Tuesday, September 6, 2011

Oh Pako, Ang Hirap Mong Madaanan

Una kitang nagisnan ng ayusin ang bahay
Bitbit bitbit ni Manong, na Pilak ang kulay,

Pukpok dito, pukpok doon, walang tigil ang ingay
Sapagkat kailangan, Maging matatag at matibay,

May De Uno, De Dos, De Tres yari itong iyong haba
Pang bakya at pang kongkreto, lahat yan ay kayang-kaya,




Tunay kang kaagapay
Ni Manong Karpentero.. Na taga-gawa ng aming bahay,

Ngunit bakit isang araw akoy iyong inabala
Ang daming papasukan, bakit sa gulong ko pa nagpakaligaya

Buti na lamang ay may malapit na pagawaan
Ang aking gulong binutas mo ng walang pagsang-ayon

Nalate tuloy ako kahapon..
Grrrrr.... Gawa ng iyong pagkabaon.

Pako!





















Ang larawang nasa itaas ay kuha mula sa pinaghugutan ng tula. Grabe nalate ako kahapon dahil sa pakong yan. At di lang basta pako ha? Ang haba naman ata nyan.

Di ko alam kung sinaya oh talagang nadaan ko yan. Ang mahalaga, hindi naman ako pinagalitan sa opisina dahil naintindihan naman nila. Hay,,,, ang PAKO talaga!!!

7 Nakiusyoso sa usapan:

mommy-razz said...

ang pako bow! hehe.. nakakatulong at nakakasira

Bino said...

isisi natin sa pako ang pagkalate.hehehe.

Leah said...

Ang pako nga naman.. andamin ring pakinabang. Andami ring nagagawa.. pero ang sakit naman kung matusok ka ng pako.. lalo na kung merong rust. Lols.. :D

LhanLhan said...

oo nga! bwisit na pako! ahaha

♥ hana banana ♥ said...

haha..ang pakong palaboy laboy sa kalsada...

simply kim said...

ok na rin yun, brod! kaysa naman sa talampakan mo tumusok..

by the way, do you mind checking out on The Life and Adventures of A Sack?

Eric said...

aww.. hassle yun bro ah!
uy, nga pala matagal din ako nawala sa blogshpere, but I'm coming back.. di na nga lang self-hosted dahil na expired, kaya blogspot muna..

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review