Wednesday, December 7, 2011

Pasada

Gigising sa umaga ng madilim pa ang kalasada
Pandesal at Kape, yan ang aking pang-umaga
Ipon kong barya aking ng ihahanda
Handa na sa pasada, barya barya lang po sa umaga.

Unang biyahe tara na
Estudyante ang sakay, napuno kami nitong umaga
Bayad ho, makiki-abot nga
Estudyante ho, isa lang at bababa na.

Tuloy tuloy ang biyahe at sila'y nagsibaba
Bagong sakay na pasahero puro ata matataba
Pasok lang ho dalawa pa sa kaliwa
Upong otso lang ho upang tayo'y makalarga.

Diretso ang biyahe trapik ang problema
Bumper to Bumper, Hala may banggaan ba?
Pagdating sa kanto isa lang ang nakita
Ilaw trapiko, ito pala ang may sala.

Yung mga walang bayad mag-abot na
Kilala ko kayong makakapal ang mukha
Kunwari mag-aabot, sa bayad ng iba
Lumang style na yan, di na yan uubra.

Sandali lang ho at tayo'y magpapagasolina
Baka biglang tumirik kayo rin ang mamomoblema
Isang daan nga pakibilsan mo lang bata
At nakasimangot na ang aking mga pasaherong,
Ma-lalate na ngayon umaga.

Hanggang dito na lang ho tayo pwede nang bumaba
Isa isa lang ho at baka maipit ninyo ang matatanda
Watch you steps ika nga
Salamat ho sa pagsakay hanggang sa muli nating pagkikita.

Iyan ang buhay namin sa kalsada, mahirap na masaya
Marungis man sa buong araw, ikinararangal naman diba?
Yan ang buhay pasada, buhay ng mga dukha
Hanap buhay para lang sa pagtataguyod ng aming mga pamilya.



©NotbukniLhan 



Ito ang aking entry sa The Gasoline Dude's Blogversary Writing Contest. I want to win 1T Portable hard Drive.


10 Nakiusyoso sa usapan:

mommy-razz said...

Magnadang tula! dahil sa pasada na yan, nkakarating ako dto ofis ng matiwasay.. hehe

LhanLhan said...

@mommy razz - ingats po palagi! thanks po sa comment!

Vin said...

magandang obra kaibigan.

♥ hana banana ♥ said...

ang galing u naman gumawa ng tula!!!

saludo ako sa lahat ng mga traysikel team sa brgy namin!!!! sana ay maging more patient pa cla, healthier and stronger! ^__^

Si Inong ay ako said...

ikaw na ang makata at pati sa kalsada nakagawa ng obra.. Galing!

Goyo said...

Natawa ako dito: "Tuloy tuloy ang biyahe at sila'y nagsibaba, Bagong sakay na pasahero puro ata matataba". LOL

Nga pala, badtrip yung facebook app. Napilitin akong i-allow, mailgay ko lang tong comment ko. HAHA!

palakanton said...

ganda ng tula ah!
gudluck!

Zhurutang said...

. . . bakit ba gawain ng mga bwiset na jeepney driver na magpakarga sa gitna ng biyahe? pwede naman nila gawin bago pumasada or pagkatapos ng isang ikot. tae them!

LhanLhan said...

hehehe. kasi pinipilit kahit paubos na ang gasolina. ahahaha

The Gasoline Dude™ said...

After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review