Nakakaawa. 

Nang malapit na kong bumaba ay nakita kong umiyak ang bata. Tinapik tapik ng driver ang paa para makatulog ulit pero hindi na. Kinarga nito ang bata sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay ayt uloy na  nagdrive.

Mula ng bumaba na ko ay sila pa rin ang iniisip ko. Nasabi ko sa sarili ko na kahit kelan, di ko ilalagay sa kapahamakan ang kalusugan at kaligtasan ng anak ko. Hindi ako magiging ganoon.



3 Nakiusyoso sa usapan:

yahm18 said...

nakuh! katakot naman para sa baby. sana pinabantay nia na lang sa iba.

on the other side, sobrang dakila nyang ama ha, wag nga lng sana mapahamak ang bata sa tuwing siya ang bibiyahe at sana wag lagi nyang isama sana ngkataon lang.. =)

Bino said...

siguro pare walang magaalaga kaya kasama sa byahe, lumaki din kasi ako ng ganun, kasama sa byahe ng tatay ko. di naman siguro gusto ng ama na mapahamak ung anak niya. someday you will know hehehe

hana banana said...

OMG...super dangerous ng ginawa ng tatay na yan..sana hindi na ito mangyari ulet ;(

lagi rin akong sinasama ni tatay sa pagpapasada nya..pero 5 yrs old na ako nun!

god bless sa iyong future bhaby!!! ^_^

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review