Wednesday, January 18, 2012

Finally, Ang Ngalan Ni Baby Ay...

Noong Agosto nagpost na ko dito sa aking blog at nanghihingi ako ng kahit anong suggestion para sa ngalan aking magiging baby. Hindi ko pa alam noong panahon na iyon ang gender nya kaya dalawang name ang gusto ko sana muna.

Isa para sa girl at isa rin para sa boy. Maraming mga kaibigan ang tumugon. May ilang cute at may ilang din namang medyo kakaiba. Gusto sana namin na mhay ay yung pinaghalong name sana. Rholand para sa name ko at ang napakahabang "May" naman sa kanya. Hirap noh? Hahaha.

Si Xander nag suggest ng mga sumusunod:

Eto ang para sa Boy na may kaukulang paliwanag pa;

1. Adriel - meaning Flock of God or Belonging to God. Pwede actually pang girl din sya..

2. Eli - meaning sa Bible Ascending, going up or on high. Pwede mo rin gawing dalawa Eli Alexander.. hahahhaa may name ko talaga..

At heto naman para sa Girl;

1. Jochebed - glorious, honorable

2. Myrtle - its a tree always mentioned sa Bible. Pwede rin dalawang name at gawin Myrtle Ann or Myrtle Rose.. hehe


Oh diba? Bible names ang trip ni Master Pogi. Salamat sa suggestion parekoy.

Kay Mommy Razz naman eto ang suggest, "for boy Rae John, for girl Maia Abrianna".  

Hay naku, etong si Tolits inlab maxado sa name nya. Biruin mo, "pag lalaki, anciro" daw. Hahaha.  

Si Issa, eto naman ang sagot, 

"Hello, Lhan. Pag panganay, kadalasan sunod sa tatay o kombinasyon ng pangalan ng tatay at nanay.

Kung gusto mo ng kakaiba..anagram ng name mo at ni wifey.hehehe.. Mine was Carissa fr. my father's name (Ri-CAR-do) & my mom's (Su-SAn)" 

At may hirit pang, "Interesado rin ako sa sagot mo kay Xander.. may premyo ba?". Hahaha pasensya na po, ipon para sa panganganak kaya wala muna ^^.

Si Psychables naman, "pag lalaki Uriel Martin, pag girl, Kearra Mae". Hmmmm parang maganda yung Kearra Mae ^^

Si Empi naman ewan ko kung nagtitrip lang. Hahahha. "Maria Rholanda! :D" naman daw?!

At Si Hanah, eto naman; "Rhoda May! ;)"

Wew ang dame nun ha, pero nagpapasalamat po ako sa lahat ng nakisuporta kahit walang papremyo. 
Nahirapan kami maxado ni Mhay, gusto namin noong una letter "R" or letter "M" magsisimula sana. Tapos gusto pa namin pinaghalong name namin. Perp ang iiksi naman ng name namin at ang hirap pagsamahin. 

Humingi pa nga kami ng tulong sa ibang kasamahan naming ang gaganda ng name ng mga anak eh. Ayun, di rin namin sinunod. Hahaha. Kulang na lang sabunutan kaming dalawa. Hahaha.

"Sophia, yung sana ang gusto ni Mhay. Gusto ko din naman dahil sa sumikat na teleserye na "100 days to heaven" di ba? kilala mo si Sophia?

Ayun, di rin natuloy, kasi nanganak yung isang kasamahan ko at "Sophia" rin ang pinangalan. Hahaha. Sablay! Sayang.

Ngayon, nalalapit na ang panganganak ni Mhay. Magkahalong heksayted at kinakabahan na kaming dalawa. Higit isang buwan na lang at lalabas ni baby! 

At dahil jan, may napagkasunduan na kaming pangalan ni baby. Nga pala, baby girl ang aming baby. 

At dahil lagpas isang buwan na lang, finally, napagkasunduan na rin ang name ni baby. 

At ang kanyang pangalan ay...


"Yssabela Marie"


Maganda ba? Sakin syempre oo. At san galing ang name na yan? Panatiko kasi ko ng movie na "Twilight". At yun ang naging dahilan. Medyo iniba lang namin ang spelling ng "Isabela" buhat sa orihinal nitong spelling.


Muli, heksayted na kami!

Baby "Bela" Warm Welcome from Mommy and Daddy and from the Whole World!





11 Nakiusyoso sa usapan:

~ JaY RuLEZ ~ said...

kapangalan ng pamangkin ko,same spelling at bela din ang nickname hehehe

quin said...

wow!! finally sa daming blogger uve asked nabuo na rin ang name ni baby! congrats!!! sayang nahuli ako pero agree ako don kay issa yong combination ng name ni daddy and mommy malas lang naman kung ang name ni mommy conchita at si daddy eh domingo maging condom si baby!! wag nalang yon! LELS!! congrats to the new baby sa mundo!!

Leah. said...

Yay! Maligayang pagdating, Bella! :D Be a good girl to mom and dad ha. :)

PSYCHABLES said...

ahehe nice name... congrats to your baby! :D
Welcome to the world Baby Yssa!

♥superjaid♥ said...

cute naman ng napili nyong name =D yssabela marie.

Kol Me Empi said...

infairness, maganda ang name ng baby niyo.

f e R r y j H o i said...

haha :) sa dami non abay Bela pala ang name nya..
haha good choice Lhan!! fan din ako ng twilight eh :)

>> my prayers for Cess' health delivery.. aja!!

mommy-razz said...

ngayon ko lang ito nabasa, "Yssabela Marie" nice name!

Issa said...

Congrats, Lhan! :) At ang lapit pa sa gusto kong ipangalan sa magiging first female baby ko: Yssa.

Anyway, enjoy being 'tatay' finally!

jhengpot said...

bakit di ako nakapag-suggest??? ktampo naman! tsk! maganda sanang pangalan mary jane. hahaha lol

rainbow box said...

gusto ko yung maia abrianna ni mommy razz! congratulations to ate mhay at kuya lhan! yihee!!!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review