Saturday, April 30, 2011

Basketball News : Heat At Celtics Sa Semis














Tinapos nila Dwane Wade, LeBron James at Chris Bosh ang laban sa Sixers sa limang (5)  laro sa playoffs. Samantalang ang Koponan ng Big 4 at tumapos ng apat na laro para isweep ang nakatapat na New York Knicks. Ngayong umpisa na ng semi finals, muli na namang maghaharap ang Miami at Celtics para pumasok sa East Finals. Noong nakaraang taon ay nasawi ang Heat sa kanilang ratsada sa season 2009-2011 at ngayon ay umaasang magiiba ang istorya matapos makuha at superstars na sina LeBron at Bosh. 

Monday, April 25, 2011

Touch Naman Ako

Kanina habang naglalaro ko sa aking laptop ay may narecieved akong isang text kay Mhay. Sabi nya may bago daw syang post at sana matouch naman ako dito. Inisip ko isang blog post na nakakatouch ang ginawa nya. Sabi ko "cge po mea basahin ko".

So natapos ang nilalaro ko at dali daling binuksan ang blog ni Mhay at nabasa ko ito. Noong una kala ko tungkol sa pagbobonding nilang magbebest friend kahapon lang ito. Pero natouch ako ng makita ko sa huli ang picture na ito.





















Nakasulat kasi dito ang pamilya nya, mga kabigan at ang buong pangalan ko. Pumunta kasi si sa Bonifacio High Street dito malapit sa may Market Market para mag bonding, at tyempo lenten season ay may makikitang mga stations of the cross. At sa bandang huli ay may isang room na madilim at pagdating mo sa may bandang dulo ay may ballpen at papel. Nakasaad doon na isulat ang mga taong natouch ka in a special way at ipost ito sa pader.

Nakaktuwang malaman na natouch ko din pala ang mahamine ko (Mhay). Feel so spiring naman marinig ito mula sa kanya na kahit pala pasaway ako minsan ay na appreciate din pala nya ako.

Thanks Mahmine, my soon to be wife! Love you! ^^







Friday, April 22, 2011

Kalbaryo 2011

Well, first time ko itong makaeksperyens ng pagpunta sa kalbaryo dito sa amin sa Brgy. Poblacion Makati. Sa mga di pa po nakakaalam, ang kalbaryo ay taunang selebrasyon dito sa Poblacion Makati. Bawat samahan sa iba't ibang street ay gumagawa ng "kalbaryo" sa tuwing sasapit ang araw ng Lenten Season. 


Huwebes ng gabi hanggang Linggo ay binubuksan na ang mga kalbaryo para ipakita sa mga taong bumibisita. Prosisyon sa hapon kung kaya't trapik na pahirap sa lahat ng mga sasakyan. Pero syempre minsan lang to sa isang taon kaya kung ayaw mong makunsume ay wag kang dadaan sa Makati sa araw na ito.


Ayun, nagsimula kaming maglakad ng alas nwebe para makita ang bawat kalbaryo na gawa ng kaniya kaniyang mga samahan. Bukod sa Lenten Season ay may hatid din itong papremyo sa pinaka magagandang gawa kung kaya't pagaaksyahan mo talaga ng panahon at oras.


Umabot kami ng hanggang alas onse ng gabi sa kakalakad patungo sa bawat isang kalbaryo. Syempre kasama na rito ang pagpapapicture kung kaya't umabot ng dalawang oras ang aming pagagala.


Para makita nyo naman ay isashare ko ang mga ito. At heto ang mga kuha ko sa kanila. Yung iba medyo malabo, camera lang kasi ng cp ko ang gamit ko. 



Sunday, April 17, 2011

Eksperyens Ng Pre Nup Sa Eco Park

Kahapon kahit puyat ay tuloy pa rin ang schedule g pre nup. Mag kahalong excitment at nerbyos ang nadarama ko kasi bak hindi maganda ang kalabasan. Bukod kasi sa pagiging puyat ko ay nagkaroon pa ko ng kulite sa mata. Pag minamalas ka nga naman oh, kung kelan may ganitong schedule eh tsaka pa nagkaganito.

Pero syempre tuloy pa rin. Dumating kami sa Eco Park ng mag aalas nwebe. Eksakto sa oras ng pinag usapan namin ng photographer. Nagantay kami, tumingin tingin muna sa itsura ng Eco Park kasi first time namin dito. Lanya, para kaming taga probinsya kasi first time hahaha.

Wednesday, April 13, 2011

Excited Sa Pre Nup



















Hay, malapit na talaga ang araw ng paghuhukom hehehe. Syempre excited na sa nalalapit kong kasal pero may isa pang dapat pagdaanan. Ang pre nuptial namin ni mhay. Ewan ko pero halong kinakabahan at excited ang nararamdaman ko. Nandyan yung, anu kaya ang kalalabasan? Anung susuotin ko? Maganda sana ang view at ang itsura ko para di naman nakakhiyang ipakita.

Tuesday, April 12, 2011

Shamsey Supsup's Talent







Kilala nyo ba si Shamsey Supsup? Well, sya lang naman ang nanalo sa katatapos na Binibining Pilipinas last April 10 sa Araneta para talunin ang 39 na iba pang kandidata. Bukod sa ganda ay mapapansin ang kakaibang talento ni Shamsey na sa tingin ko ay ang dahilan ng pagkapanalo niya. Bukod sa matalino dahil sa naging Magna Cum Laude lang naman siya sa UP sa kursong Arkitektura. Naging top notcher din siya sa board exams ng arkitektura noong Hulyo 2010.

Saturday, April 9, 2011

Willie's Speech Last April 8, 2011 on Willing Willie





Sa April 23 po , magsisix months na po ang programa natin– anim na buwan na po tayo. Noon hong March 12, nagkaroon po ng problema which is nagreact po ang lahat… after one week. Yun pong bata na si Janjan na sumayaw daw po nang malisyoso at hinusgahan na po ako ng mga sangay ng gobyerno. Sinabi nila na inabuso ko yung bata, chinild abuse ko yung bata, inexploit ko yung bata dahil daw pinasayaw ko raw ng pinasayaw. Dahil umiiyak na raw ho yung bata, pinilit ko pang sumayaw.


Wednesday, April 6, 2011

Ang Pacontest (25$)















Wala daw intro sabi ni Zyra, basta ang contest na ito ay may papremyo. Kung interesado ka, pwede mo syang tuluyang basahin at kung hindi ay iclose mo na ang browser mo. Hehehehe

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review