Friday, August 12, 2011

My Baby's Name, Help!

Naglibot libot ako nung nakaraan araw sa mga blogs ng aking mga bloggerong kaibigan. Napadpad ako dito kay Xander na nagkukuwento tungkol sa kanyang pangalan. Tumingin pa nga ng survey para ipagmalaki ang pangalang dakila.

Alexander the Great pa nga ang unang naisip ko ng mabasa ko ang post nyang yun. Ayos di ba? Dakila ang pangalan ni pareng Xander. Hahaha. Peace!

At dahil doon ay aking napagtanto na "oo nga pala, magkakababy na ako". Naisip ko agad na dapat ay maganda ang pangalang ibibigay ko sa aking anak. Pero di ko pa alam kung boy oh girl, 2 months palang kasing preggy si wifey ko at next week pang nakaschedule ang ultra sound.



Gusto ko 2 names, yun naman ang karaniwang ginawa na ngayon. Di na uso yung isang name at kung meron man ay bibihira na. Gusto ko rin yung paghahaluin yung pangalan naming dalawa, Rholand at May. Astig aya yun? Hehehe.

Gusto ko rin sana yung letter "R" and umpisa. Sabi ni May pag boy daw letter "R" at pag girl daw letter "M" naman. Hmmmm..

May nagsuggest naman kunin ko raw sa bibliya. Yung tipons Moses, David, Solomon, Abraham ba? Hmmmm, pag isipan ko muna.

Dati gusto ko din kunin sa pangalan ng mga angels, pero wala naman akong makitang letter "R" na naguumpisa. Meron letter "M" Michael, pero pag "M" name ng girl nga sana.

Hahaha.. Nahihirapan kami, at dahil dyan hihingi ako ng tulong sa inyong mga magbabasa nito. Kung meron kayong nais na issugest ikumento lamang dito sa post na ito kaibigan.

Isang malaking pasasalamat sa inyo kung may maisusuggest kayo. Malay nyo yung ibinigay nyo yung ang ipangalan ko. Kung magkagayun man, walang humpay na ipopromote kita sa notbuk ko. Hehehe.

Muli maraming salamat, at maraming salamat na rin sa mga future na makapagcocontribute dito kahit papano.

Salamat!

10 Nakiusyoso sa usapan:

Xander said...

hahahha.. huwaw.. bidang bida ako sa post na ito ahh.. ahahaha.. hmmm.. Salamat. Maganda talaga ang pangalan ko.. isang dakilang pangalan at kahit mawala man ako sa mundo ehh maiiwan pa din ang maganda kong pangalan..

Hnmmm name ng baby..
Ito'y suggestion lang naman..

Kung lalaki ang Name pwede ka mamili sa nasa ibaba.. since gusto ko din biblical ang names ng baby ko balang araw.. pwede try mo if u like:

BOY:

1. Adriel - meaning Flock of God or Belonging to God. Pwede actually pang girl din sya..

2. Eli - meaning sa Bible Ascending, going up or on high. Pwede mo rin gawing dalawa Eli Alexander.. hahahhaa may name ko talaga..

GIRL:

1. Jochebed - glorious, honorable

2. Myrtle - its a tree always mentioned sa Bible. Pwede rin dalawang name at gawin Myrtle Ann or Myrtle Rose.. hehe

Anyways kung gusto mo pa ibang biblical names.. hayan ang site sa baba.. hehe

Congrats Lhan sa baby..

http://www.ballina.net/babynames/

http://christianity.about.com/od/christianbabygirlnames/a/babygirlnames_3.htm

mommy-razz said...

for boy Rae John, for girl Maia Abrianna.. hanap pa ako ng iba.. hehe!

YOW said...

Pag lalaki, Rhaymond (pag pinaghalo-halo letters ng name niyo. Haha. Pero cute ang Ram tapos samahan mo kunwari ng galing sa bible o name ng angel. Para nasundo pa din. Haha.

Pag babae, Mandy (pinaghalong name niyo din) at icombine din sa bible character o angel. Haha.

Talagang kinarir ko. Ang panget ng naisip ko. Hahaha. Whole name na ba kasi yung May?

Bino said...

di ako magaling sa pangalan eh pero baka this coming days makapagisip din ako hehehe. dumadalaw ng walang patid at walang mintis

LhanLhan said...

@xander - haha ang dame, at talagang nagreseach ka pa talga ng mga sites? hahaha salamat!

@yow - ok naman yung nabigay mo eh,, heheh pagiisipan ko anu pa ang idadagdag.Hehe full name na yun heheh

@mommy raz - salamat po mommy raz!

@bino - hehe cge cge asahan ko yan sa mga next days ha hehehhe

Anciro said...

pag lalaki, anciro

Xander said...

may premyo ba ang name na mapili? hahaha joke lang.. napadaan ulit dito. ahehe

Issa said...

Hello, Lhan. Pag panganay, kadalasan sunod sa tatay o kombinasyon ng pangalan ng tatay at nanay.

Kung gusto mo ng kakaiba..anagram ng name mo at ni wifey.hehehe.. Mine was Carissa fr. my father's name (Ri-CAR-do) & my mom's (Su-SAn).

Interesado rin ako sa sagot mo kay Xander.. may premyo ba?

LhanLhan said...

@issa and xander - hahaha cge pagiisipan ko pa muna ^^

PSYCHABLES said...

may pangalan na ba? pag lalaki Uriel Martin, pag girl, Kearra Mae

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review