Thursday, September 8, 2011

Gerry Chua : "Ibalik natin sa ibang tao ang mga biyayang natatanggap natin. Naniniwala ako sa Good Karma."

Nakakatuwa ang nagyari kahapon. Isang nakakinspire na tao ang nagbahagi sa amin ng kanyang karanasan. 

Pamilya, kaibigan, kamag-anak, negosyo at marami pang iba pa siyang naikwento. Kilala nyo ba ang sikat na "Eng Bee Tin" sa may Binondo Maynila? Kung oo, tunay ngang masarap ang kanilang mga produkto. Alam mo kasi eh.

Kung hindi naman, siguro ay hindi natin panahon ito. Ako mismo hindi ko ito alam. Hindi naman kasi ako namulat sa lugar ng Binondo. Hindi rin kami kumakain ng Hopia palagi. Masarap din naman ang Hopia pero kumakain lang ako nito kapag merong nakahain oh di kaya ay merong nagbigay.

Isang tipikal na araw naman kahapon, araw ng mireykules at busy ang aming opisina sa nalalapit nitong ika-5 taong anibersaryo. Edit dito, Edit doon. Busy ang inyong linkod sa pagawa ng mga designs ng mga mugs na pinagagawa ng mga magiging sponsors sa amin.


Maya-maya ay may mga nagdatingan. Mga sponsor, kausap ang aming supervisors tungkol sa deal na gagawin nila para sa aming anibersaryo sa susunod na linggo. Magkakaroon kasi kami ng 1 week fair sa parking area ng ground floor sa Makati City Hall.

May blood letting activity, trade fair, film showing, photo gallery at marami pang iba. Dahil ito sa matagumpay naming nakamit ang aming unang ika-limang taon.

May ilang kalalakihan na pumasok sa aming opisina. Mga nakakulay violet na tshirt. Mukhang mga intsik kaya naisip naming magkakasama sa trabaho na mukhang bigtime itong sponsor na ito. Di lumaon at natapos ang kanilang meeting, lumabas ang mga bisitang ito para tignan ang aming opisina. Napahanga sila kasi napaka moderno ng aming teknolohiya. Hindi pa sila nakakakita ng ganito sa ibang LGU's at tanging dito lamang sila sa Makati nakakita nito.

Wow, napakasarap namang pakinggan ang kanilang sinasabi. Puro papuri at paghanga ang aming naririnig sa kanila sa mga oras na iyon. Ang hindi namin inaasahan ay makakapulot din kami sa kanila ng aral at paghanga.

Si Mr. Gerry Chua, pamilyar ba? Siya ang may ari ng sikat ng Eng Bee Tin Chinese Deli sa Binondo Maynila. Sa una aakalain mong pure business ang habol niya. Intsik kasi di ba? Sino bang intsik ang hindi business minded? 

Pero hindi pala. Gusto niyang maikalat ang pinamumunuan niyang "Chinese Fire Volunteer Brigade". Nakita nyo na ba yung fire truck na kulay "UBE" pag may sunog? Sa kanila yun. Bukod sa gusto niya itong maikalat ay mas gusto niyang ipakitang hindi lamang negosyo ang pakay niya. Gusto niyang makatulong.

"Ibalik natin sa ibang tao ang mga biyayang natatanggap natin. Naniniwala ako sa Good Karma." Nakakainspire di ba? Pagpapaliwanag niya ay gusto niyang ibalik sa mga tao ang mga biyayang natatanggap niya. Volunteers sila, wala silang bayad na sinisinggil at rumeresponde sila sa kahit saang sunog. At take note, mga businessman sila sa Binondo ha. Saan ka makakakita ng ganyang mga tao ngayon? 

Bibihira. Kaya saludo ako sa kanila.

Ang isa pang ibinahagi niya ay kung pano umunlad ang kanyang negosyo. Sya ang unang anak na lalaki sa kanilang pamilya. Katulad ng inaasahan, ang panganay na lalaki ang magmamana ng negosyo ng pamilya. 

Masaya naman noong umpisa, pero dumating ang panahong nalulugi na ang kumpanya at unti unti na silang naghihirap. Natatandaan ko pa ang kanyang sinabi na "Noong naghihrap kami, nawalan ako ng mga kamang-anak. Bakit? Ayaw nilang mautangan. Doon ko nakita kung sino ang tunay na mga kaibigan na handang tumulong sa oras ng pangangailangan."

Kinuwento pa niya ang istorya paano ulit niya napaunlad ang kanyang negosyo. At yun ay dahil sa "UBE", kaya nga eto ang kanyang paborito na maski ang fire trucks ay kulay ube din.

Dahil kasi sa kahirapan ay nagmamall na lang siya para magpalamig. Hindi na para maglakwatsa at mamili ng kung ano ano. Napagkakamalan na siyang shop lifter ng mga guwardiya ang ng isang araw na lalapitan na siya nito ay bigla niyang tinanong ang tindera ng ice cream kung anung pinaka mabiling flavor.

Sumagot naman agad ang tindera ng "UBE". At doon nagsimula ang pagusbong. Nafeature siya sa "Cityline" program ni Cory Quirino dahilan upang mas sumikat ang Eng Bee Tin.

Nakakainspire kasi nalaman mo sa taong ito ang kahalagahan ng kaibigan sa oras ng pangangailangan. Naibabahagi rin niya sa mga tao ang mga biyayang natatanggap. At higit sa lahat, hindi siya tumataggap ng anumang kabayaran mula dito.

Masayahing tao si Mr. Chua, halos lahat kami ay may pictures ng solo sa kanya. May group picture din na nagiging tampulan ng kantyaw. Sabi nya kasi kapag kami ang pumunta doon ay libre kami sa lahat. Eat all you can daw. Binigay pa yung CP no. para sigurado daw na hindi sya nagbibiro sa amin.

Sayang di ko pa nakukuha yung picture sa supervisor ko. Pero one of this days pag nakuha ko ay ilalagay ko rito. 

So that's it. Galing diba? Isang tao na di lang negosyo, may kawang gawa rin na ibinabalik sa ibang tao bunga ng mga biyayang natatanggap niya.


PLUGGING TIME. 


Ang Eng Bee Tin Chinese Deli ay makikita sa 628 Ongpin St. Binondo, Manila. Iba't ibang Chinese Deli ang inyong mapagpipilian. At siguraduhing tikman ang kanilang Hopyang Ube. 





















For more details narito ang kanilang website : Eng Bee Tin Chinese Deli 







3 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

hindi ko siya kilala pero dahil mabuti ang loob niya eh di ayos.

Mangyan Blogger said...

OO naman :)

Naniniwala pa rin ako sa KARMA :)

simply pochi said...

kuya!! pahelp po :) kindly leave a comment po doon sa last post ko po about KES 2011 :) please please kuya :)) thanks po

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review