Tuesday, November 29, 2011

Next Time

Isang usapang ng Linggo ng umaga sa isang opisina. Naguusap ang dalawang magkasama sa trabaho.

Boy 1: Ang init noh? Magswiming kaya tayo?
Boy 2: Tara. Kelan?

Boy 1: Bukas. Off ko.
Boy 2: Ako din off ko bukas hanggang sa December 1.

Boy 1: Ang haba ha. Tara sige swiing tayo. Gusto ko na ding magswiming eh.
Boy 2: Ay di pala pwede bukas.

Boy 1: Bakit?
Boy 2: Sarado bukas yun. Cleaning time nila ang lunes. Martes tayo magswiming.

Boy 1: Ok cge. Sa martes tayo. Magpapaload ako itetext kita ha. Magreply ka.
Boy 2: Oo cge! Hehehe.


Lunes ng gabi. Nagpapahinga si Boy 2 ng biglang nagtext si Boy 1. At heto ang naging paguusap.




Boy 1: Oy, tuloy tayo bukas ha?
Boy 2: Wait lang itetext ko pa si Boy 3 kung matutuloy tayo.


Boy 1: Cge, wait ko text mo.
Boy 2: Ok.


Nagtext muna si Boy 1 kay Boy 3, gusto rin kasi ni Boy 3 na sumama sana. Pero nagreply si Boy 3 na di makakasama dahil sa lagnat.



Boy 1: Ano na?
Boy 2: Cge tuloy tayo tomorrow.

Boy 1: Cge cge.
Boy 2: Mga what time kaya tayo? Mga 9am para maaga?


Boy 1: Ikaw bahala, ok lang sa akin. Cge 9am.
Boy 2: Ok cge. 9 am bukas.


Boy 1: Ok cge, itetext ko pa yung iba baka may gusto pang sumama.
Boy 2: Cge text mo lang. Tulog na ko para maaga ko magising. Nyt.


Naging pinal na ang usapan at tuloy na tuloy na ang swiming. Nang mag-umaga, nagtext na naman ang sabik na sabik ng si Boy 1. Di ata nakatulog to eh.


Boy 1: Hoy gising na.
Boy 2: Oo gising na ko kanina pa.


Boy 1: Ok kakain lang ako tapos ready na ko. Text mo ko kung paalis ka na para alis na rin ako dito.
Boy 2: Cge, kakain lang din ako tapos text kita.


Boy 1: Ok.
Boy 2: Dala ka ng sabon at shampoo ha.


Boy 1: Oo kanina pa nakahanda. Hehehe.
Boy 2: Ok.

Pansumandaling kumain at naghanda na si Boy 2. Naligo at nagempake ng mga dadalhin. Lumabas saglit para tignan ang panhon. Maganda ang panahon at tamang tama ang init para sa paglangoy, di masyadong mainit para di mangitim ng husto at mauulap ang langit.

Boy 2: Alis na ko.
Boy 1: Ok cge paalis na rin ako.






Sa puntong yun hindi pa naman talaga paalis si Boy 2, nagaayos pa rin sya ng kanyang sarili. Tinext lang nya na paalis na sya para mauna na si Boy 1 dahil medyo malyo sya sa pupuntahan. Malapit lang si Boy 2. Isang sakay lang at konting lakad naroon na sya. Ang utak.


Boy 2: Malapit na ko asan ka na.
Boy 1: Wait lang medyo natrapik ako. Pasakay na ko ulit ng jeep.


Boy 2: Ok cge bilisan mo.
Boy 1: Ok.


Sa puntong yun ay malapit na talaga si Boy 2. Papalapit ng papalapit ay unti unti nyang nakikita ang trapik ng mga sasakyan.


Hanggang sa makarating at makitang napakadaming tao sa MASA (Makati Aqua Sports Arena).



Boy 2:  Manong anong meron?
Sekyu: May competition ngayon hanggang sa 1.



Boy 2: (Nagisip isp at naisip na maghintay na lang. Hanggang 1 lang daw naman kasi)






Naglakad lakad muna si Boy 2, nanood ng program sa pag-uumpisa ng kompetisyon. May torch relay pa sa pagsisimula, lupang hinirang at panunumpa ng mga atleta. Naglakad lakad pa muli si Boy 2 hanggang sa makita ang window ng bayaran.



"MASA will be close from November 29, 30 and December 1."


Boy 2: Wahhhhhh! Pasaway tong si Manong! Hanggang December 1 pala! Hindi hanggang 1pm! Grrrr. Naghintay pa ako dito!


Boy 2: Sarado ang MASA. May kompetisyon hanggang December 1. Ang malas mo.
Boy 1: Ano? Malas!


Boy 2: May balat ka!!!
Boy 1: Hahahaha.


***End***


Hay, kung itatanong nyo kung sino yung dalawang naguusap ay tama ka. Ako si BOY 2 at yung kasamahan kong isa si Boy 1! Wahahahaha. Sabik na sabik pa naman ako magswiming kanina! Hay naku!


At eto namang si manong sekyu ay di maayos ang pagpapaliwanag. Akalain mong maghintay pa ko dun tapos yung pala hanggang December 1 pala yung matatapos at hindi 1pm.

Hahaha medyo naging tanga din naman ako dun. Buti nalang at nabasa ko ang announcement. Hay buti na lang talaga.


Ayun umuwing luhaan at init na init sa sobrang init ng araw. Nakapagrelax sana pero pawis ang nakuha. Next time sisiguraduhin ko muna free at walang kompetisyon. May telepono naman para tumawag at mag confirm. Hahaha. Next time.
 




3 Nakiusyoso sa usapan:

♥ hana banana ♥ said...

base!!!


hahaha imbyerna!!!!!

Bino said...

better luck next time ka parekoy hehehe

mommy-razz said...

haha! tawa much kay boy1 at kay boy2

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review