Monday, January 31, 2011

Sugal Pinoy


















Sugal, sinong pinoy ang di marunong magsugal? Naku, kultura na to ng mga pilipino simula pa lang ata dumating ang mga kastila. At tila hinding hindi na ito mawawala sa atin. Bata pa lang ako ay mulat na ko sa mga sugal na ito. Di nyo na itatanong na parang casino lang naman ang bahay namin dati sa malabon. Sa loob ng bahay may sugalan, sa labas g bahay may topadahan (sabong) at may nagkakara cruz. Sinong hindi matututo sa sugal na yan? Pero syempre nasa tao na ang desissyon kung magpapadala siya sa kademonyohan ng sugal. Ako, halos lahat ng sugal alam ko pero hindi ako adik sa sagal. Yung paggising pa lang sa umaga eh sugal na agad ang hinahanap bago pa magkape. Hay, ganyan talaga ang mga pinoy, sabi nga ng marami "pang pa ubos oras lang, libangan lang". Libangan na minsan nagiging sanhi ng pagkawasak ng buhay at ng pamilya. Ilan sa mga sugal na iyan ang ang mga sumusunod.

Saturday, January 29, 2011

Romana - (Ikalawang Yugto)

























“Walang pagkain?!!” Tetay!! Galit na galit na sambit ni Brando isang umaga. Tay, sandali lang ho at maghahain ako ang sabi ni Romana. Tang inang buhay yan! Gusto ko paghandaan nyo ako at gusto ko palaging may pagkain dito! Sabay sampal kay Romana. Plak! Tay, pasensya na ho kayo, si nanay maagang umalis upang maglaba sa kapit bahay. Si Tikboy naman ho ay may lagnat kagabi kung kaya’t napuyat ako sa pagbabantay.

Friday, January 28, 2011

Handog Panalangin


























Ito ang naganap kani-kanina lamang sa lungsod ng Makati. Syempre present ang inyong linkod kahit na tamang antok pa dahil sa duty kagabi. Nag-alay ng panalangin at mga bulaklak ang lungsod ng Makati sa pamumuno na rin ng butihing Mayor na si Jun Jun Binay. Dunaluhan ito ng mga empleyado, kamag anak ng mga namatayan at iba pang nakikisimpatya sa nangyaring karahasan. Idinagdag din sa panalangin ang nangyaring insidente noong nakaraang araw sa Eton Building na naging sanhi ng pagkamatay ng sampung (10) katao. Sana sa pamamagitan nito ay matahimik ang mga kaluluwang humahanap ng katarungan. Sana huwag ng maulit ang mga ganitong eksena at sana matuto na ang mga taong maging bidyilante at huwag palaging maging kampante. Sana maging simula ito ng paglabas ng katotohanan at katahimikan ng lahat.   




Thursday, January 27, 2011

Romana - (Unang Yugto)

























Ito ay kwento ng buhay ni Romana. Si Romana ay anak ng isang notoryus wanted na si Brando. Si Tetay na kanyang ina ay isa lamang hamak na labandera. Dalawa silang magkapatid at si Tikboy ang kanilang bunso. Halina at tunghayang natin ang kanyang istorya.


Pagkaing Pinoy Talaga






















Ang mga pilipino ay sadyang mahihilig kumain. Kahit ano kinakain , kahit ano titikman. Ganyan tayong mga pinoy pagdating sa pagkain. Ika nga ng mga pilosopong pinoy, "Laman Tiyan" din yan!". Hindi naman tayo masyadong pihikan sa pagkain, di nga natin minsan alintana ang alikabok at dumi. Sasabihin lang "Wala pang 5 minutes!" Hahaha. Ganyan ba tayo katipid? Pero hinding hindi ko ipagpapalit ang pagkaing pinoy kesa sa ibang mga banyaga. Chinese food, Thai food, Korean food at iba pa, syempre wala pa ring tatalo sa Filipino food. Nagutom tuloy ako sa mga pinagsasabi ko. Hay kakain nga muna ko. At habang ako ay kumakain mabuting basahin nyo muna ang mga top Pinoy Foods natin. Tara kain tayo!


Tuesday, January 25, 2011

Estudyante Blues























Estudyante, nakakamiss ding mag aral ulit yung tipong manghihingi ulit ako ng baon sa nanay ko. Manghihingi ng pangbili ng project, pangbili ng manila paper, Pentel Pen, illustration board at ng pagkain na ibinebenta ni mam sa loob ng silid. Namimiss ko yung mga tipong paglabas ng eskwelahan ay bibili ng text, jolen, laruan, trumpo at kung ano ano pa na tinda sa labas pa lamang ng gate ng eskwelahan. Grabe, ang bilis ng araw noh? Ngayon eto, nandito ko nagboblog na at nagtatrabaho. Pero ganon talaga ang buhay, lahat ng tao dumadaan sa pagkabata at kasama doon ang pagaaral. Eto inilista ko ang ilan sa mga natatandaan ko na mga uri ng mga estudyante na nakasalamuha ko. Yung iba dyan ako rin pero di naman lahat. Hehehe.

Monday, January 24, 2011

TABA 2010 Winners!





































Unang una maraming salamat sa nagnominate sa akin. Di ko na matandaan kung sino sino eh basta alam nyo kung sino kayo at magarbong palakpakan para sa inyo. Pangalawa maraming salamat sa mga bumoto sa aking mga kaibigang bloggers ko, mga FB friends, mga officemates ko na yung iba now lang nila nalaman (blogger ako) nung sinabi kong iboto nila ko at sa di ko alam na binoto din nila ako.  Sa gumawa ng TABA Awards na ito na walang iba kundi si Zyra. At syempre sa nagiisa kong Mahmine. Maraming maraming salamat po!


















 Most Active Daw! - Notbuk ni Lhan

Sunday, January 23, 2011

Pentel Pen

























Ito ay kwento ng isang batang mahilig sa pentel pen. Narinig nyo na ba ito? Kung hindi pa, narito ang ang kanyang maikling kwento.


Noong unang panahon mayroong isang pamilya na namumuhay sa karangyaan. Pamilyang nakukuha halos lahat ng kanilang magustuhan. Isang ama na minana ang lahat mula sa kanyang pamilya. Inang nasa karangyaan rin simula pa noong bata. At ang kanilang anak na ubod nang swerte dahil sa kanyang ama at ina.

Wednesday, January 19, 2011

Si Eng At Ang Kanyang Istorya

























Gusto ko lang ishare ang istorya ng isa sa aming mga kaibigan. Naaawa kasi kami sa kanya dahil sa pagiging martir niya sa kanyang asawa na hindi naman kayang tumbasan ang pagmamahal na kanyang ipinapakita. Palagi namin siyang napaguusapan at palagi namin siyang pinagsasabihan kung ano ang mas makabubuti para sa kanya. Pero mas matimbang pa rin sa kanya ang pagmamahal kahit na siya lamang ang nagmamahal.

Tuesday, January 18, 2011

7 Katangian Ko Na DI Nyo Pa Alam

Una maraming maraming salamat kay Chamz sa pagbibigay sa akin ng award na ito. Ito siguro ang unang award na natanggap ko ngayong taon ng 2011.





















Narito ang mga rules ng Award na ito.

1. Bigyan ng pasasalamat ang nagbigay sa iyo ng award na ito sa pamamgitan ng paglilink sa kanya.
2. Ipaalaam sa madlang blogger ang 7 katangian mo na hindi pa alam ng ibang tao.
3. Matapos matanggap ang award ay i-award din ito sa 15 na bago mong nadiskubreng blogger.
4. At syempre ipaalam mo sa blogger na na mayroon silang award mula sa iyo.

At dahil dyan, narito ang 7 katangian ko:

1. Mahiyain ako, promise mahiyain talaga ko sa unang pagkikita oh sa mga di ko kakilala. Ewan ko pero parang pinakikiramdaman ko rin muna kasi yung ibang tao kung gusto nila ko.
2.  Mahilig akong magdrawing nung bata pa ko, kaya lang nahinto na. Pangarap ko nung bata magarchitech.
3. Sa kabilang banda nagugustuhan ko na ang pagpipicture, plano ko this 2011 na magkaroon ng isang SLR na camera. And take shots kung kelan at saan ko gustuhin.
4. Adik ako hanggang ngayon sa DOTA. Ewan ko paano ko to ititigil.
5. Mahilig ako sa puting sapatos. Mapapanglakad man oh pang basketbol. Syempre pangpasok di pwede puti kaya itim pa rin sinusuot ko. Hehehe.
6. Mahilg ako sa adventure. Gusto kong maglakwatsa kung saan saan. Malibot ang magagandang lugar dito sa pilipinas. Bat pa ko lalayo ng ibang bansa eh dito pa lang sa pilipinas mabubusog na ang aking mga mata sa ganda ng nature. Gusto ko malibot silang lahat.
7. Paborito ko ang anime na naruto. Grabe, all time favorite ko to kahit tumanda na ko. Baka ako pa magkwento nito sa mga magiging anak ko. Hehehe.

At yan silang 7, narito naman ang 15 blogger na gustong kong paghandugan nito.

1. Mhay
3. Rose
5. Jigz
6. Riza
9. Uno
10. Roy
11. AXL
12. Mokong


Dami, dose lang ang naisip ko muna. hehehe. Add ko nalang yung iba. Yung iba di ko na binigyan kasi may nauna nang magbigay sa kanila. 





Friday, January 14, 2011

Tugtugan Na!

















Usapang tugtugan ulit tayo mga kablog. Isa lang naman sa pangarap ko ang pagtugtog o ang pagkakaroon ng banda. Kung di nyo man alam maari nyo naman basahin muna dito. Nakakalungkot isipin ang balitang lumabas kamakailan na ang grupong "Bambo" ay wala na. Walong taon ding nagsamasama ang grupo at walong taon din nila tayong pinaindak sa kanilang mga tugtugin ang kanta. Kabilang sa kanilang mga pinasikat ay ang "Noypi" at "Tatsulok" na hindi matatawaran at hindi lamang basta kanta. Ito himig na nagpapatunay ng ating pagkapilipino at mensahe sa ating bansa. Nakaklungkot isipin na mawawalan ng isang ehemplo sa industriya ng musika. Ngunit anuman ang kanilang naging desisyon ay alam nating para ito sa ikabubuti ng lahat ng kanilang miyembro. Isa pa rin sa mga idolo ko ang bandang bamboo at narito sa ibaba ang mga  idolo ko sa larangan nang pagtugtog at pagbabanda.

Thursday, January 13, 2011

Isip Isip...























Isip, isip, isip. Dami kong naiisip, di to problema oh suliranin sa buhay ko ha. Kaligayahan to na isang beses lang mangyayari sa buhay ko. Kung anu man yung, secret muna. Heheh. Sa nakakaalam, alam nyo na nga kaya wag muna maingay. Hirap palang mag isip ng madameng bagay, paano pagagandahin ang mga ito, pano yung mas bagay, mas ok mas masisiyahan ang lahat. Hala, baka naman pag dumating yung araw na yun mukha na kong matanda sa kakaisip ko. Excited na medyo kinakabahan at nakakstress, yan ang masasabi ko sa nararamdaman ko ngayon. Ganito pala yun, ganito pala yun. Oops nahuhulaan mo na ba? Di yun work ha, di yun problema sa pamilya at lalong hindi problema sa pag-ibig. Oh sya sya na. Salamat na lang muna sa pagbabasa ng maiksi ko ring post na ito. Pagpasensyahan nyo muna ko kasi madame talaga kong iniisip sa ngayon. Magandang gabi guys! ^^


Wednesday, January 12, 2011

TABA FINALISTS... BOTO NA!

















Pagkatapos ng mahabang araw ng pagnonomina sa TABA BLOG AWARDS ay natapos din ni Zyra ang mga finalist. At ewan ko ba at napalad namang ang inyong linkod na maging finaist sa dalawang (2) kategorya. Ang una ay sa "Most Active Blogger" na kalaban ko lang naman ay si "Bino ng Damuhan" na alam kong matatalo din ako. Hahaha. Grrrrr! Parekoy congrats! At ang ikalawa naman ay ang "Friendliest Blogger of the Year" na tingin ko ay sa dame kong kalaban ay siguradong talo. Hehehe pero may bumoto naman kahit papa-ano. Nakasali rin sa mga finalist ang post ng aking Mahmine sa finalist sa kategoryang  "Best Post of the Year" ng kanyang Princess Journey. Sa mga bomoto para sa akin kahit saan mang kategorya ay Maraming Maraming Salamat. Sa pagkanomina ko a lamang ay masaya na ako at lalo na ang pagpasok ko sa mga finalist na ito. Maraming maraming salamat sa inyo!  Narito ang mga IBINOTO sa lahat ng mga kategorya.

Tuesday, January 11, 2011

Lusot, Lagay, Lakad




















Ang mga pilipino ay sadyang mga matatalino sa lahat ng mga gawain upang mapadali ang kanilang pamumuhay kahit na alam nilang ang iba dito ay hindi tama o ilegal. Oh sa kasamaang palad ay di kanais nais sa paningin ng diyos. Karamihan sa mga tao hanggat makakalamang sa kapwa ay tunay na aabusuhin. Meron na sila at sobra sobra pa pero aasamin pa rin ang pag-aari ng iba. Sa panahon ngayon tatlong katangian ang mga nakikita ko na pumapaloob sa kanila, yun ay ang Lusot, Lagay at Lakad.

Sunday, January 9, 2011

Sampung Utos Ng Mangongopya




















Laht naman siguro tayo dumaan sa pangongopya lalo na nung kabataan pa natin. Yung iba nga hanggang sa ngayon ay nabubuhay pa rin sa pangongopya. Syempre ako rin nangopya sati nung angaaral pa ko, yung tipong hirap na hirap talaga ako oh di kaya ay yung hindi talaga ko nakapag review at kailangan ko tong ipasa. Mabibilang lang namn yun at di naman buong buhay ko ay nangongopya lang ako.Naalala ko nga nung huli akong nangopya, nung college ata yun sa algebra! Hahaha. Nakakhiya pero isa yun sa mga di ko malilimutan dahil nahuli ako ng prof ko. Di naman ako pinagalitan nito at kamangha mangha na pumasa pa rin ako sa kanya. Di pasang awa ha, pasa talaga. Ewan ko kung bakit, kung ano man ang dahilan ay nagpapsalamat pa rin ako sa kanya. 

At dahil doon, Narito ang ilan sa mga sumusunod ang mga utos ng mga nangongopya;

Friday, January 7, 2011

Naku Po!




















Kanina habang ako'y nag iinternet at pansumandaling nag blog hop sa ibang mga bloggers ay may narinig akong ring sa aming telepono. Dahil sa nasa itaas ako ay si papa ang sumagot sa telepono. "Hello good afternoon this is ***** from Globe Telecom and we ask Mr. Matias to please pay tor settle his overdue within 2 days or else the connection will be cut on the said deadline". Dali dali iyong sinabi sa akin ni papa. Naku po! Patay! Di ko malaman kung ano ang aking gagawin, kung kailan nagsusumipag na ko sa pagblog ay tsaka pa mangyayari ang ganito. Nakalimutan kong bayaran ang aking bills last month dahil na rin sa sobrang kabisihan sa nagdaang mga okasyon. At dahil na rin dito ay hindi ako nakapag tabi ng budget na pangbayad sana sa monthly bills ko sa Globe.

Wednesday, January 5, 2011

Simpleng Banat (Pick Up Lines)


















Una kong natutunang manligaw noong elementary pa ko (landi ko noh? ahahha) pero sa totoo lang syempre bata pa ko nun. Nagulat na lang ako sa kaklase ko na palagi nagbibigay sa akin ng pagkain at gusto ako palaging katabi sa upuan. Di ko naman pinansin yon kasi di ko priority, pero yun pala may gusto na sa akin at nalaman ko na lang ng hindi na kame magka pareho ng section. Sumulat sya sa akin at akin din namang sinulatan, syempre first time kaya masasabi ko na curious lang kaya nadala. Hahaha. Pero di naman yun seryoso, ika nga eh puppy love lang yun at dala lang ng kawalan ng tamang impormasyon tungkol sa mga ganong bagay. At yun ang istorya ng una kong paglalandi. Pero maiba ang usapan, syempre pag puppy love eh ligawan yan ng mga kabataan na walang alam sa mundo kundi magpacute at maglaro lang naman. Natawa ko ng maalala ko ang mga simpleng banat sa mga nililigawan noong napanuod ko ang My Amnesia Girl at mabasa ang mga pick up lines mula sa post ni Matt. Jologs na di mo maintindihan kapag naririnig mo pero syempre pag in love ka eh di mo na alintana. At ilan sa mga natatandaan ko ay ang mga sumusunod.

Tuesday, January 4, 2011

Dota Hero: Top 5 Characters Ko



























Balik sa paglalaro muna ko ng online game, at ang kaisa isang online game na nilalaro ko ay ang dota. Ewan ko ba kung bakit kinahiligan ko ang larong ito simula ng matuto ako noong 2006 pa. Mahilig ako sa adventure na mga game, yun bang papalakasin ang mga hero sa pamamgitan ng experience tapos bibili ng mga gamit para lumakas pag nakaipon na ng maraming pera. Pero di ko kinahiligan yung ibang laro, bukod kasi sa magrerent ka na eh bibili ka pa ng load para mag level ka? Ano yun? parang lokahan lang yun para sa akin tapos bandang huli pag malakas na eh mahahack! Ouch! sayang di ba? Yung dota kasi di mo kailangang magload, at iba't ibang mga tao pa ang pwede mong kalabanin. Pwedeng sa pustahan mangyari, pwedeng laro lang pero shop to shop o di kaya eh sa garena na lang maglaro at maghanap ng kalaban. Pwede ding AI (artificial Intelligence) muna ang kalabanin kung magpapraktis lang at naguumisa pa alng na matuto. At dahil sa adik nga ko sa larong ito, palagi ako niloloko ni Mhay na "DOTA oh sya daw?". Pero maswerte ako dahil naiintindihan nya ang aking pagkahilig dito, kung ako nga daw ay may DOTA, sya naman ay may farmville dati at ngayon ay baking life naman sa facebook. At kaya ako nagpost ng ganito ngayon ay upang ipaalam sa inyo ang mga hero o character na paborito kong gamintin or sa madaling salita ay masasabi kong perfect ko na. 

At sila ang mga sumusunod:

Monday, January 3, 2011

Iba Pa Rin Pag Nakakatulong Sa Kapwa




















Disyembre 31 ng umaga at ako ay naka duty pa rin sa aking trabaho, ako ay naatasang mag duty doon sa may West Tower sa Barangay Bangkal dito sa Makati na popular ngayon dahil sa nag leak na pipe line ng FPIC. Araw araw sa aming duty ay may (2) dalawa na ina-assign sa amin upang magmonitor doon ng kaganapan at kung may emergency ay mairereport agad namin sa aming opisina na isang emergency hotline. Sa pagtatapos ng aking duty ng gabing iyon ay naatasan akong bumalik sa opisina upang may dalhin pa balik ulit sa West Tower, isinabay ko na si Mhay (GF) para pagkatapos ay diretso ko na siyang ihahatid sa kanilang bahay. Napakadelikado sa kalsada dahil may mga taong bigla bigla nalang naghahagis ng paputok.

Saturday, January 1, 2011

Pahinga Muna O Pahinga Na Talaga?
























Unang araw ng taon, di ko alam kung matutuwa ako magiisip kung may mali pa ba sa akin. Marahil ay di ninyo ma-gets kung ano itong sinasabi kong ito. Unang araw ng taon, oo nga at walang pasok ngayon sa trabaho pero iba sa trabaho namin. Mag tatatlong taon na ako sa isang emergency hotline dito sa lugar ng makati, dahil sa naturang emergency hotline kami ay walang holiday holiday sa amin at kung matapat ka eh swertehan na lang. Pasko at bagong taon ay nakaduty nga ako buti na lamang at puro pang umaga at hindi sa gabi natatapat. January, renewal sa amin at ako'y umaasa na sa unang araw ng taon na ito ay mapapsama ako sa mga unang papasok sa aming opisina. 

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review