Wednesday, November 16, 2011

Luma

Halika alis tayo. 
Saan tayo patutungo? 
Kahit saan, kung saan mo gusto. 
Ayoko napapagod ako.

Halika laro tayo.
Anung lalaruin natin?
Kahit ano, tulad ng dati, yung paborito mo.
Teka teka, may gagawin pa pala ako.

Halika aalalayan kita.
Bakit may sakit ba ako?
Sasamahan lang kita, para di ka mapa-ano.
Wag na, di ko na kailangan ng tulong mo.

Ang sakit mo namang magsalita, anu bang problema mo.
Wala, sinasabi ko lang ang totoo.
Kinagiliwan mo rin naman ako noon diba?
Oo Noon yon, iba na sa ngayon.

Bakit ka ganyan, wala ka ng pagpapahalaga sa akin ngayon?
Wala na, may bago na kasi ako ngayon. 
Sana pagdating ng panahon, isang araw maalala mo pa rin.
Ewan ko, ikaw kasi, pinaglipasan ka na rin ng panahon.

Maayos pa naman ako, pero ng dumating ang mga bago.
Ako na gumabay sayo, ako na umalalay sau, ako na pinagsawaan mo. 
Oo na sige na umalis ka na sa paningin ko
May bago na ako, balewala ka na sa isip ko.

Sige paalam, itapon mo na lang ako. 
Sana sa pag-anod ko, may isang taong makatagpo.
Yung mas magpapahalaga, milya milya ang layo mula sayo.

Ganito ba talaga kayo? Sige sagutin mo ako.
Pag luma wala ng halaga sa inyo. Nakakalungkot, nakakatakot.
Sa pagdaan ng panahon kayo ay nakakalimot.

Paalam na.

Lumang Tsinelas mo.


Sa paglipas ng panahon ang tao ay nakakalimot, mga kinagisnan noong panahon ay unti unti ng nakakayamot. Naghahanap ng bago, naghahanap ng uso. Wag naman sanang ganito, pahalagahan pa rin ang mga unang naituro.









4 Nakiusyoso sa usapan:

♥ hana banana ♥ said...

so true...

nokokolungkot nomon ;(

Bino said...

isang malaking tama :)

palakanton said...

ang ganda nman ng message ng tula mo...

f e R r y j H o i said...

drama naman dito Lhanpots!!!
hihi

>> pero totoo yan!! minsan talaga madaling mag sawa ang tao sa mga bagay na luma na!!

>> pero alam mo ba na, ang tao kahit na mag suot ng magagandang sapatos, pag uwi nya sa bahay tsinelas parin ang hahanapin nya...

>> naiisip ko tuloy, may konek bayun? hehe

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review