Saturday, February 25, 2012

Ang tunay na lalake

May nabasa kong isang sulat na naglalaman ng tunay daw na pagka-lalake. Yung iba di ako agree eh, pero yung iba tama naman. Lalake ka diba?

Sige nga, tignan natin kung aagree ka sa mga ito.


Sabi nila  ang tunay na lalake daw ay...


-ang tunay na lalake ay hindi natutulog. (ewan ko dito. baka adik na lalake to) hahaha.

- ang tunay na lalake ay hindi nagte-text back, maliban na lang kung pasahan ng load. Gayun pa man, palaging malabo pa rin magreply. (nagrereply ako ehheeh)

- ang tunay na lalake ay hindi nagbabaso pag umiinom ng beer. Hindi rin ito nag e-excuse me kapag dumidighay.(parang tama, depende sa mga kaharap mo)

- ang tunay na lalake ay may tyan. (natural may tyan, pero yung bundat na tyan.)

- ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw. (agree ba kayo dito?) parang ako hindi. hehehe.

- ang tunay na lalaki ay hindi umaamin ng pagkakamali. (ewan ko lang)

- ang tunay na lalake ay hindi naghuhugas ng pinagkainan. (parang di rin ako naniniwala dito, tagahugas kasi ako sa bahay. hahaha)

- ang tunay na lalake ay hindi gumagamit ng tissue, powder, cologne at hand sanitizer. (pag lalaking gumamit ng mga yan, ibig sabihin minsan balidoso, hindi sa hindi lalake agad)

- ang tunay na lalake ay hindi vegetarian - (di ako vegetarian eh, minsan may pork din)

-  ang tunay na lalake ay hindi nagliligpit ng kama o kwarto dahil may babaeng gagawa nito para sa kanya. Mas tunay na lalake kung hindi nito naaalala ang pangalan ng babae. (uy, ako ang nagliligpit ng pinaghigaan ko ahahah)

- ang tunay na lalake ay hindi nagsasabi ng "i miss you.." (hmmmm, parang di na naman ako sang-ayon)

- ang tunay na lalake ay hindi dumadating sa tamang oras - (hmmm, depende sa kausap)

- ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief - (bwahahahaha, titignan nya yan oh? anu may tae ba? hahahha)

3 Nakiusyoso sa usapan:

Superjaid said...

haha kahit di na tunay na lalaki ok na sa akin kesa sa mga ganitong guy hahaha

Zhurutang said...

. . . ang "hindi paggamit ng baso sa beer" ay wala sa orihinal na manigfesto ng tunay na lalake.

narito ang kumpletong lista:
http://tunaynalalake.blogspot.com/

(nasa mid-right side)

LhanLhan said...

ehhehe. iba siguro yan sa nabasa ko ^^

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review