Wednesday, March 30, 2011

Paalam Sa Kababayan Nating Pilipino













Kanina umaasa ang buong sambayanang pilipino na magiging positibo ang kahahantungan ng ating tatlong kababayan sa China. Matapos ang ilang araw na pagposponed ng bitay kila Sally Ordinario, Ramon Credo at Elizabeth Batain ay natuloy na rin ito kanina pasado als onse ng umaga. Ginawa ng VP Jejomar Binay ang lahat ng kanyang makakya ngunit taliwas sa inaasahan ang nangyari. 

Monday, March 28, 2011

Panik





















Panik, ganyan tayo mag isip mga pilipino. Hindi pa alam ang dahilan ng kaguluhan ay panik na ang unang ngyayari. Maraming beses na kong nagagalit sa nanay ko kapag may kagukuhang nangyayari. Halimbawa na lamang ay ang sunog. 

Isang araw kasi habang natutulog ako ay bigla na lamang akong nagising bigla dahil sa taong mga nagkakagulo. Pagtayo ko nakita ko ang nanay kong namumutla na sa sobrang kaba at mabilisang nagtatatakbo palabas ng bahay.

Tinanong ko bakit? May sunog Lhan, bilisan mo kumilos dyan at buhatin ang mga kayang buhatin. Lumabas ako ng bahay, nakita kong may usok nga pero alam ko mismo kung dapat na ba kong kumilos para iligtas ang magamit at ang sarili. Nang makita kong maliit ang usok syempre kinabahan pa rin pero nanaig ang kaalaman ko pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Pumasok ako ulit ng bahay, dali dali kong inangat ang telepono at tumawag sa aking opisina para ireport ang ngyayari. 

Thursday, March 24, 2011

Nasan Ka UltraMan ng Kinailangan Ka Ng Japan?



















Aminin nating naparaming mga anime, cartoons, at iba pang creations ng Japan in terms of super heroes. Bumenta sa atin sila naruto, ghost fighter, dragon ball z, ultraman, maskman at ibang pang super heroes na lumalaban sa kasamaan at nagliligtas sa lahat ng mga tao. Nakita ko itong picture kanina at nakaisip ng maipopost, "oo nga no" yun na lang ang nasabi ko. "Nasan ka Ultraman ng kinailangan ka ng Japan?"

Wednesday, March 23, 2011

Ay Nagcrete Na Naman Ng Bagong Mga Blogs

Di naman ako talaga adik sa pagboblog di ba? Ewan ko ba, dati nafrufrustrate na kong magblog na ipinost ko pa rin dito. Pero ano? Eto ngayon at mayroon na namang ipinopromote na dalawang bagong blogs.


Hehehe, minsan kasi nakakagulo sa isang blog kapag halo halo ang mga naipopost mo. Yun bang wala talagang pinaka sentro yung blog mo. Blog diary, oo pwede na random post pero sa tingin ko dapat ko ng iseperate yung iba't ibang mga post na ginagawa ko. 


Ah basta, may bago kong dalawang blog at sana po ay maiadd ninyo sa inyong mga blog. Ayos lang po kung hindi, basta bisitahin nyo nalang sana pag may bagong post! Hahaha. O sya sya eto na ang mga links nila. Paadd na lang po ulit! Salamat!


Shooting Mode na puro imahe or mas maraming imahe na kuha ko ang inyong makikita.
Techno Matti na isang blog ko naman na nagpopost ng mga helpful tips at any related sa computers.

Paadd na lang!
Salamat!






Sunday, March 20, 2011

Anu Daw?

video 



Anu daw? Naiintindihan mo ba?  Kanina habng nasa office ako nakita ko yung isa kong kasamahan na tawa ng tawa. Nacurious ako syempre, pinuntahan ko agad sila at nakita ang pinapanood na ito. Ngek! Anu daw? wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Parang pati sya mismo naguluhan sa sasabihin nya at animo'y nabigla sa roll ng camera. Hahaha. Ang alam ko lang napatawa ako nito kaninang umaga sa work ko na nakaktamad. Linggo kasi, walang gaanong ginagawa at di busy so tawa mode na lang kanina kesa sa maburyong sa opisina.


Sige subukan nyong panuorin at pag may naintindihan kayo sabihin nyo sa akin ha? hehehehe.



Thursday, March 17, 2011

Photography Lesson




















Nitong mga nakaraang buwan at mga linggo ay nahihirapan kaming maghanap ng magiging kameraman sa aking kasal. Nariyan yung marami ngang nagtuturo na may kakilala sila pero di mo naman sure kung ayos ang mga kuha nya or magugustuhan mo ba pag nakita mo na. Tingin ko dati madali lang ang maging isang phtographer. Basta may maganda kang camera ok na, basta may magandang view picture agad. Hindi pala. Napagtanto ko kasi na gusto ko ring maging isang mahusay na photographer, hindi lang para kumita pero naapreciate ko yung mga kuha na simple pero alam mong pinag isipan at may konteksto ang pagkuha.

Monday, March 14, 2011

Japan's Nature's Wrath Huli Sa Video

videoa



Isang video ng pagtama ng tsunami sa dalampasigan na nagdulot ng malaking disgrasya sa mga hapon. Nakunan ang video pagkatapos ng lindol at nakunan din ang unang mga pagtama nito sa baybayin ng Japan.

Friday, March 11, 2011

Panalangin

Panginoon,


Narito po kami sa inyong harapan upang humingi ng kapatawaran sa aming mga naging kasalanan. Hindi po kami nararapat sa inyo ngunit alam po namin kung gaano nyo kami kamahal. 

Panginoon lumalapit po kami sa inyo upang ihingi ng panalangin ang kaligtasan ng sambayanang pilipino laban sa galit ng aming kalikasan. 

Alam po namin kayo lang po ang may kakakayahang gumawa nito at tanging kayo lamang ang makapagliligtas sa amin. 

Patawarin mo po kami panginoon sa aming mga kasalanan na nagagawa laban sa aming kalikasan. Ilayo at gabayan nyo po kami sa galit ng kalikasan at sa kanyang panananalanta sa aming lugar. 

Huwag ninyo po sana kaming pababayaan at nawa'y maging dahilan ito upang matuto kami na mahalin ang iyong mga handog sa amin. 

Lubos po namin itong pinasasalamatan, at nawa'y huwag po kayong magsasawang biyayaan kami kahit na kung minsan ay nakakalimutan na namin itong pahalagahan.

Maraming salamat po panginoon, na Hari ng mga Hari, at nagiisa naming tagapagligtas.

Amen.

Thursday, March 10, 2011

Season MVP or Finals MVP?























Wala na atang mas sasaya pa sa isang basketball player kapag nakuha niya ang titulong MVP or Most Valuable Player. Ako bilang isang taong mahilig sa basketball ay nagaasam din ng ganyan simula ng matuto akong magbasketball. Pero sadyang di para sa akin ang basketball, oo nga nakakalaro ako pero sa aming barangay lamang na liga di katulad ng pangarap kong maging isang professional basketball player talaga. Kinulang kasi ng height ang mga pilipino. 

Wednesday, March 9, 2011

Manny Pacquiao ala Justine Beiber

























Nakita mo na ba si Manny Pacquiao recently? Well kung hindi pa eh heto ang pinaka latest look nya. After pagupitan ang mahabang buhok at ang goatee eh heto na siya at looking young sa bago niyang Justine Beiber look. Bagay ba? Sa tingin nyo? Hehehe. Natawa na lang ako eh pero si Manny Pacquiao ay si Manny Pacquiao, wala ng iba.



Tuesday, March 8, 2011

Earth Hour 2011





March 2009 ata (di ko sure) ng magsimula ang Earth Hour activity na ito. Di lang ng isang bansa ngunit ng isang buong mundo. Isang oras na pagpapahalaga sa ating inang kalikasan. Isang oras ng kadiliman ngunit sa likod nito ay ang kasiyahan na mapangalagaan ang susunod na henerasyon ng ating lipunan.

Saturday, March 5, 2011

MC Delivery Online







Mc Delivery Online, order anything ang get satisfied! Mc Delivery Online!

Friday, March 4, 2011

Wala Na Si Paquito Diaz





































Si Francisco Bustillos Diaz, na mas kilala bilang "Paquito Diaz" sa mundo ng pag aartista ay pumanaw na kahapon Marso 3, 2011 sa edad na 73. Paghirap ng paghinga ang naging dahilan kaya binawian ng buhay si Paquito sa kanilang bahay sa Daraga Albay pagkatapos magkaroon ng malubhang sakit.

Tuesday, March 1, 2011

Mas Magandang KFC Ngayon




















Kanina habang off duty ko eh sinamantala na namin ang araw. Gumala lang kami ni Mhay sa mall (Market Market) at naglaro sa time zone. Parang mga bata noh, pero eto lang yung paminsan minsan naming sabay na mag off duty sa trabaho. Syempre nagutom na kami at napagpasyahang kumain sa KFC. Natuwa lang ako  sa serbisyong bago ng KFC kaya naipost ko ito.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review