Friday, November 25, 2011

Ang Mga Babae Bow

1. Moody unang una. Inborn na sa mga babaeng to. Kung badtrip sila, wag ...niyo nang sasabayan. Siguradong gugulo ang mundo nyo.

2. Pag sinabi naming nagtatampo sila, lambing lang and katapat for sure. Yung salitang tampo, way lang nila yun para sabihing lambingin natin sila. Konting I love you lang natin yan guys, okay na sila.

3. Gusto nila yung palagi silang kino-compliment: Pag may bago sa itsura nila, gusto nyang pinapansin natin sila. Kasi nakakataas ng self-confidence nila yun.

4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text nila, may mali: sigurado yan. Kapag ganun, malamang may nagawa tayong di nila nagustuhan. Kaya be alert guys. Kapag sinabe nilang wala, meron talaga. Nahihiya lang sila. Kaya pilitin natin silang sabihin. At pagtapos nilang masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.

5. Selosa sila. Kaya iwasan nating makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan nila. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang tayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.



6. Silang mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang sila. Kasi hindi naman na daw nila makikita ulit yun. Ma-attract man sila sa 1M lalaki, ang puso nila ay para lang sa tunay nilang mahal. Wow! Ganun din naman tayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang tayong magtago. Hahaha.

7. Silang mga babae, pinagmamalaki nila yung mga mahal nila ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR.

8. Ayaw nila sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba sila sasagutin. Naiirita sila guys. Kaya dapat maging matiyaga tayo kasi dun nila nalalaman kung sino talaga tayo.

9. Kapag malungkot o tahimik sila, gusto nila ng yakap galing sa atin: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak na natin sila. Gumagaan yung pakiramdam nila.

10. Gustong gusto nila yung mga lalaking malaki ang respeto: Yung tipong pag ayaw nila magpa-kiss, hindi niyo gagawin. Instead, lalambingin na lang sila sa ibang paraan. Ang pinaka gusto nilang kiss, kiss on the forehead. It symbolizes, respect.

11. Ang nagpapa-turn on sa kanila ay yung lalaking protective: Yung kapag kasama nila kayo, feeling nila safe na safe sila. Walang mangyayaring masama at hindi sila ilalagay sa panganib.

12. Ayaw nila sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal niyo talaga sila, patunayan natin sa personal. Wag yung sa text lang tayo magaling. Magpaka-lalaki tayo!

13. Sobra silang natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, feel mo eh special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling ng babae eh, isa silang prinsesa.

14. Ang pangarap nilang mga babae yung ipapakilala kami ng mga lalaki sa kanilang mga barkada at lalo na sakanilang pamilya: Feeling nila sila na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala sila sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nila angkin na angkin na nila ang isang lalaki dahil nakilala na nila ang mga taong bumubuo sa buhay nito.

15. Magaling silang mag-pretend: Kapag nasasaktan sila, nagpapaka-manhind sila. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan lang. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan lang. Pero kapag mag-isa nalang sila, dun na naglalabas ng sakit. Dun na umiiyak. Kaya ang pangarap nilang lalaki is yung sensitive enough sa mga nararamdaman nila. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin sila.


At iyan lamang ang ibang pananaw naming mga lalaki sa inyong mga babae. Nawa'y nakatulong para sa ating mga lalaki para mas makilala pa natin ang mga babae.

7 Nakiusyoso sa usapan:

rona said...

ang galing mo ah? Ang galing nito. Pero marami pa kaming sikreto. Hehe

LhanLhan said...

@rona. hehehe. uu madame pa nga. ^^

THOR said...

Siguro napadaming GF kana kaya alam mo halos lahat. Galing! Haha

mommy-razz said...

TAMA!!! sana mabasa yan ng mga lalaki s buhay ko, haha! what i mean my hubby and my mga kids na lalaki..

simply kim said...

hahaha! that was funny.. but i guess those are the VERY REASONS why guys are crazy over girls, lol!

a visit from Soulful!

rona said...

in fairness, lahat ng sinabi mo ay tumpak na deskripsiyon saming mga babae. ;) I applaud you for knowing all that! For sure, your wife enjoys your company.

Phillip Barroso said...

Galing...Now I Know.hehehe

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review