Wednesday, January 25, 2012

Mga Uri Ng Tao Sa Jeep

Kanina sumakay ako ng jeep pauwi at dahil sa sobrang traffic ay isa isa kong natitigan ang mga pasaherong aking nakasakay. Iba ibang tao, iba't ibang asal habang nasa loob ng pampasaherong jeep. Natawa tuloy ako kasi sa dame ng beses na nakasakay na ko sa jeep eh ngayon ko lang napagtatanto ang bawat isa.

Narito sa ibaba ang mga klase oh uri ng mga tao habang nasa jeep.


Kitikitext - Sila yung mga taong walang humpay sa kapipindot. Kung bawat pindot lang sana eh yun yung andar ng jeep eh di sana nandun na agad kami sa paroroonan. Kite kite magtext, ni hindi nga ata namamatay ang ilaw ng cellphone dahil sa bilis magtext at bilis din magreply ng katext. Ewan ko na lang kung anong pinaguusapan nila. Siguro importante.


Sound Trip - Sila naman yung mga pasaherong may suot ng head set. Iaabot mo yung bayad at halos mangawit ka na sa "bayad ho!"  pero hindi pa rin inaabot dahil hindi nga marinig. Nakakinis diba? Kulang na lang kotongan mo para marinig nyang nagpapa-abot ka ng bayad. Hahaha.

Idlip Mode - Sila naman yung mga taong hindi sinasayang ang oras. Dahil siguro puyat ng nakaraang gabi ay mas minabuting umidlip na lang muna sa jeep kesa naman panoorin ang sobrang traffic. Ok naman sana ang mga taong ito pero minsan yung mga gegewang gewang ang ulo eh nakakainis na. Yung muntik muntikanan ka ng mauntog dahil sa pagikot ikot ng ulo.

Taga-abot - Eto naman yung taong naiinis na sa kakaabot ng mga bayad ng ibang pasahero. Pano naman kasi, sya ang nasa gitna at kakarampot na puet lang ang nakaupo kaya't sya talaga ang makakaabot ng bayad. Yung mga sakto kasi ang pagkakaupo eh di na makakagalaw at natatakpan na. Meron namang iba, ginagawa ang bagay na to dahil may pansariling dahilan. Yun ay para di sila pagkamalang HINDI NAGBAYAD. Tama ba?

Tsismisera - Sila nga yung mga taong pinakikinggan ng lahat ng taong nasa loob ng sasakyan. Kumbaga eh para silang mga news caster at ibinabalita ang mga tsismis sa isa't isa habang nakabroad cast lahat ng kasakay sa dyip. Buti na lang at hindi nila kilala ang pinaguusapan. Tsk tsk tsk.

PDA - Sila naman ang mga taong hindi nahihiya na ipakita ang kanilang pagmamahalan sa iba. Pero di naman yung sobra ha. Yakapan, akbayan, mahigpit na hawakan ng mga kamay at iba pa. Karamihan sa mga to halos mga kabataan at mga estudyante. Sa mata ng mga matatanda syempre malaswa. Pero sa mata ng mga kasing edad lamang nila, walang problema. Go! Hahaha.

Ang mga Sabit - Oh, kelangan ko pa bang ipaliwanag ang mga to? Kadalasan mga estudyante, mga takatak boys at kung sino sino pa. Sila rin yung mga taong kinapos sa pangbayad kaya minabuti na lang na sumabit sa jeep at suungin ng mas malapit ang disgrasya.


Oh, isa ka ba sa mga yan? Kung isa ka sa mga yan, alin ka dyan?






9 Nakiusyoso sa usapan:

khantotantra said...

hehehehe, kakabandtrip yung mga kitikitext. minsan kung makatingin akala mo nanakawin ang jurassic nokia 3310. hahahaha

Zhurutang said...

. . . ang lahat ng iyan ay makikita natin sa mga jeep na biyaheng divisoria-baclaran. lols

♥superjaid♥ said...

haha napansin talaga di na ko halos sumasakay ng jeep kasi masakit sa ulo pero applicable din to sa fx eh hahaha kaloka

~ JaY RuLEZ ~ said...

pasok ako sa taga abot haha,given na ta sken yan...

LhanLhan said...

@khanto - hahaha. oo nga. kala mo tats screen. hahaha lakas naman ng tunog ng keypad pag nagtetext. hahaha

@zhurutang - tOMO!

@Superjad - oo applicable din yan sa taxi!

@jay - hehe. buti di ka nangangawit ^^

f e R r y j H o i said...

haha :) nakakalerkey ito Lhanpots...

know why?? lahat ng category nakarelate akech!!!

>> wait!! pwera sa sabit ahh!! (hallerrr)

Angelo Wagan said...

haha.. kakatuwa naman, parang ako lang ung idlip mode!
http://angelowagan.blogspot.com

yahm18 said...

meron kulang, minsan may mga lasing pa at hilo

hahahah.. may unforgettable akong moment mahmine buti na lang tlga bumaba siya kagad at sa daan sumuka kung hindi suntok abot nia! hahahahah!

:))

Akoni said...

wala ako sa listahan, taga titig ng chicks na maganda. :)

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review