Monday, December 19, 2011

Pagsisisi (Huling Yugto)

Ang kasunod at huling yugto ng Pagsisisi...

Mabilis na tumulo ang luha ni Anne. Natulaa ng saglit at napa-upo sa kinalaagyan.


Pero hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Anne. Dumiretso sa kanyang kuwarto upang  mabilis ns magbihis at walang ibang nasa isip kung hindi ang tinatanging kaibigan.


Pumara ng taxi. "Manong sa Ospital ho tayo." 


Ni hindi pa lubusang nakahinto ang taxi ay iniabot agad ang bayad  sa driver sabay bukas ng pinto at bumaba.


Takbong lakad, Humahangos ng dumating sa ospital si Anne.


"Saan ho dito yung dinalang walang malay na nakita sa may unibersidad?" Tanong ni Anne sa Nurse sa Information area.


"Room 101 po."


Tumakbo agad si Anne patungo sa nasabing kwarto.


"Jayson!!! Hindi!!............  Jayson!!"


"Bakit!? Sinong may gawa sa iyo nito. Sino!?"


"Jayson! Gumising ka!"


"Miss, wala na ho siya." mahinang pagkakasabi ng isang doctor. 


"Sibubukan namin syang sagipin. Ramdam pa namin ang willingness nyang magsurvive, but his body can't stand the tortures anymore. Sorry." 


Pansumandaling tumahimik pero tuloy tuloy pa rin ang luha sa mga mata ni Anne. Lumapit ang isang pulis at iniabot ang cellphone ni Jayson sa dalaga.


"Miss, mukhang ito ang makaksagot sa katanungan ninyo. Pakibalik na lang sa akin pagkatapos dahil gagamitin pa naming ebidensya yan sa mga suspect." ang sabi ng pulis na nagabot ng cellphone.


Mas lalong tumulo ang luha ni Anne ng mabasa ang tunay na dahilan ng lahat sa sent items ng binata para sa kanya.


"Anne, nasaan ka? Sagutin mo ang mga text at tawag ko. Para mo nang awa. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat."


"Anne..."


"Anne, sumagot ka please."


"Anne, patawad. Umiwas ako para rin sa ating dalawa, lalo na para sa iyo. Pinilit nila akong gawing myembro nang fraternity. Alam mong ayoko ng ganito at hindi ako mahilig sa ganito. Pero, tinakot nila ako. Tinakot nila akong ikaw ang pagbabalingan nila kapag hindi ako sumali. Tinakot nila ako na kung aayaw ako ay sasaktan nila tayong dalawa. Lumayo ako at tiniis ang pahirap nila. Tiniis ko ng ilang araw, para sayo. Dahil Mahal kita Anne. Oo tama ka ng nabasa, Mahal kita Anne..."


"Noong huli tayong magkita, binigyan nila ako ng pagsubok. Na huwag na huwag na kitang kakausapin at lalapitan pa. At huwag na huwag akong magsasabi sa iba lalong lalo na sa iyo. Patawad sa masasakit na salita na nasabi ko. Hindi ko yun gusto, at hindi ko yun sinasadya."


"Anne, Pupunta ko sa inyo ngayon para kausapin ka. Mahirap na sa text dahil patay naman ang cellphone mo. Antayin mo ako dyan. Please mag-usap tayo."


"Anne malapit na ko sa inyo."


"Anne wala ka daw sa inyo sabi ng mama mo? Asan ka?"


"Anne, nandito pa rin ako sa labas. Please kausapin mo ko. Narito sila sumusunod sa akin. Nahuli ata nila ko at nabuko na. Anne, Pagbuksan mo ko ng gate. Papasukin mo ko....."


"Anne..."


At yun ang huling text ni Jayson kay Anne. Ang huling pagmamakaawa ni Jayson kay Anne para makaligtas sana. 


Sising sisi si Anne sa nangyari. Kung binuksan lang sana niya ang  kanyang cellphone at hinayaang magpaliwanag si Jayson. Kung inintindi muna sana niya ang paliwanag ni Jayson bago niya ito hinusgahan. 


Wala na si Jayson, hindi na ito mababalik ni Anne. Nasa huli talaga ang pagsisi.



Ang buhay iisa lang. Ang buhay na inilaan pa rin ng sa isang nagmamahal para sa minamahal. Sayang. Sayang...




Wakas.




Hindi mo ba ito nasundan? Narito at basahin ang Una at Ikalawang Yugot ng Pagsisisi.

Unang Yugto.
Ikalawang Yugto.




Maraming salamat sa mga tumangkilik.


2 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

bakit nga kaya nasa huli lagi ang pagsisisi hayyy

♥ hana banana ♥ said...

hang lungkot naman ng ending ;(

nakakaawa yung mga guys like Jayson...tsk


nice composition dude! hehehe

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review