Monday, February 28, 2011

Mga Dapat Tandaan At Asikasuhin Kung Magpapakasal


















Noong una akala ko napakadali lang magpakasal. hindi pala. Yun bang pagkatapos ng pamamanhikan ay may mas mahirap pa pala kaming pagdadaan. Nagssisimula pa lang pala kami yan ang napagtanto ko. Bukod sa magastos ay kailangan pang asikasuhin ang napakaraming requirements at dapat ikaw talaga mismo ang maglalakad para sa mga ito. Pero after all of this naman marerealize mo na its all worthy kasi ikaw ang nagpakapagod, hindi ka nang istorbo ng ibang tao, naexpereince mo ang once in a lifetime na ganito at kung sakaling may mag ask sayo ay isa ka sa mga taong kayang kayang sagutin lahat ng mga itatanong nila tungkol sa mga aasikasuhin at kung papaano ang pagpapakasal. Dahil dito naisip kong magtala ng mga naging karanasan ko at kung paano ang sunod sunod na pagproseso ng mga ito. Pati na rin ang pagbubudget at ang araw na kung kelan magsisimula ang paghahanda.

At narito ang mga sumusunod...

Sunday, February 27, 2011

Sa Wakas

Sa wakas at natapos na rin ang lahat ng mga seminar na ikinabusy ko ng isang linggo. Ngayon ay balik na ko ulit mga katropa. Hay, nakakpagod pero pag natapos mo ayos na ang pakiramdam. Kakapagod at nakakubos ng oras kaya naging busy. Heto na ko ulit at mangungulit sa inyo. Nyahahahah!

Friday, February 25, 2011

Busy Masyado, Ipagpaumanhin Po Ninyo Sana

Sa mga followers ng aking blog, sa mga ka blogs ko, kaibigan, kmag anak, ka torpa, kaopisina na sumusubaybay sa aking notbuk, ipagpaumanhin muna sana ninyo ang hindi ko palagiang pag aupdate. Masyadong busy lamang ang inyong lingkod sa mga araw na nakalipas. I'll be back in a week or two. I'll visit you guys soon. Miss you guys. Keep blogging!

Sunday, February 20, 2011

Post Valentine's Party At Makati City Hall


























Hayun at pagkatapos ng post ko noong valentine's day eh eto at humahabol pa ng post valentine's party dito sa amin sa Makati. Late na kasi noong friday lang ginanap pero enjoy pa rin at love is in the air pa rin. Bawat sector ay nagtayo ng kanya kanyang booth at sa aming protective sertor naiiatas ang paggawa at pangangasiwa ng "Jail Booth".

Thursday, February 17, 2011

Blogger's Eyeball: Feb 13, 2011




















Ayan, ang unang beses kong nakipag eyeball sa mga kabloggers ko sa buong buhay ng pagboblog ko. Nagsimula kong magblog noong 2007 at maraming blogs na kong nagawa. Pabago bago kasi ko dati tapos puro english yung mga nagagawa ko. Lately ko lang nadiscover itong mga tagalog bloggers kaya I decided na gumawa rin ng isang tagalog na blog. Ayun, dahil dito marami kong nakilala, dahil sa tagalog kong blog eh nakapag eyeball din ako sa unang pagkakataon at super enjoy. 


Tuesday, February 15, 2011

Simple Pero Sweet!

Kamusta naman ang araw ng mga puso mga kabloggers? Ako, eto masaya, hehehe. Kasi kahapon valentine's day pero malungkot kasi nakaduty ako ng araw na iyon. Pero syempre kahit ako nakaduty hndi ko naman kinalimutang pasiyahin kahit sa simpleng bagay lang ang aking mahal na si Mhay.

Ayun at kinuntsaba ko pa si Xander na samahan akong bumili muna ng pang regalo ko matapos ang eyeball sa mga bloggers friends ko. Kaya kahit na past ten (10) na kame umuwi ay naghanap pa rin ako. Minsan lang naman kasi ang Valentine's day sa loob ng isang taon diba? Palalagpasin pa ba.. Hehehe. 


































Monday, February 14, 2011

Maligayang Araw Ng Mga Puso!






Mula sa aking notbuk ang pagbati ng Maligayang Araw ng mga Puso! Kung may ka valentine's kayo masaya, kung wala naman, ok lang yan malay mo next year! may kavalentine's ka na. Hahaha. Pero di naman porke Valentine's tapos wala kang kapartner eh hindi na sa iyo ang araw na ito. Syempre naman para sa lahat to, wala ka man kapartner eh marami pa rin naman nagmamahal sayo. Nandyan ang mga kaibigan, kamaganak, ka officemate at iba pa. Mahal ka ng mga yan pwera nalang kung masama ang pag uugali mo. Wag ka nang magtanong hahaha. Oh cge na antok na ko eh, inantay ko lang talaga ang oras na ito upang unang bumati sa inyo ng Maligayang Araw ng mga Puso! ^^

Saturday, February 12, 2011

First Eyeball Sa Mga Bloggers

























Actually di pa ko nakaka experience na makipag eyeball. (Ayan Yanah! nahiya ako! inedit ko na) Uso yan dati nung college days kasi. Andyan yung makikipag eyeball ka sa mga kachat or katext mo pero pag time na para makipag kita eh nahihiya na ko. Hahaha. Dati yun, college days at di na ngayon. Sa sunday nakaschedule na magkita kita ang mga bloggers na mga kakilala ko sa mundo ng blogging. Si Bino ng damuhan, si Leah na galing pang probinsya at nagbakasyon dito, si AXL, si Xander, si Ferry daw at marami pang iba. Ewan ko, di ko lam, parang mahihiya ko sa eyeball na to. Siguro di lang talaga ko sanay sa mga ganito. Sana kahit papano maging at ease naman ako at hindi mahiya. Hehehe. Mahiyain kasi akong tao eh. Tapos di pa makakasama si Mhay kasi may pasok sya ng pang gabi. Hay, makakapagsalita pa kaya ako nito? Hehehe. Pero im looking forward to meet them all. So see you on Sunday guys. ^^ good nyt!




Thursday, February 10, 2011

Nakakastress, Super Sa Pagod, Sakit SA Ulo Pero Nakakaexcite




















Ilang araw din ang lumipas matapos ang pamamanhikan namin noon kila Mhay. Lakad doon lakad dito ng mga requirements para mabilis na matapos ang lahat at asikasuhin naman ang iba pang kailangan. Kahapon nagpunta kami sa simbahan upang magtanong kung may nakaschedule na ng araw na iyon. Bago pa kami magtungo doon ay napag usapan na namin ni Mhay ang pagtawag ng kuya niya. Ang sabi, "Bakit daw hindi pa antayin ang pagdating ng kuya niyang isa bago kami magpakasal". Nakaklungkot kasi parang gusto nila ipostpone muna ang kasal at antayin sila. 

Tuesday, February 8, 2011

What Makes Me Loud?

What makes me Loud? Eto yung pageexpress ko ng sarili ko sa blog ko, sa mga post ko. Dati I'm not feeling well na sa pagboblog. I even write a blog post which I express my frustrations in blogging. Pero nandun yung mga friends ko na tumulong sa akin sa pamamagitan ng mga comments nila at mga payo. That's the time I realize what the important role of blogging into my life. Express myself, know other people, make friends and let other people smile when they read my blog post every day. That's how I feel that I make my self loud! 


Dame ko ding blog na nagawa na before. Yung iba dun pinalitan ko sa sobrang pagnanais ko na makaisip ng unique at madaling tandaan na blog. Today I only manage my two blogs. One in full english blog and this one, my all tagalog blog. Actually ayoko talaga mag english dito eh kaya lang napilitan ako kasi baka di makasali sa Nuffnang kapag tagalog ang entry na ginawa kong to. 


Basta all I can say is I know I make my self Loud because of my Blogs!
























Ikaw? What makes you Loud?





Monday, February 7, 2011

Sampung Utos ng Manginginom



















Ang mga pilipino talaga ay sadyang masiyahin. Party dito party doon, kahit walang wala ay basta mairaos lang ang kanilang kasiyahan ay asahan mong gagawa at gagawa ng paraan basta magkaroon lang ng kasiyahan. At syempre ang unang una dyan ay ang pagiinom. Saang party oh handaan ng pilipino na naatenan mo ang nakita mong walang inuman? Hindi ba't bihirang bihira kang makakakita? Alak, isa sa paraan ng mga pilipino upang panandaliang makalimutan ang problema. Dinadaan sa pag inom ang sakit sa puso, problema sa pera, problema sa pamilya, oh di kaya ay trip trip lang na mag kwentuhan at para mas gumanda ang kwentuhan ay lalagyan ng kaunting alak. Hay ang mga pilipino talaga di mawawala ang alak sa katawan. 

Dati ipinost ko na rito ang Sampung Utos ng Mangongopya at ngayon naman ay ang Sampung Utos ng Manginginom. Nawa'y matuwa kayo sa aking bagong handog na para sa mga mahihilig uminom. Pwedeng uminom basta tandaan ang mga sumusunod. Cheers!


Sunday, February 6, 2011

Nafufrustrate Na Ko Sa Pagboblog Ko...




















Ano ba talaga ang pagboblog? Minsan dumarating na sa puntong naiisip kong parang di na worth yung pagboblog ko kung di naman ako kikita ng malaki. Nung una nandyana ang google adsense na inakala kong isa sa mga ways para kumita ako ng malaki. Pero anong nangyari? Ang lintik na google na yan bigla ba namang binan ang adsense ko at ang sabi ay may authority silang magban ng account at hindi nila sinasabi ang dahilan kung bakit. Nakakainis di ba? Ilang beses a kong gumawa ng appeal sa adsense pero ni isang reply ay wala silang ipinamukha sa akin. Ano ba yun?!

Saturday, February 5, 2011

Romana - (Huling Yugto)


























Isang gabi sa di inaasahang pagkaktaon ay nakita ni Tikboy ang kanyang ama. Dali dali itong tumakbo sa kanyang ate. “Ate, nakita ko si itay, naroon siya sa isang bar at tila suki sya doon”. Napabalikwas si Romana sa narinig. Pinuntahan nila ang bar at nakumpirmang naroon nga ang kanyang ama.

Thursday, February 3, 2011

Romana - (ikatlong Yugto)


























Lumapit si Roman, agad nitong kinuha ang pera ng ama upang bumili ng alak. Sa sobrang kaba nito ay nakalimutan na nitong tanungin kung ilan ang bibilhin at kung ano pa ang ipabibili. Basta binili niya lahat ng alak na magkakasya dito.

Tuesday, February 1, 2011

Pamamanhikan





















Ito ang link para sa kwento ng aming pamamnhikan kila Mhay noong January 25, 2011. Shared ko nalang kasi ganito din ang ipopost ko sana pero naunahan ako. Hehehe. Love it.

PRINSESA AMAYA: PAMAMANHIKAN



 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review