Thursday, June 30, 2011

Pinoy Transportmers

Kahapon nagsimula ang isa sa mga pinakakaabangan movie ng taon. Ano yon? Ang Transformers : Dark Of the Moon lang naman ito. At dahil sa sobrang gusto ko ang movie na ito ay sumali talaga ako sa isang pakontest ng social site ng mga bloggers. Alam na siguro ito ng iba, syempre ang Nuffnang.

Marami rami na rin ang mga sinalihan kong pakulo ng Nuffnang pero sa mga movie talaga lang ako ata nananalo. Syempre hindi naman contest na mahirap yun kasi first 100 bloggers naman ang makakasali at mananalo.

At syempre isa ako sa mga mapalad na nanalo at naimbitahang manood nito sa Shangri-la Cineplex. Pero hindi lang iyon dahil pati si Mhay na aking asawa ay sumali rin at nagwagi. So better saying, apat (4) ang ticket namin. Hahaha. Swerte ng naisama namin dahil nakalibre di sila ng movie na ito. 

Sunday, June 26, 2011

Marcelito Pomoy

Congatulations kay Marcelito Pomoy na nanalo sa ikalawang "Pilipinas Got Talent" kani kanina lamang. Si Marcelito ay kumanta kanyang huling kantang panglaban na "The Prayer" pagkatapos i-announce ang kanyang pagkapanalo ng tatlong judges.

Pumangalawa kay Marcelito ang magkapatid na "Happy Feet" dancers and sa ikatlo naman ay ang grupong "Free Stylers"

Si Pomoy ang naging crowd favorite sa umpisa pa lamang, bagamat hindi nakapasok ang bet ko na "Neilbeth" dancers ay masaya na rin sa pagkapanalo ng kakaibang talento ni Pomoy.

Muli ay congratulations kay Marcelito Pomoy bilang 2nd Grand winner ng Pilipinas Got Talent season 2.

 

Tuesday, June 21, 2011

Sa Funny Komiks Ako Nagsimula

Hala, bigla ko namang naalala ang Funny Komiks mula sa pagbabasa ko sa bagong post sa Damuhan ni Pareng Bino. At mula sa pagbabasang iyon ay naalala kong, "Oo nga pala, nasan na ang mga Funny Komiks kong koleksyon dati?" 

Taong 1980's ng sumibol ang Funny Komiks na ito at eksaktong simula ng aking kabataan. Tuwing umaga kasi noon sa bayan ng Malabon kung saan ako nag lumaki at nagaral hanggang high school ay binibilhan ako ng aking lola ng babasahing ito.

Sa umpisa ay sasama ako sa aking tiyahin para mamalengke dahil mayroon kaming isang maliit na tindahan. Malaki na iyong dati kasi kami lang ata ang may tindahan kaya parang grocery store iyon sa aming lugar. Syempre sasama ako para magbitbit ng mga panindang bibilhin at pagkatapos ay bibilhan ako ng aking tita na para bang reward ko sa pagsama at pagtulong sa kanya. Ang hindi ko alam talagang bibilhan ako nito dahil utos na pala iyon ni lola. Naisahan ata ako nuon ah. ^^

Natatandaan nyo pa ba ang Funny Komiks? Sa pagkakatanda ko naabutan ko ito ng 4 na piso lamang and benta. Ang mura di ba? Sa anim na piso lamang na ito nagsimula akong matutong magbasa.

Saturday, June 18, 2011

Happy Father's Day Dad


















Happy Father's Day sa lahat ng mga tatay dyan. Sa tatay ko, sa tatay ng asawa ko, sa tatay ng tatay ko, sa tatay ng tatay ng tatay ko at sa lahat ng mga tatay ng mga tatay ng mga tatay. Wew! hahahaha.


Maraming salamat sa inyong mabuting pagpapalaki sa amin. Maraming salamat pong muli!



Monday, June 13, 2011

Ikatlong Anibersaryong Handog Ng DAMUHAN: Isang Munting Pakulo

MGA PANUNTUNAN NG MUNTING PAKULO

Tulad ng nabanggit, Tatlon'g blogero ang magkakaroon ng sarili nilang domain (paulit-ulit?)

Ang domain ay good for 3 years. (kasi nga 3 years na ang Damuhan ni Bino. kuha mo?)

Dating gawi, ito ay para lamang sa mga bloggers sa kahit anumang kategorya maliban sa PORN (iba ang Adult sa Porn).

Pasok ang mga nasa Blogger at Wordpress na platforms.

Ito ay para lamang sa mga Pinoy na naninirahan sa loob at labas ng bansa.

Ang domain ay TRANSPERABLE pero hindi KONBERTIBLE sa cash.

Kailangang ang blogger na sasali ay at least 5 months ng nagbablog. Ganunpaman, kung sakaling manalo, pwede ito'ng itransfer sa baguhang blogger o sa inyong bagong blog.

Kung meron mang kamag-anak si Bino sa blogging (Tulad ni Yanah), sila ay hindi pwedeng sumali. Hahahaha

Sunday, June 5, 2011

Iba Na Talaga Sila

Noong nakaraang araw naglalakad ako sa kalsada kasama ang aking asawa paakyat ng hagdan para bumili. Mahirap umakyat pero syempre no choice kaya kahit tatagaktak ang pawis tuloy pa rin kami. May napansin akong isang bata at isang lola na nag-uusap na tila ba nagtatalo. 

Yung bata ay halos nasa edad tatlo hanggang apat na taon lamang. Habang papalapit kami ay naririnig ko na ang kanilang usapan.


Lola: Halika na rito. Uuwi na tayo.
Apo: (Hikbi at lisik ng mata ang ipinakita.)

Lola: Tara na. Isusumbong kita sa lolo mo.
Apo: (Hindi sumasagot at nakatitig ng masama sa lola.)

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review