Tuesday, January 31, 2012

Iba't ibang uri ng manginginom

Oh, nakarelate ka na naman ba? Sa sampung tao, iilan kaya dito ang hindi marunong uminom? siguro tingin ko mga 1 o 2 lang at halos yung walo eh tomador oh kung hindi man eh marunong pa ring uminom.

Ganyan na nga siguro ang kultura ng mga pinoy. Pag walang magawa, kung hindi gumawa ng bata oh magsugal eh maginom ang paboritong palipas oras.

Grabe. Kelan ba ko natutong uminom?

I remember yung first time kong tumikim ng alak. It was back high school days. Tandang tanda ko ang unang tikim at ang unang lasa ng alak na dumapi sa aking lalamunan. 


Ang walang kamatayang "GIN". 

Ewan ko, siguro dahil na rin sa impluwensya ng mga kaklase. Napunta ba naman ako sa mababang seksyon eh. At yun ay dahil sa walang kakwenta kwentang policy ng eskwelahan na "first come first serve" daw! Ibig sabihin kahit mataas ang grado mo basta nahuli ka magpa-enrol eh dun ka sa lower section.Hay naku!

So mabalik tayo sa kwentong inuman. Sarap uminom diba? Lalo na kapag di sa bahay mo. Walang kalat, libre inom at higit sa lahat di mo kelangang magligpit pagkatapos ng inuman. Ang pag-uwi na lang ang problema.

So, ayun. Napangiti ka noh? Naalala mo ang mga kainuman mo. Yung iba't ibang klase ng kainuman na namiss mo. Yung iba ayos naman pero yung iba nakakatawang maalala. At dahil dyan, eto at ibabalik ko sila.

Sana may maalala ka sa kanila.


The Manager - sila yung palaging nag-aaya. Ibig sabihin pag ikaw ang nag-aya, ikaw ang TAYA! Hahaha. Uso pa ba to? Mayaman!


Play Maker - tanggero daw sa inuman, pinagmamasdan ang bawat kilos ng isa't isa. 

Hiker - Dalawang uri yan eh, una ay yung Active. Sila yung palipat lipat ng upuan para makarami ng tagay. At yung isa ay yung Passive. Sila naman yung palipat lipat din ng upuan para makaiwas sa tagay.

The Denial - Sila yung nagpapanggap na kaya pa kahit lasing na. Naku ilang beses ko na to nakita. Minsan ganito din ako eh. Kadalasang ganito ka kapag may problema.

Kid Senti - Minsan nakakainis. Minsan pakikinggan mo na lang. Marami kasing naaalala ang mga lasenggerong ganito.

The Flash - Eat, Drink and Run! Mapapansin mo na lang, wala na! Parang bulang naglalaho lalo na sa bayaran.

Kung Fu - Kung Fumulutan malupit! Tirador ng pulutan tong mga to at ginagawang picnic ang inuman.

Sleeping Beauty - Ang bilis makatulog sa inuman. Kaya hayun at palaging napagtritripan. Sila ang pinaka kawawa.

The Chosen One - Napakasipag, official runner ng tindahan. Taga bili ng yelo, yosi at alak. Taga linis pa ng kalat. hehehe. Minsan nagdadalawang isip din ako sa mga to. Bumibili ba sila ng alak dahil gusto nila oh para lang makaiwas sa ambagan? Syempre, runner, pagod na nga ambag pa? Palusot nila. Hehehe.

The Incredible Hulk - Delikado malasing. Bigla bigla na lang naghahamon ng away eh. Akala ata may anting anting na sila pag nakainom na. Nakakahiya naman patulan, pero pag napikon ka na buhusan mo ng mainit init na sabaw ng pulutan ewan ko kung hindi maging Winnie the Pooh yan! hahaha.

Dead Man Drinker - Ihuli mo na sa tagayan ang mga to. Sila kasi yung pinaka unang nalalasing. Mas maganda nga gabi na to dumating eh, para sakto lang. Sabay sabay kayo malalasing.

Sex Finder - Sila naman yung mga taong kapag nalasing eh ang gusto eh sex. Parang kahit aso eh papatulan na eh mawala lang yung init ng katawan. Pag may ganito sa tabi mo, ingat ingat ka na baka hatakin ka bigla sa dilim.

Joker - Eto ang masarap kasama. Yung hindi nauubusan ng kwento. Kumbaga, kahit konti ang pulutan eh hindi mo mamamalayan. Puro tawa eh. Puro laugh trip ang mangyayari.

Barber - Kwento ng kwento, minsan paulit ulit na lalo na pag may amats na. Wala namang sense ang mga pinagsasabi. May patapik tapik pa. Nakakirita lang makatabi. hahaha.

Videoke King/Queen - Puro naman kanta ang ginagawa. Walang pakiaalam sa iba basta siya kakanta lang. Minsan kahit hindi na nga tumagay makakanta lang eh. Hahaha. Marami kong kilalang ganito ^^

The Originals - Wala ng iba. Always present ang taong ito. Di mawawala kahit saang inuman. Kungbaga di kumpleto pag di mo sya nakita na nandun din sya. Minsan companionship lang. Kahit di uminom basta kasama sya. 

Hay, ang dameng uri ng manginginom noh? Pero isa lang ang mahalaga sa mga to. 

Pag uminom ka, matuto kang ilagay ito sa tyan at hindi sa ulo. Maging responsable sa pag-inom ng hindi mapahamak. 

Inuman na!



3 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

videoke king/ joker / incredible hulk ako hahaha

Kol Me Empi said...

Iniisip ko kung saan ako nababagay dyan... Lol

♥superjaid♥ said...

isa ata ko dun sa the originals wahaha tsaka dun sa manager pero tagaayos lang di tagabayad hihihi =D

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review