Thursday, February 2, 2012

Ang buwan ng mga Puso

Pebrero na naman at simula na naman ang buwan ng pag-ibig. Meron na ba kayong ka-Valentine's date? Oh isa ka sa malalamig na nga ang pasko, pati valentine's day malamig pa rin?

Kung ako ang tatanungin, hindi valentie's day ang inaantay ko. Mayroon lang kasing isang biyaya kaming matatanggap ang aking kabiyak ngayon buwan ng pebrero. Posibleng lumagpas pa nitong buwan pero I'm sure malapit na malapit na yun.

Sa mga lalaking balak na umabot sa Valentine's day ang kanilang pag-ibig, umpisahan nyo nang dumiskarte at baka kayo ay maunahan pa. Di na uso ang torpe ngayong panahong ito. Di tulad ng panahon namin.

Magkatitigan lang eh nagkakagustuhan na at alam na ang nais iparating sa bawat isa. Haytek naman na yung iba, kasi sa text lang nagigiging sila na. Send lang ng love kowts ayos na. Di na kailangang gumastos pa ng malaki. Isang buong araw na unli lang sapat na.


Meron pa rin namang ibang tao na mas gusto pa rin ang sinaunang pamamaraan. Nandyan yung pupunta sa bahay at ipaaalam sa mga magulang ang hangarin. Si Bossing nga ganun pa rin diba? Hahaha.

Pero ngayon, may isang panliligaw na tila di ko na nakikita. Yun yung nanghaharana ang mga lalaki at saka aakyat ng ligaw tuwing gabi. Sabi ko nga haytek na, aayain na alang sa video ang babae at doon na lang kakantahan.

Dati naalala ko, sinabihan ng babae kong klasmeyt yung kaibigan ko. "Ayoko sa lahat yung kakaibiganin ka para lang ligawan ka." Ayun tahimik ang kawawang klasmeyt ko. Di pa nakakapagtapat basted agad.

Pero atleast nalaman nya agad. Sayang nga lang sana kung mas nauna nyang nalaman eh di sana dineretsa na nya na liligawan nya ito. 

Daming mga kwento ng bawat isa pagdating sa Valentine's day na iyan. Meron masaya, kasi natupad ang mga kagustuhan nila. Meron din namang malungkot kasi araw ng mga puso pero bokya sila. 

Kaya ngayong panahon ng mga puso, sana lahat tayo ay maging masaya. Lahat ay may minamahal at nagmamahalan sila.

Payo lang,

Sa mga Married, magsindi daw ng kandilang pula para sa long lasting marriage.

Magsindi naman ng kandila violet para sa mga Complicated para mai-save ang rumurupok na pagsasama oh relasyon.

Sa mga In Relationship, magsindi naman ng puting kandila para naman maipagpatuloy ang magandang sinisimulang relasyon sa isa't isa. 

At ito ang pinakatandaan, para sa mga Single.



Sindi kayo ng...



Katol.



Para di kayo lamukin.



Hahaha. Biro lang po. Muli maligayang buwan ng mga puso. Sana ay maging masaya tayong lahat.

8 Nakiusyoso sa usapan:

palakanton said...

hi-tech n nga ngaun. thru fb, text pwede ng manligaw!
tsaka di na ata uso yun mtagalan ligaw pero siguro ilan na lang yun plipot kuno [hope walang tamaan]

LhanLhan said...

@palakanton - oo nga. super hi tech na ngayon ^^

jhengpot said...

magsisindi ako ng katol tapos lahat ng usok papuntahin ko sayo! LOL! Godbless sa inyong padating big blessing :)

Kol Me Empi said...

happy puso :D

♥superjaid♥ said...

nyahaha katol.

ako mas gusto pa rin yung old style. sana maranasan ko yun. hihihi

Anastacio Katigbak said...

haha..natawa ako sa katol!

ako070707 said...

hahaa..

nagsindi ako ng katol nung katorse.

lolz

belated happy balentayms.

yahm18 said...

meron tlga naiin-love sa text text dku alam bakit napakababaw nman nun text lng nainlove na khit pamilyadong tao! mga walang isip ung mga un. tsk! tsk!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review