Tuesday, December 13, 2011

Pagsisisi (Unang Yugto)

Si Jayson, isang matalinong estudyante at may pagkamatahimik at hindi mahilig sa barkada. Si Anne, isang napakagandang dalaga na campus crush ng eskwelahan. Nagsimula ang kwento ng kanilang pag-iibigan. Ang pag-iibigan na handang ialay ang sariling buhay para sa minamahal.


"Jayson!" isang malakas na sigaw mula kay Anne sa gitna ng kanilang unibersidad.

"Huy Jayson!. Bingi ka ba? Jayson!"

Nilingon naman ito ni Jayson at sinabing. "Ako ba ang tinatawag mo?"

"May iba pa bang Jayson dito? Malamang ikaw lang diba?"

Parang tangang lumingon lingon pa si Jayson sa ikod at sa kanyang gilid tsaka sinabi sa sariling, "Ako nga lang."

"Bakit mo a-ako tinawag. Kilala ba kita?"

"Halika nga rito. Ako nga pala si Anne. Ikaw si Jayson hindi ba?"

"O-oo, bakit mo ako kilala. Pasensya na hindi kasi kita kilala."

"Importante pa ba yun? School mate tayo. Palagi kita nakikita kasing mag-isa. Naawa ako sayo. May kaibigan ka ba dito?"

"Meron, pero kaunti lang sila." 

"Ah, oh cge simula ngayon kaibigan mo na rin ako ha? Wag ka mahihiya sa akin. Mabait ako at hindi kita sasaktan oh papahiyain."

"Talaga? Sa ganda mong yan, kinkaibigan mo ko?"

"Oo naman, may problema ba dun? May angal ka?

"Wala." Sabay ang pamumula dahil sa kahihiyan at kabiglaan na rin.

Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Sabay silang pumapasok dahil di naman kalayuan ang kanilang mga tinitirahan. Si Jayson ay nangungupahan lang sa isang boarding house malapit sa kanilang unibersidad habang si Anne naman ay isang sakay lang mula sa kanilang tahanan.

Magkaiba sila ng kursong kinukuha. Si Jayson ay Accountancy habang si Anne naman ay Hotel and Restaurant Managment (HRM).

Sabay kumain. Sabay umuwing naglalakad habang inaantay na makasakay muna si Anne sa jip bago tuluyang umuwing magisa sa boarding house.

"I'm home na Jayson." Text ni Anne.

Agad naman itong nireplayan ni Jayson na, "I'm here too. Kumain ka na at gawin mo na ang assignment mo. Maaga tayo tomorrow para magreview."

"Tay ikaw ba yan? Hahaha" pabirong text ni Anne.

Hindi na sumagot si Jayson dahil ayaw nito ng mga ganitong bagay. Masyadong seryoso sa buhay.

"O, cge na tulog na ko. Alam ko naman napikon ka na naman. hahaha. Gudnyt tay!" huling text ni Anne bago matulog.

"Gudnyt" reply ni Jayson.


Kinabukasan ay maaga nga silang dalawang pumasok. Nauuna si Jayson sa napagusapang lugar ng tagpuan. Nagbasa basa muna habang naghihintay kay Anne.

Biglang may tatlong lalaking lumapit kay Jayson.

"Ikaw ba si Jayson?"

"Oo ako nga. Bakit ho?"

"Kilala mo ba ako?"

"Carlo, Carlo ang pangalan mo di ba?

"Mabuti at kilala mo ako. Alam mo naman kung ano ang kaya kong gawin hindi ba?"

"Bakit anong gusto mo sa akin? Anong gagawin mo." Nanginginig na salita ni Jayson.

Sa puntong iyon ay may ibinulong si Carlo kay Jayson na nagpatulala dito. Pawisan at tila hindi alam ang gagawin sa narinig. Umalis si Carlo at mga barkada nito at iniwan si Jayson.

"Jayson, Jayson! Hoy, kanina ka pa dito? Bakit parang tulala ka? Sambit ni Anne na kadarating lang sa lugar.

"Huy Jayson!" sabay tapik sa pisngi at doon lamang nagkamalay muli sa Jayson sa sarili na tila ba hinugot ang kanyang kaluluwa mula sa kanya.

"Anong nagyayari sayo?" Parang natulala ka at takot na takot?" Bakit? May problema ba Jayson?"

"Ah, eh, wala-wala. Sige ha may nakalimutan pala ako sa dorm. Mauna ka na at susunod na lang ako."

Takang taka sa inasal ni Jayson si Anne. Hindi naman ito malilimutin at lagi itong handa sa mga gamit. Ngayon lang nangyaring may nakalimutan itong bagay.

"O cge, sumunod ka ha? Antayin kita." Sabay alis ni Jayson na hindi man lang sumagot at lumingon sa kaniya.

Buong maghapong nag-antay si Anne. "Jayson asan ka na? Matagal ka pa ba? Kanina pa ko nag aantay dito. Pupunta ka pa ba?"


Hindi na sumagot sa text si Jayson.


Kinabukasan sa unibersidad.


Maagang pumasok si Anne para makita si Jayson at tanungin ang nangyari. Wala si Jayson.

Wala sa library.

Wala sa klase.

Wala sa auditorium. Wala kahit saan. Tinext ni Anne ngunit wala pa rin itong reply sa kanya.

Isang linggong ganito ang eksena nilang dalawa. Si Anne ay patuloy ang komunikasyon ngunit hindi naman sumasagot oh nagpapakita si Jayson.

Hindi alam ang dahilan at hindi alam kung ano pang klase ng paraan para makausap niya ito at makita at manghingi ng paliwag sa mga nangyayari.

Halos magmakaawa na si Anne sa text.

"Jayson, kung narereceive mo ang text ko magreply ka man lang kahit isa. Just to know if you're ok. Kahit yun man lang sana. Pls."

Bigo. Wala pa ring nakuhang sagot si Anne. Nagpasya sya na pumunta sa dorm nito. Nakausap nya si Jake na boardmate nito.

"Wala rito si Jayson. Palagi na nga lang syang wala dito eh. Dati rati mga alas otso pa lang nandito na sya sa dorm. Ngayon madaling araw na syang umuuwi."

"Bakit? May problema ba sa kanya? May alam ka ba?"

"Hindi ko rin alam. Pasensya na. Ang napapansin ko lang, natututo na syang magbarkada at palaging may sumusundo sa kanya dito araw araw."

"Kilala mo ba sila?"

"Hindi eh, pasensya na."

"Cge salamat nalang."


Hindi pa rin ito maintidihan ni Anne. Gulong gulo ang kanyang isip sa mga nangyayari. Hanggang isang umaga...


"Jayson!" Kamusta ka na? Ano bang problema mo at hindi ka nagpapakita oh nagpapramdam sa akin ntong nakaraang mga linggo? Anong problema?"



Itutuloy...

7 Nakiusyoso sa usapan:

Si Inong ay ako said...

AYOS! binasa ang unang bahagi. Ano kaya ang nangyari kay Jayson!

Bino said...

sumiseries!!!! :D

Kol Me Empi said...

Naging barkada niya si Carlo? Hmm.. mukhang true to life ito. hehe

mommy-razz said...

aba! nadala ako ah, part 2 na agad.. bakit kaya gnun si Jayson? di kaya bf ni Anne si Carlo? abangan ang susunod na kabanata...

♥superjaid♥ said...

next na kagad bitin eh hahaha

LhanLhan said...

wait lang po sa next episode ^^

♥ hana banana ♥ said...

oh my gee, sana naman hindi like ni carlo si anne! nakow! ...errrrr....baka gay si jayson?! haha...mag part 2 ka na! go! hehehe merry xmas!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review