Tuesday, August 30, 2011

Duyan Ng Kapahamakan

Kay sarap nga namang ng pakiramdam ng isang ama habang bitbit bitbit ang anak habang pinapasyal ito. Ihehele kapag inaantok at padededeen kapag ito'y nagugutom. 

Sa tuwing maiisip ko ang mga ito ay di ko maiwasang maeksayt sa susunod na taon. Taon ng paglabas ng unang baby namin ng wifey ko. 

Nakakaeksayt diba? 

Parang ngayon pa nga lang gusto ko ng bumili ng mga gamit nya. Mga damit, sapatos, shorts, pants, laruan at iba pa na magagamit niya.

Pero di pa pwede, masyado pang maaga. Di pa nga namin alam kung babae oh lalake eh. Hehehe. Eksayted lang pasensya naman. 

Ganito talaga siguro ang pakiramdam ng magiging ama oh isang magulang. Nakakatuwa. Di ko na maipaliwanag pa.

Wala na sanang gaganda pa kung ganito ang isang magulang sa kanyang anak. Pero nitong nakaraang araw ay medyo nalungkot ako at natakot sa aking nakita.

Isa na namang kuwento sa jeep. Nung nakaraan naikwento ko dito sa aking notbuk ang isang mamang lasing na gugulong gulong. Heto na naman ngayon at mayroon na naman akong isang eksperyensa na hindi ko malilimutan.

Maluwag ang jeep pagsakay ko, sabado kasi noon at syempre walang pasok. Walang trapik, mabilis sumakay ng jeep.

Biyaheng C5 na naman ako papuntang Guadalupe para sunduin ang aking wifey. Gusto kong sumakay talaga sa unahan ng jeep. Bukod sa hindi ka na magaabot ng mga bayad ay hindi ka na rin kailangan makipagsiksikan sa mga katabi mo.

Kumbaga, sulit ang otso pesos sa pag-upo mo. 

Sa harap sana ako sasakay sa isang jeep na nakaabang. Pero napansin kong may naunang sasakay sana pero hindi na siya nakasakay at pinalipat na lang sa likod. 

So hindi na ko nagpilit sa unahan, kasi baka may nakareserve na doon oh di kaya ay doon sasakay ang nagkokonduktor sa oras na yun.

Biyahe ag jeep at napansin kong medyo malayo malyo na kami pero wala ni isang nakasakay sa unahan. 

Bumaba ang iba at sumakay na rin ang iba pero nanantiling bakante ang unahan. Di na ko nakatiis at medyo lumapit ako sa harapan ng may iilang bumaba.

Nagulat ako sa aking nakita. 

Ano toh? DUYAN?! Sa sobrang gulat ko ay tinitigan ko pa ng husto at niyuko kung anung meron doon.

























BATA! Isang batang wala pang isang taon na mahimbing na natutulog at nasupsop sa kanyang dede. 

Naawa ako sa bata, sa gitna ng mabilis na pagpapandar ng driver, mausok na kalsada, at tagtag na daan ay naaatim niyang isama pa ang kanyang anak.
Siguro ay walang magbabantay, walang pwedeng mapagiwanan. At kung hindi papasada si tatay ay wala namang mapapangbili ng gatas.

Tama ang intensyon pero kalusugan at kaligtasan ng bata ang nakasalalay. Ang hirap. Nakakaawa. 

Nang malapit na kong bumaba ay nakita kong umiyak ang bata. Tinapik tapik ng driver ang paa para makatulog ulit pero hindi na. Kinarga nito ang bata sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay ayt uloy na  nagdrive.

Mula ng bumaba na ko ay sila pa rin ang iniisip ko. Nasabi ko sa sarili ko na kahit kelan, di ko ilalagay sa kapahamakan ang kalusugan at kaligtasan ng anak ko. Hindi ako magiging ganoon.



Monday, August 22, 2011

Gulong Manong Gulong

"San ho kayo?!" Eto ang malakas na boses na narinig ko kanina habang nasa jeep ako. 


Agad ko itong nilingon. May mamang sumasakay. Gegewang gewang. Ini-angat ang isang paa at humawak sa estribo upang umakyat sa sinsakyan kong jeep.


Muntik pang malaglag dahil tipong ayaw sanang pasakayin ng driver ang mamang lasing. Walang nagawa ang driver. Dahil may bumaba, nakasakay pa rin ang lasing.


Lingon lahat ng pasahero, syempre lasing eh at baka may gawing di maganda. Maganda ang alerto. Maski ako tinititigan ko sya. Halos puro babae ang kasakay ko at may katabi kasi syang babae .Baka kung anung gawin nya kaya mabuti na ang handa.


Umandar ang jeep, nagbabaan ang iba, sumakay ang iba. Baba sakay, baba sakay. Parang ako na lang ang hindi pa bumababa ah. 

Friday, August 12, 2011

My Baby's Name, Help!

Naglibot libot ako nung nakaraan araw sa mga blogs ng aking mga bloggerong kaibigan. Napadpad ako dito kay Xander na nagkukuwento tungkol sa kanyang pangalan. Tumingin pa nga ng survey para ipagmalaki ang pangalang dakila.

Alexander the Great pa nga ang unang naisip ko ng mabasa ko ang post nyang yun. Ayos di ba? Dakila ang pangalan ni pareng Xander. Hahaha. Peace!

At dahil doon ay aking napagtanto na "oo nga pala, magkakababy na ako". Naisip ko agad na dapat ay maganda ang pangalang ibibigay ko sa aking anak. Pero di ko pa alam kung boy oh girl, 2 months palang kasing preggy si wifey ko at next week pang nakaschedule ang ultra sound.

Saturday, August 6, 2011

Christpher Lao ; "Hindi AKo Nainformed!


Ang bidyo ng paglutang ng sasakyan ni Christopher Lao na nag trending sa social media sites. Maraming nainis sa pagkaarogante niya, maraming nagsalita ng masama laban sa kanya.

Kayo na lang ang humusga, blaming other's on your own fault? Not the wisest thing to do.n Tsk tsk tsk.

Sana next time yung pagka-arogante inilalagay sa lugar, hindi yung kasalanan mo na ibabato mo pa sa iba.

Hay naku...

Wednesday, August 3, 2011

Hindi Magandang Karanasan Mula Sa Isang Taxi Driver

Maulan na araw ang buong maghapon, pero di ito alintana dahil may nakaschedule kaming mga lakad ni Mhay dahil off duty namng dalawa. 

Una ay ihahatid namin sa aking kapatid ang isa naming regalong kalan na natanggap namin noong kasal. Dahil 2 naman ang natanggap namin ay ipinaubaya na namin ang isa kasi bagong lipat lang ito ng bahay at nagsisimulang magipon ng mga gamit. 

Pagkatapos namin ibigay ay bibili na rin kami ng tanke ng kalan at mga accesories nito para naman sa aming kusina.

Ikalawa sa plano ang pagpunta sa isang mall upang bilhin ang nauna na naming nakitang sale na washing machine noong isang araw. Yaman!

Matindi ang buhos ng ulan, pagkarating na pagkarating pa lang namin ay ibinigay ko na agad ang kalan kay mama at agad na dumeretso sa bilihan ng tanke. Malapit lang kasi doon kaya dun ko na naisip bumili.

Canvass dito, canvass doon hanggang sa mapagdisisyunan ko ng bilhin ito. Pagkatapos magbayad ay agad na kong dumiretso sa bahay at iniwan muna ang tangke dahil susunduiin ko muna si Mhay sa bahay para diretso na kaming papara ng taxi at dala na ang tangke ng kalan pauwi.

Di naman kami nahirapang pumara ng taxi, heto agad si manong at agad na huminto sa isang kaway ko lamang. 

At dito nagsimula ang pangyayaring di namin inaasahan.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review