Friday, December 23, 2011

Pulitiko Pangako

Trahedya, kailagan pa bang mangyari bago magtino?
Porke't may kapit ka't malakas at sandal sa iyong padrino
Di mo na inisip mga kababayang mong napupuno
Nang paghihirap at pasakit, dahil sa iyong mga pangako

Buwan ng eleksyon ang lakas ng loob mo
Gagawin ko yan, Gagawin ko ang mga ito
Mga katagang masarap na pumapasok sa tenga ko
Puro kayo pangako, Putsa! Ano pa bang gusto nyo!

Iligan City, Dumaguete at Cagayan De Oro
Iilan lamang sa mga bayang pinangakuhan mo
Kabuhayan, tirahan at pati tubig sa pag-aararo
Sige! kulang na lang humalik ka na sa mga paa ko

Pagkatapos ng eleksyon oras na para kumambyo
Oras na ng paniningil, kami na ngayon ang talo
Pulitikong tupa ngayo'y sintigas na ng troso
Lahat aangkinin, pati kalikasan minamaltraso

Iligal na troso, mataas na tao ang pasimuno
Walang kayong magawa ibinoto nyo kasi si amo
Sumunod na lang kayo, kikita pa kayo!
Hala sige putol, i-akyat na sa truck ang mga troso
Bagyong Sendong pumasok anong nagawa mo?
Lahat ng ginawa mo bumalik at naningil din sa iyo
Dinamay mo pa ang mga kababayan mo
Kaswapangan yan ang sanhi kung bakit kami nagkaganito

Baha sa madaling araw gumulantang sa mga tao
Karamiha'y tulog kung kaya't nasawi ay libo
Pagkalipas ng baha nagkalat ang mga troso
Namputsa saan galing ang mga ito!


Matataas na tao pukpukan sa kongreso
Sino ang may dahilan at ng mga kapabayaan ito?
Maraming daliri ang nagturo
Si ganito si ganun, sya ang puno ng mga ito

Wala ng magagawa, huli na ang mga ito
Aanhin pa ang pag-iimbestiga hulling huli naman kayo
Walang ibang dapat sisihin kundi kayong mga ambisyoso
Kasikatan, Karangyaan, Kapangayarihan, yan lang ang alam nyo

Dapat ng magtanda, mga kababayan sa mga ganitong tao
Puro lang sila salita at puro lang pangako
Maging mapanuri at makabuluhan na sana tayo
Para sa atin din ito at sa susunod pang generasyon ng mga tao




12-23-2011

3 Nakiusyoso sa usapan:

♥ hana banana ♥ said...

haaaaaaaaaaaay...kakalungkot talaga ang nangyari....

...eneweys mag thank u na lang tayo ni Lord God, kc, marami pa rin ang nag xtend ng help sa mga Sendong victims...

sana magiging ok na sila....

let's all pray for them...may awa rin ang Diyos...

at sana i-bless ni God ang government...na makagawa ng aksyon para hindi na maulit ang mga nangyare...


galing ng yung tula...pramis! sapul much!

jhengpot said...

tama nakakalungkot.. magchristmas pa naman.

tara05angelee said...

HAAAY.. let's just pray for them..
Atleast my dad is ok there, kahit na nahihirapan sila dun kasi until now wala pa din daw sila water at ilaw,, impt kumpleto pa din sila dun.. Super thankful acu kasi kumpleto pa din family cu..

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review