Saturday, December 29, 2012

Wish List ngayong pasko: Granted!

Matagal ko na syang inaasam asam. Siguro last last year pa. Pero maraming naunang mga pangangailangan kaya hindi talaga sya pupwedeng mapasaakin ng mga nakaraang taon.


Ngayon taon, akala ko hindi na naman sya matutupad. Kasi marami ring panganga-ilangan eh. Ewan ko ba at hindi ko lubos maisip kung paano at bakit natupad ang wish list na ito.


Walang iba lang naman kung hindi dahil sa aking wifey (mhay). Ewan ko, wala na sa isip kong makukuha ko sya this year eh. Sabi ko nga sa isip ko, next year na lang ulit.


Nagulat na lamang ako ng sabihin sa akin ni mhay na may ginawa sya para mabili ito. Kung anu man ung ginawa nya eh sikret na lang muna. Hehehe. Hindi bastos un ha baka kung ano maisip nyo =)


So sa sobrang eksayted ko eh umaga pa lang gusto ko nang umalis at ayain na sya para bumili nito. Hehehe. Nabibitin na ba kayo sa haba ng kwento ko kung ano yun?


Sige na nga eto sasabihin ko na.


Maraming maraming salamat ulit sa napaka bait kong asawa sa pagbibigay sa akin ng matagal ko ng pinapangarap na....




DSRL.




Nikon D5100.





Maraming maraming salamat muli mahmine! I love you so much! =)






Wednesday, December 5, 2012

Mga dapat gawin sa mga babae

Wala lang natuwa lang ako sa nakita kong ito sa facebook account na may nakalagay din kung sinong angmamay-ari. (sendahpinoy.com)

Sa mga guys, we should know about this.

Mga dapat gawin sa mga babae;



Dapat Nilalapitan - Hindi Pinapalapit -alam ko sa panahon bibihira ng makakita ng lalaki ang unang lumalapit. Kumbaga, iba na ang mga kababaihan sa ating henerasyon ngayon. Pero sa mga tunay na lalaki dyan, ganto pa rin dapat tayo. Tayo na ang maunang lumapit at hindi ang mga babae. Girls, kayo naman, ibalik ninyo ang pakipot moves ng mga sinaunang henerasyon ng hindi kayo nababastos ng husto.


Dapat Nililibre - Hindi Pineperahan -Kahit naman dati uso na to, karamihan sa mga ganito ay yung kulang sa pagmamahal. Yun bang gagawin na ang lahat mahalin lang ng lalaki - kahit ikaubos pa ng kayamanan. Sa inyo naman mga guys, wag naman sana tayong ganito. Mas masarap gastusin ang pera sa babaeng tunay na minamahal mo. Pero kung pera lang talaga ang habol mo, talagang di ka gagastos nyan.


Dapat Sineseryoso - Hindi Niloloko -Seryoso naman kapag nanliligaw. May palasing lasing pa nga pag nabasted eh. Ang tanong dito kung kelang magseseryoso ang mga lalaki. Kaya girls, eto ang una nyong tignan kung may mga manliligaw kayo. Dito papasok ang konting pakipot para makita nyo talaga kung seryoso si lalaki. Yung pang-loloko dumarating yan, choice na nya ung kung gagawin nya.

Friday, November 30, 2012

Sana ngayong pasko

Dati pag nagwiwish ako tuwing sasapit ang pasko ay puro gadgets, trips at kung anu ano pang materyal na bagay. Ikaw?

Ganun naman talaga diba? Nabubuhay tayo sa materyalistik na mundo. Kung saan ang mga tao ay tila sumasya kapag may mga bagong gamit oh gadgets na napapasakanila tuwing sasapit ang pasko.

Ipad, Ipod, PSP, PS3, DSLR, Digital Camera, Cellphone ay iilan lamang. Syempre ako gusto ko rin yang mga yan. Pero sa mga simpleng taong katulad natin ay tama na ang magkasama sama ang isang pamilya sa pagsapit ng Pasko at Bagong taon.

Kanina ng ipinakita ang bagong schedule namin sa buwan ng disyembre ay hindi ko naiwasang magpakita ng kalungkutan. 

Paano ba namang hindi ka malulungkot, duty ako ng Dec. 25 ng umaga. First time ko sanang makakaranas na magpasko na kumpleto na ang aking pamilya. 

Yun bang, first time kong magpasko na may anak na, first time kong maisasama ang baby kong mamasko, first time ko yun. Excited nga ko eh. Pero hindi naman pala matutupad.

Pagdating sa dulo Dec 31 naman, duty na naman ako ng umaga. Ayos na sana eh kasi gabi naman ang kasiyahan. Ang nakakalungkot lang ay yung may pasok naman ang asawa ko ng gabi ng disperas ng bagong taon. First time na naman sana, pero naudlot na naman.

Nakakalungkot, nakakadepress. Gusto na ata tumulo ng luha ko pero syempre pinaglabanan ko. Tapos may kung ano pa kong naririnig na alam kong pagsisimulan lang ng away kaya't binale wala ko na lang.

Sana naman naisip nila na first time ko. First time naming mag-asawa. First time kong makakasama ang pamilya ko ng buo sa ganitong panahon. Sana naman hindi na nila pinag-kaila.

Pero anong magagawa ko, wala naman. Gustuhin ko man, ayoko na lang mag react at mas piniling manahimik na lang at dito na lang sa pagboblog ko ilabas.

Pinaka-nakakalungkot ay yung wala akong magawa. Wala naman akong lakas eh. Wala naman akong say. Wala...

Ganun pa man, alam ko magiging masaya pa rin ang pasko naming magpapamilya. Sana magkaroon ng isang araw na magkabonding ulit kaming pamilya.

Sana magkaroon ng kahit isang araw lang na walang iniisip na kapintasan sa bawat isa. Isang araw na walang bangayan, isang araw na tanging pag-ibig ang nagdidikta ng kasiyahan. 

Isang araw na bumalik ang aming kasiyahan sa isa't isa. Isang araw na bumalik ang tiwala at manumbalik ang dating pag-iibigan. Isang araw lang please. 
 
Kahit isang araw lang.

Sana. Kahit ngayong kapaskuhan lang. ='c




Tuesday, November 20, 2012

Help po! Pa-LIKE ng Pic ng Baby ko...

















Mga Kaibigan! Ako po ay humihingi ng kaunting pabor lamang. Ito ay ang pag LIKE sa unang pic ng baby ko na aming isinali sa isang contest.

Kung type nyo ang smile ng aking baby Bela ay I-LIKE lamang ang Chelsey's Fashion Page.

At I-LIKE ang picture ng aking Baby.

I-Click lamang ang link na ito. BELA PICTURE.

Pacomment din po para makasama sa voting =)

Salamat po!

Friday, October 12, 2012

Lakbay Buhay

Naghihihiyaw dala-dala ang magandang balita
Positibo na, Sambit sa harap ng kanyang pamilya
Dalawang guhit na asul kitang kita sa hawak nya
I 'm preggy! I'm preggy! Sambit ng iyong tuwang tuwang ina.

Araw araw hinahawakan, hinihintay ang iyong paglabas
Marami ang humuhula, sa itsura mo hanggang sa panglabas
Ilong na malaki, malamang isang lalaki itong malakas
Pahayag ni Ama, na nagnanasa ng maganda para sa iyong bukas.

Dumating ang panahon, ikaw ay lalabas na
Inakalang lalaki, kabaligtaran pala ang hula
Makinis ang kutis, manang mana ka sa iyong ina
Sabay ng pagpikit nya, ang iyak mo na kay sigla.

Hirap at sarap kanilang nadarama
Puyat at pagod kapalit ang ngiti mong nagbibigay ng gana
Mula sa pagsilang hanggang sa pagdadalaga
Alalay ng iyong mga magulang, iyong tinatamasa.

Ngunit lumipas ang panahon nag-iiba ang iyong direksyon
Mga utos at payo, iba ang iyong nagigiging desisyon
Pagsuway ang gawi, anung sakit sa kanilang mga ambisyon
Ambisyong para sa iyong kinabukasan, unti unting nawawalan ng solusyon.

Sa pagtatapos ng kanilang buhay hanggad pa rin ang kasiyahan
Hindi para sa kanila, ngunit para sa iyong kinabukasan
Kahit naging suwail, wala silang pinagsisisihan
Isang Anghel noon, ngayon ay makasalanang naglalaro sa apoy ng karimlan,

Huli na nang dumating, wala ang kanyang mga magulang
Ni hindi ka man lamang nakahingi ng iyong kapatawaran
Huli na ang lahat, sising sisi ka sa iyong naging kakulangan
Ni hindi ka man nakapagpasalamat, sa pagpapalaki ng iyong mga magulang.

Sa nangyaring ito ikaw ay natauhan
Baluktot na landas unti unti mong winakasan
Isinapuso at sinunod ang mga pangaral ng iyong mga magulang
Ngayon ay namumuhay sunod sa mga pangaral tungo sa kabutihan.

Nakakapanghinayang lang huli na ng matauhan
Wala na si ina'y at itay kinuha na ng kalangitan
Nakakalungkot ding isipin kung hindi pa nawala ay di matatauhan
Walang talagang magulang ang magnanasa na mapariwara ang ating mga kinabukasan.


Ang Tulang ito ay kalahok sa:  SARANGGOLA BLOG AWARDS 4



 

















At ang mga SPONSORS:




  











Saturday, October 6, 2012

Ina, Anak, Talon...

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Pamagat : Ina, Anak, Talon...
Lugar kung saan kuha ang Larawan : Dumaluan Beach Resort, Bohol Philippines
Petsa ng kuha ng larawan : October 2, 2012
Kategorya : Photoblog - Postcard





Ang Larawang ito ay kalahok sa:  SARANGGOLA BLOG AWARDS 4



 

















At ang mga SPONSORS:








 

 
 





 
 
 
 
 

Tuesday, August 21, 2012

Hanggang Kailan

Di na mapakali simula ng magkasala
Pag-ibig mong wagas unti unti na yatang nawawala
Nang dahil sa pagkakamali ako ngayo'y nagmamaka-awa
Lubos na pagpapatawad hanggang kailan ko mukukuha

Sa kanya'y gabi't araw ang aking pagdarasal
Haplusin ang iyong puso, upang makita ang aking bagong asal
Sidhi ng damdaming nagnanais kahit na iyong masampal
Makamtam lamang ang pag-asang hinihiling ko sa may kapal

Sana makita mo ang sariling pagbabago
Pangakong di na umuling gagawin, yan ang paninidigan ko
Aking itatakwil anumang lalapit na tukso
Ramdamin mo ang aking mga matang lawang nagdurugo

Sa paglipas ng panahon, hangad ko pa rin ang kapatawaran
Kapatawarang buong puso na walang pag-aalinlangan
Kalinawan sa isip na ito'y hinding hindi na mararanasan
Sapagkat ako'y nangangako, kailanman, sumpa man...





Thursday, August 9, 2012

Balik blogspot dot com

Balik muna sa blog spot dot com ang inyong lingkod. Nag expire na pala ang aking isang taong domain. Pero siguro kukunin ko ulit to sa mga susunod na araw o mga lingo o buwan.

Depende sa budget. Di ko rin naman masyadong nagagawang maging active ang notbuk ni lhan. Tuloy pa rin ang aking blog pero dot blogspot na lang muna.

Salamat sa mga nagbabasa (kung meron) hahaha. Sa ngayon, pahinga muna si dot com.

Wednesday, August 8, 2012

Pinoy, Gumising na tayo!

Ang basurang itinapon mo, babalik sa iyo. Kasabihang tunay na tama. Sa panahon ng tag-ulan, may bagyo man o wala ay iisang mukha lang ang ating makikita.

"Baha" hindi lang sa iisang lugar, o metro manila kundi buond NCR ay binaha. Nagsimula sa gutter level patungong knee level hanggang umabot ng lagpas tao at worst is pati second floor ng bahay ay inaabot na.

Hindi na ba tayo matututo mga pilipino? Kahit anong gawing proyekto ng gobyerno sa pilipinas kung tayong mga mamamayan ay iresponsable pa rin, wala tayong patutunguhan.

Mag-aalarma ang gobyerno na magsilikas na pero ang mga tao aantayin pa na mabingit sa kamatayan bago humingi ng saklolo. 

Friday, June 8, 2012

Panatang Maka-alak

PANATANG MAKAALAK

INIIBIG KO ANG ALAK


ITO ANG INUMIN NG AKING MGA KAIBIGAN AT KMAG-ANAK


ITO ANG UMAALIS NG AKING LUMBAY


AKO'Y KANYANG NILA2SING NGUNIT TINU2LUNGAN UPANG MGING


MALAKAS


MAANGAS


AT MATAAS ANG KARAKAS


BILANG GANTI DIRINGGIN KO LAGI


ANG ANYAYA NG AKING MGA KAINUMAN


SUSUNDIN KO AT PU2NTAHAN KUNG SAAN MY TAGAYAN


TUTUPARIN KO ANG TUNGKULIN N WALANG SUKAHAN


TATAPUSIN KO ANG INUMAN AT D UUWI


HABANG ANG BOTE'Y MYRON PANG LAMAN


ILA2GAY KO S AYOS ANG AKING KALASINGAN


SA ISIP


SA SALITA


AT SA PULUTAN

Thursday, May 31, 2012

Pagpapatawad

Alam kong nagkamali ako
Nasaktan ko ang wagas na puso mo
Gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako
Sabihin mo, paano makakabawi sa hirap na mga dinaranas mo?


Isang beses na nagawa, malaki ang naging aral
Gulo at kasiraang dumagsa sa atin araw-araw
Ipinangako sa sariling huli na at ayaw na sa bawal
Maniwala ka naman, Ito ang aking sigaw...

Saturday, May 12, 2012

Happy Mother's Day to all!

This year 2012, I would like to greet all the mother's out there who were the best mom for their children all around the world.

Also I would like to greet my wife (May Factor Matias) a Happy Mother's Day for the first time. Our daughter "Bela" and me Loves you so much!

We hope for your good health always! =)


This is for you;
M - is for the million things she gave me,
O - means only that she's growing old,
T - is for the tears she shed to save me,
H - is for her heart of purest gold;
E - is for her eyes, with love-light shining,
R - means right, and right she'll always be,

A word that means the world to me.
 
Happy Mothers Day to all mothers out there!
 

Tuesday, April 17, 2012

Sampung Utos ng mga babaero

Napakaraming babaero sa mundo, oppps, tinamaan ka ba? Uso na yan ngayong panahong ito. Sabagay, ngayon lahat na ata ng mga kalalakihan ay naa-atrak pa sa ibang mga kababaihan kahit na may pananagutan na. 

Nasa mga babae naman kasi rin yan, tila ba nang-aakit sa paraan ng pagbibihis, pagsasalita at pagkilos. Mararamdaman naman ng mga lalaki kung ano at sino ang mga babaeng ganito.

Pero nasa mga lalaki na yun kung magpapa-akit. Sa mga babae naman, kulang na ba ang mga kalalakihan at kahit may pananagutan na eh gusto nyo pang akitin? Ilang na ba ang ratio ng mga babae sa lalaki ngayon?

Kung ang isang lalaki ay nageenjoy ng paulit ulit sa ganito, yun ang tinatawag na BABAERO talaga, pero kung nagkamali at nagsisi at di na umulit, sa aking palagay ay hindi yun matatawag na babaero. Nagkamali lang ng isang beses at pinagsisihan na.


Sa mga BABAERO talaga, narito at may nabasa akong Sampung Utos nila.

Wednesday, April 11, 2012

Sakripisyo Ng Magulang

Di makatulog at puro hinuha ang nababatid
Isang iyak at lahat gumagalaw kahit na patagalid
May problema ka ba dito sa mumunti nating silid?
May maligno ka bang nakikita? Nais naming mabatid.
 
Ilang araw ng ganyan, gusto ko ng lumapit saan mang kagawaran
Hihingi ng tulong at kung wala ay magbabasa nalang sa silid-aralan
Kahit ano, kahit kanino malaman lang ang kasagutan
Sa ganitong buhay, sakripisyo pala talaga ang tunay na kailangan

Tuesday, March 27, 2012

Si Lalake at si Babae

May iba't ibang pag-uugali ng mga lalaki at babae ayon sa kanilang pagkakaiba. Iba talaga ang lalake sa babae.

May mga bagay na ginagawa tayong mga lalake na iba ang ibig sabihin kapag babae naman ang gumawa. Mayroon din naman pareho lang. Agree ka ba dun?

Kung hindi, sige basahin mo muna ang nasa ibaba at sabihin mo kung tama o mali.

Saturday, March 24, 2012

Bluetooth at Wi-Fi

Ang lalake ay parang Bluetooth;


konektado sya sayo kapag malapit ka lang pero naghahanap ng iba kapag malayo ka.

Monday, March 19, 2012

Ilang mga bagay tungkol sa aming mga lalake

Puro babae, ngayon tayo naman ang highlights mga tol. Naikwento ko na kasi ang iba't ibang klase ng mga babae pati na rin ang mga gusto ng mga babae, kaya naisip ko tayo naman ang bida.

Syempre, maraming alam sa atin ang mga babae. Kahit di natin sabihin, alam ng mga yan ang kilatis natin. Pero syempre hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho. May mga pagkakatulad, may pagkaka-iba at meron din yung iba lang talaga ang ganito. 

Kaya heto, naglista ko ng iilan sa ating mga guys. Ewan ko kung totoo yung iba. Bahala na kayong humusga, may pangit at meron din namang magagandang pag-uugali.

O sya sya basahin na lang natin;

Dalawa Lang

Boy: Dalawa! 
 
 
Girl: Ano?!
 
 
Boy: Dalawa lang ang pwedeng mangyari sa atin!
 
 
Girl: Ano nga?!
 
 
Boy: Either magmurahan tayo!


Girl: Oh ano?


Boy: Oh magMAHALAN tayo! So anoh? San ka? =)




Murahin mo na yan! hahaha...

Friday, March 16, 2012

Iba't ibang klase ng babae

Napakaraming babae sa mundo. Mas marami na nga sila kesa sa ating mga kalalakihan ngayon eh. Pero syempre, di sila pare pareho.

Ang pag-uugali ng mga babae ay iba't iba depende sa sitwasyon ng pangyayari. Sa isang tingin akala mo ganito sya, pero ganun pala sya. hirap diba?

Mahirap manghula, mahirap hulihin ang ang tunay na pagkatao ng mga babae. Moody din kasi. Sasakit lang ulo nating mga kalalakihan.

Kaya heto naglista ako ng ilan sa mga klase ng babae. Ewan ko kung ganito rin ang pagkaka-intindi mo sa kanila.


Thursday, March 15, 2012

I.D.

Boy: Sana I.D na lang kita.



Girl:  At bakit naman?



Boy: Para kahit mawala ka...



Girl: Ano?



Boy: Alam nilang sa akin ka... 




Naks! Mga banat!

Tuesday, March 13, 2012

Ang mga gusto ng mga babae

Mga lalaki, oh alam nyo ba talaga ang gusto ng mga babae? Banat lang kasi tayo ng banat minsan kaya kung ano lang maisipan eh yun lang yung ginagawa natin. 

Minsan kelangan mag-isip kung ano ba talaga ang mga gusto ng mga babae. Alam mo naman sila, moody. Madaling mag-iba ng isip kaya dapat huli mo ang kiliti.

Simpleng kilos pero gustong gusto ng mga kababihan. Di man nila sabihin oh ipakita na masaya sila, mararamdaman mo naman pati sa kils nila.

So kung lagi kang broken hearted, malamang kulang ka lang sa diskarte oh lambing sa mga babae. Try mo to, baka sakaling swertihin ka naman.


Gusto ng mga babae na...

Monday, March 12, 2012

Wag kasi sagot ng sagot!

Naranasan mo na bang mag CR sa isang mall or kahit saang lugar? Syempre inabutan ka ng tawag ng kalikasan. Ano pang magagawa mo kundi ang sundin ito.
Natawa ako sa kwentong ito sa CR. Maraming taong sadyang palasagot lang. Kaya lang minsan hindi naman sila ang kausap! Hahaha. 
Basahin na lang natin ang kahiya hiyang ito;

Saturday, March 10, 2012

Nang Mapikon Si Lalake

Kadalasan sino ba ang nakikipaghiwalay sa isang relasyon? Dati ang mga babae, halos makipagsuntukan na sa galit ang lalaki once hiniwalayan ng babae. Pero sa panahon ngayon iba na. Lalaki na ang kadalasang nakikipaghiwalay. Pag nakipaghiwalay ang babae eh mismong si lalake pa ang natutuwa. 

I'm free daw sigawa nila. Magpapainom pa yan! Tapos pag si lalake naman ang nakipaghiwalay, malamang sa malamang may bagong babae yan.

Sa mga babae, nakakainis ang mga ganitong lalake diba? Pero hindi lahat ng lalaki ay ganyan. Minsan may sariling dahilan din sila. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan babae ang makipaghiwalay. May mga sariling dahilan din ang mga lalake pero kung para magpalit lang ng GF ang dahilan eh ibang usapan yun.

May maikling conversation akong nabasa rito. Natawa ko kasi ganung kababaw ang dahilan ni lalaki at nakipaghiwalay na agad. Kung anu yun?


 
Basahin mo na lang ang nasa ibaba;

Bobo

Juan: Masasabi mo bang bobo ako?



Maria: Baket naman?



Juan:  Eh ikaw lang kasi ang laman ng utak ko eh



Ay walang laman. hehehehe

Wednesday, March 7, 2012

Mga Natutunan

Matatapos na naman ang pasukan, graduation na naman ngayong marso at abril at lahat ng mga estudyanteng gagraduate ay eksayted na pwera sa mga hindi gagraduate. Sana gagraduate ka.

Naalala mo pa ba noong nag-aaral ka? High School days? Nakakamiss noh? Naalala ko tuloy yung mga natutunan ko ng mga panahong iyon.

Karamihan puro kalokohan, high school eh. Curious tayong mga kabataan sa panahong ito. Lahat gagawin para maging in sa mga kaklase. Kahit alam na mali oh bawal, susubukan pa rin.

Ano ano ang mga natutunan mo noong high school days? Eto, baka natutunan mo rin sila.

Sunday, March 4, 2012

Mga kaibigang dapat mong iwasan

Marami ka bang kaibigan? Matagal mo na ba silang kaibigan? May mga kaibigan na sadyang kaibigan talaga hanggang katapusan. Yung ipagtatanggol ka hanggang sa huli. Pero kung mali ka naman ay sya mismo ang tatapik at magpapa-alam sayo na mali ka.

Yun ang tunay na kaibigan. Pero sa atin dito sa mundo, mas marami ang hindi tunay na kaibigan. Sila yung mga nandyan lang para masabi lang na kaibigan, para maipakita lang sa tao na may kaibigan sila. 

Sino nga ba ang taong ayaw magkaroon ng kaibigan diba? Mabilis lang makipagkaibigan, simpleng hi lang ayos na, makasama mo lang ng buong araw at makakwentuhan malamang sa malamang kaibigan na agad.

Pero iba ang tunay na kaibigan. Pag nakakita ka nun, ingatan mo na parang isang mamahaling bagay. Pag nasira kasi mahirap ng makakitang muli.

Narito sa baba ang iba't ibang klaseng mga kaibigan na dapat mong iwasan agad, (nabasa ko lang din to at share sa inyo)at sana wala sa mga ito ang mga kaibigan mo. Imposible naman yun diba? Pero ang gawin na lang natin ay mag-ingat sa kanila.

Thursday, March 1, 2012

Futbol, Isa na namang sport na kakahiligan ko

Pers taym kong nakapanuod kagabi ang laban ng sikat na futbol team ng pinas na Azkals. Kalaban ang Malaysian Tigers na dumayo pa sa ating bansa para sa isang friendly game.

May isang mabuting loob na kaibigan ang nanlibre sa akin para makapanuod, at kahit hindi pa ganun katindi ang suporta ko sa kanila ay naengganyo pa rin akong manuod.

Pagpasok mo pa lang sa loob ay rinig na rinig mo na ang hiyawan ng mga tao, at pagpasok mo ay masisilaw ka sa tindi ng liwanag ng mga ilaw.

Wednesday, February 29, 2012

Toothpick

Juan: Ano ba naman tong tutpik nyo! Iisa na nga lang andali pa mabali.


Waiter: (asar) Alam nyo Sir, ang dami ng gumamit nyan pero kayo lang nakabali!


toinks!

Saturday, February 25, 2012

Ang tunay na lalake

May nabasa kong isang sulat na naglalaman ng tunay daw na pagka-lalake. Yung iba di ako agree eh, pero yung iba tama naman. Lalake ka diba?

Sige nga, tignan natin kung aagree ka sa mga ito.


Sabi nila  ang tunay na lalake daw ay...


-ang tunay na lalake ay hindi natutulog. (ewan ko dito. baka adik na lalake to) hahaha.

- ang tunay na lalake ay hindi nagte-text back, maliban na lang kung pasahan ng load. Gayun pa man, palaging malabo pa rin magreply. (nagrereply ako ehheeh)

- ang tunay na lalake ay hindi nagbabaso pag umiinom ng beer. Hindi rin ito nag e-excuse me kapag dumidighay.(parang tama, depende sa mga kaharap mo)

- ang tunay na lalake ay may tyan. (natural may tyan, pero yung bundat na tyan.)

Sa Wakas!

Umaga ng huwebes ng magising ako ng maaga para sa aming swimming lesson and praktis. Sabi ko bago ako umalis, "Bela" labas ka na mea pagdating ni daddy ha?". Sabay halik sa tyan ni Mhay.

So umalis ako at nagswimming hanggang alas dose ng tanghaling tapat. 500m breast stroke, 350m crawl (free style) at 100m modified breast stroke. Kapagod di ba?! 

At yun, paguwi ko, halos humilata na ko sa sobrang pagod. Parang ngalay na ngalay ako. Pero napansin ko si Mhay na hindi na makangiti sa sobrang sakit na nararamdaman.

Tinanong ko, "manganganak ka na ba?"

"Kanina pa sumasakit ang tyan ko, every 5 mins na ang contractions ko" ang sabi ni Mhay. Hindi pa kami nagmadali ng panahong iyon dahil baka mauwi na naman sa false alarm ang pangyayari.

Nagpahinga kami at natulog muna pansumadali. Ngunit pagising ko ay tila parehas pa rin ang tema ng aking nakikita. Hirap na hirap pa rin si Mhay at tila manganganak na sya.

Monday, February 20, 2012

False Alarm

Ang aga ko pa naman natulog kagabi, wala para kasing pagod din ako kahapon buong araw kahit walang ginawa sa opisina.

So natulog ako ng mga 10pm lang ata, ang natural ko kasing tulog eh mga 11 or 11:30 na ng gabi. Kaya maaga pa sakin yung 10. Hahaha.

Pinatay ko na ang ilaw at humiga na sa kama.

Lumipas ang ilang oras ng biglang may kumalabit sa akin. "Mahmine, mahmine, nagspotting ako". Panggigising sa akin ng asawa kong si Mhay.

Dahan dahan kong idinilat ang aking mata at unang sinilip ang oras. Akala ko ginigising lang niya ko para pumasok pero naiisip ko agad na kapapasok ko lang ng pang-umaga kaya't ang sunod na pasok ko ay pang-gabi naman.

Dali ko syang nilingon at tinanong kung anong nararamdaman nya. "Humihilab ba? Masakit? Maraming dugo?"

Wednesday, February 15, 2012

Ang Pagdating

Hindi ito kanta, Isang Linggo na ang ibig kong sabihin ay malapit ko na syang makita. Malapit na kitang mahawakan.


Naeexcite nako sayo. Oo nga't ang iyong pagdating ay isang malaking responsibilidad. Ngunit alam ko na isang buka lamang ng iyong bibig ay pawi na ang lahat.


Pagod, puyat ang nalalapit ko ng maranasan. Sabi nga nila ay magpataba na ako hanggat wala ka pa. Dahil sa pagdating mo, lahat ng taba ko ay magagamit ko na. 


Dumating ka na, naeexcite na ako talaga. Pangakong sayong pagdating, lahat ng pagmamahal ko ay iyong makakamtan.


Iiwan ko na ang iba at sayo na magpapakasawa. Sa pagbitbit ko sayo, nawa'y ikaw ay matuwa. At sa oras na dumarating lahat kami'y naiinip na. 


Si lolo at lola, si mommy at ako ay naghihintay na.


Lalabas na ang aking supling,


Isigaw sa buong mundo, darating na ang baby kong si Yssabela.

Thursday, February 2, 2012

Ang buwan ng mga Puso

Pebrero na naman at simula na naman ang buwan ng pag-ibig. Meron na ba kayong ka-Valentine's date? Oh isa ka sa malalamig na nga ang pasko, pati valentine's day malamig pa rin?

Kung ako ang tatanungin, hindi valentie's day ang inaantay ko. Mayroon lang kasing isang biyaya kaming matatanggap ang aking kabiyak ngayon buwan ng pebrero. Posibleng lumagpas pa nitong buwan pero I'm sure malapit na malapit na yun.

Sa mga lalaking balak na umabot sa Valentine's day ang kanilang pag-ibig, umpisahan nyo nang dumiskarte at baka kayo ay maunahan pa. Di na uso ang torpe ngayong panahong ito. Di tulad ng panahon namin.

Magkatitigan lang eh nagkakagustuhan na at alam na ang nais iparating sa bawat isa. Haytek naman na yung iba, kasi sa text lang nagigiging sila na. Send lang ng love kowts ayos na. Di na kailangang gumastos pa ng malaki. Isang buong araw na unli lang sapat na.

Tuesday, January 31, 2012

Iba't ibang uri ng manginginom

Oh, nakarelate ka na naman ba? Sa sampung tao, iilan kaya dito ang hindi marunong uminom? siguro tingin ko mga 1 o 2 lang at halos yung walo eh tomador oh kung hindi man eh marunong pa ring uminom.

Ganyan na nga siguro ang kultura ng mga pinoy. Pag walang magawa, kung hindi gumawa ng bata oh magsugal eh maginom ang paboritong palipas oras.

Grabe. Kelan ba ko natutong uminom?

I remember yung first time kong tumikim ng alak. It was back high school days. Tandang tanda ko ang unang tikim at ang unang lasa ng alak na dumapi sa aking lalamunan. 

Wednesday, January 25, 2012

Mga Uri Ng Tao Sa Jeep

Kanina sumakay ako ng jeep pauwi at dahil sa sobrang traffic ay isa isa kong natitigan ang mga pasaherong aking nakasakay. Iba ibang tao, iba't ibang asal habang nasa loob ng pampasaherong jeep. Natawa tuloy ako kasi sa dame ng beses na nakasakay na ko sa jeep eh ngayon ko lang napagtatanto ang bawat isa.

Narito sa ibaba ang mga klase oh uri ng mga tao habang nasa jeep.


Kitikitext - Sila yung mga taong walang humpay sa kapipindot. Kung bawat pindot lang sana eh yun yung andar ng jeep eh di sana nandun na agad kami sa paroroonan. Kite kite magtext, ni hindi nga ata namamatay ang ilaw ng cellphone dahil sa bilis magtext at bilis din magreply ng katext. Ewan ko na lang kung anong pinaguusapan nila. Siguro importante.

Tuesday, January 24, 2012

Posporo

Boy: Posporo ka po ba?




Girl: Bakit po?




Boy: Kasi ako posporo din.



Girl: Ano?




Boy: Posporo ka, posporo ako...




Boy: Eh di match tayo!




Boinks!!!

Wednesday, January 18, 2012

Finally, Ang Ngalan Ni Baby Ay...

Noong Agosto nagpost na ko dito sa aking blog at nanghihingi ako ng kahit anong suggestion para sa ngalan aking magiging baby. Hindi ko pa alam noong panahon na iyon ang gender nya kaya dalawang name ang gusto ko sana muna.

Isa para sa girl at isa rin para sa boy. Maraming mga kaibigan ang tumugon. May ilang cute at may ilang din namang medyo kakaiba. Gusto sana namin na mhay ay yung pinaghalong name sana. Rholand para sa name ko at ang napakahabang "May" naman sa kanya. Hirap noh? Hahaha.

Si Xander nag suggest ng mga sumusunod:

Eto ang para sa Boy na may kaukulang paliwanag pa;

1. Adriel - meaning Flock of God or Belonging to God. Pwede actually pang girl din sya..

2. Eli - meaning sa Bible Ascending, going up or on high. Pwede mo rin gawing dalawa Eli Alexander.. hahahhaa may name ko talaga..

At heto naman para sa Girl;

1. Jochebed - glorious, honorable

2. Myrtle - its a tree always mentioned sa Bible. Pwede rin dalawang name at gawin Myrtle Ann or Myrtle Rose.. hehe

Tuesday, January 17, 2012

Maligayang Kaarawan Janet!



ano bang gayuma ang iyong tangan
at tila lahat kami'y nag-uunahan
abutin man kami ng ilang buwan
aantayin ka namin, hanggang sa ika'y matauhan

dalaga na si janet, pwede na iyan
sambit ni obet na ika'y pinagpapantasyahan
pabiro ni neus kelan ka matitikman
baka sakaling magbago at lalaki na gustong mong matikman

ito namang si baboy salonga matinik din yan
di lang sa pagsasalita, may pahaplos haplos pa yan
isama mo na si caste, simpleng tahimik lang naman
nasa loob ang kulo, nag-iinit na rin yan

ewan ko ba bakit ikaw ang aming pinagdididiskitahan
kahit pa babae ang hanap, talo talo pa rin yan
ika nga ni mhay, pati si matti ay nagkakaganyan
kapag nangyari yun, kapalit ko raw ang iyong dutchian

ngunit ngayong taon, ibahin muna natin ang usapan
bertdey mo pala, maligayang kaarawan!
blow out naman samin kahit konti lang naman
wag na yang si anna, kawawa naman, puputok na ang tyan

oh sya sya janet hanggang dito na lang
si anna nakasimangot na, humihilab na ang tyan
huling pagbait sa aming malupit na kaibigan
maligayang kaarawan! bati sayo ng iyong mga nahuhumaling na mga kalalakihan!


para kay janet lynn ambrosio
©matti boy


ang nasa itaas na tula ay para sa aming kaibigang si Janet na aming hinihintay na magpakababae na. hehehe. kelan kaya? Tagal kasi eh, itong si anna ang humahadlang! Hahaha.. ^^ Happy B-Day Janet!

si janet yung nasa gitna ^^

Sunday, January 15, 2012

Google

Boy: Google ka po ba?




Girl: Bakit po?




Boy: Lahat kasi ng hinahanap ko..



Girl: Ano?




Boy: Sayo ko natagpuan... ^^
 


Putek!!

Wednesday, January 11, 2012

Pinoy Islogans

Dahil mainit na pinaguusapan ngayon ang slogan na "It's more fun in the Philippines", narito medyo nakakatawa ng konti na pwedeng maging slogan daw ng iilang mga lugar dito sa Pilipinas.

Kung may alam ka pa, ayos pwede nating idagdag! Hahaha.

It's more fun in the Philippines!! Philippine Domestic Tourism Slogans ~ lol.










 - Boracay, You Sexy Beach!
- Haller, Baler!
- Bohol: Go To Hill!
- Be Cool, Bicol!
- Thank you, Camiguin!
- Maliit Navotas, Lumalaki!
- We Fly High In Capiz!
- Go Gaga In Naga!
- Kaibigan, Punta Na Sa Vigan!
- Virac, You Rock!
- Kamuning Get Me!
- Better Leyte Than Never!
- Whee! Tawi-Tawi!
- Walang Aayaw Sa Apayao!
- Maraming Gig Sa Taguig!
- Bongga Ka Day, Sa Norzagaray!
- I wanna dance with Zambales, I wanna feel the heat with Zambales!



Ano meron ka pa bang tinatago pa dyan?



At may dinagdag pa si MJ ng HeavenknowsMJ..

--Be cool, BICOL! 
--Go Gaga in NAGA! 
--Kaibigan punta na sa VIGAN! 
--Better LEYTE than never!

Sunday, January 8, 2012

Straw

Juan: Pre, Straw ka ba?




Pedro: Bakit? kasi sipsip ako?




Juan: Hindi.



Pedro: Eh ano?




Juan: Kasi bukod sa sipsip ka na..Plastik ka pa!!!



Wahahahaha! Plastik!

Wednesday, January 4, 2012

Jowk Taym: Date

Petra: Alam mo, DINEYT ako ng BF ko kagabi sa 1 malaking RESTORAN, daming choices!




Maria: Oh talaga? wow naman! Kakainggit ka girl!




Petra: Talaga! Mahal na Mahal nya ata ako at ang galante pa!



 



 Maria: Sweet! Eh saan ka nga pala nya dinala? Anong restaurant?


 



Petra: FOOD COURT daw!





Busettttt!!!

Sunday, January 1, 2012

Taken

Boy: May Boyfriend ka na ba?




Girl: Asawa meron na.




Boy: Ok lang, Di bale nang Taken ka.




Girl: Bakit?








Boy: Aalisin ko lang yung "T", magiging "Aken" ka na!








Desperado? Hahaha

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review