Tuesday, October 4, 2011

Laruan Ng Ating Kabataan

Napakasayang maalala ang ating kabataan
Mga ala-alang hindi maipagpapalit hanggang kamatayan
Tumbang preso, patintero, habulan at taguan
Iilan lamang sa mga paborito ko na di pagsasawaan.


Una kong natutunan ang mga laro sa may labasan
Pawisan, putik-putik at puro dumi ang katawan
Sa hapon, pagagalitan, tapos diretso na sa hugasan
Tapos sabay kakain, sabay-sabay kami sa hapag kainan.


Kinabukasan pareho lang ang kahahantungan
Kung pagod kana, ilabas mo naman ang iyong mga Laruan
Teks, Goma, Pog, Holen at mga tau-tauhan
Padamihan, labanan, ubusan na ng laruang kayamanan.


Walang humpay ang paglalaro hanggang sa ating eskwelahan
Iipunin ang baon makabili lang ng usong laruan
Laro na naman, asam asam na manalo sa laban
Pero pag natalo, naubos na...
kawawang maghihintay nalang sa huli na mabalatuhan.


Oh laruan, napakahenyo at tunay pinag-isipan.
Hindi lang pang bata usong-uso rin sa mga magulang.
Pinaka da best, wala itong pinipili na sinuman
Mapasaya, Mapangiti, Mag-enjoy, ito ang kahulugan ng mga LARUAN.


3 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

astig ng tula! gud luck parekoy! at ang ganda ng bagong layout ah hehehe

♥ hana banana ♥ said...

galing ng rhyming ah! ...
na pa- chinese-garter lang!
hehe

cuteberl said...

grabe na ito ang daming magagaling na gumawa ng tula... godbless sa atin

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review