Friday, November 11, 2011

Muntik Ko Ng Makalimutan, Maligayang Karawan Notbuk ni Lhan!






















Muntik ko ng makalimutan. Birthday na pala ng notbuk ni lhan. Isang taong pagkukuwento, isang taon pagsakit ng ulo dahil sa pag iisip ng magagandang post.

May mga times na tinamad na akong magpost, halos makalimutan ko ng may notbuk ni lhan nga pala ako. Pero sa kabila ng yun ay di pa rin kita makakalimutan.

Kwento ng tawanan, kwento ng galit, kwentong kakaiba at kwentong minsan ay wala lang. Ano pa bang di ko naisulat? Marami pa siguro, kaya hanggad ko ay tumagal ka pa, humba at magsipag pa ako. 

Anim na buwan na rin ata ng simulan kitang gawing dot com, na sa tulong na rin ng isang mabuting kaibigang bloggero kaya natupad ang pangarap mo. Ilang buwan na rin ng maaproved din ako sa paid ads at malaki ang naitutulong mo sa paglaki ng kita ko.

Sikat ka na ba? Oh sikat sikatan lang? Ewan ko, basta ako kahit walang bumasa sayo susulatan pa kita. Wag kang mag-alala, hinding hindi pa rin kita pababayaan. Nandito pa rin ako. Tinatamad man minsan, pero tandaan mo, ako ang gumawa sayo at ako lang ang may karapatang ihinto ang katulad mo.

Sa ngayon, magpatuloy tayo. Masaya kasi kahit minsan ako lang ang kausap mo. Kaya tara, sulat ako, basa tayo!


Maligayang kaarawan NOTBUK NI LHAN! (November 7, 2010)

8 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

maligayang kaarawan sa notbuk ni lhan :D

mots said...

hbd sa notbuk ni lhan!

rainbow box said...

happy birthday!!!! :D

bakit kaya ganon, habang tumatagal nagiging conscious tayo sa kung ano ang isusulat natin sa blog, kung may magbabasa ba, kung may magko-comment o kung magiging interesting ba para sa iba ang isusulat natin na nakakalimutan natin na kaya tayo nagba-blog e para naman sa sarili natin, hindi para sa iba.

yahm18 said...

happy birthday notbuknilhan! hinding hindi aku magsasawang basahin ka! hihi.. :D

♥ hana banana ♥ said...

belated happy birthday sa'yong bloggie blog ^_^ more powers ;)

Ronster said...

happy boitday notebook ni lhan!

empi said...

Happy birthday! :D

Mary Rosales said...

hi hello

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review