Monday, February 20, 2012

False Alarm

Ang aga ko pa naman natulog kagabi, wala para kasing pagod din ako kahapon buong araw kahit walang ginawa sa opisina.

So natulog ako ng mga 10pm lang ata, ang natural ko kasing tulog eh mga 11 or 11:30 na ng gabi. Kaya maaga pa sakin yung 10. Hahaha.

Pinatay ko na ang ilaw at humiga na sa kama.

Lumipas ang ilang oras ng biglang may kumalabit sa akin. "Mahmine, mahmine, nagspotting ako". Panggigising sa akin ng asawa kong si Mhay.

Dahan dahan kong idinilat ang aking mata at unang sinilip ang oras. Akala ko ginigising lang niya ko para pumasok pero naiisip ko agad na kapapasok ko lang ng pang-umaga kaya't ang sunod na pasok ko ay pang-gabi naman.

Dali ko syang nilingon at tinanong kung anong nararamdaman nya. "Humihilab ba? Masakit? Maraming dugo?"

Ipinakita nya sa akin ang napansin nyang dugo. "Hindi na rin ako makatulog, sumsakit ang puson ko pati sa lower back ko."

Senyales na malapit na syang manganak. Dali dali kaming naglaga ng itlog para kainin nya. Yun kasi ang sabi ng matatanda eh, kumain daw ng itlog na nilaga para may lakas sa panganganak.

So, natapos ang paglaga pero ang sakit ay unti unting nawala, pati ang pagdurugo ay unti unting huminto hanggang sa tuluyan ng nawala.

Pinahiga ko na sya at sabay na kaming muling natulog.

Oo nga't nakapikit pero hindi pa rin kaming dalawa makatulog sa sobrang pag-iisip. Pinipilit kong matulog pero wala, ayaw talaga.

Bago kami matuog ay tinext nya ang kanyang OB at pinapupunta sya ngayong umaga para macheck up. Obserbahan daw muna ang pangyayari. So nahiga na kami at pilit pinapatulog ang sarili.

Umaga na, mga alas otso. Bumangon na kami at ang una kong tanong ay "Humihilab ba?. Masakit pa ba? Nagspotting ka pa ba?"

Lahat yun ay nawala na sagot nya. Kaya't pumunta na lang kami sa kanyang OB para magpacheck up.

"1 cm ka pa lang Mhay, di ka pa manganganak, pero nagumpisa na syang bumuka kaya ka nagspotting na. Wala pa iyan sa sakit na mararanasan mo. Dapat malakas loob mo. Kayanin mo yan Mhay. Maglakad lakad ka na."

Yan ang sagot ni Doc sa aming mga katanungan. Aabutin pa daw ng mga ilang araw depende kay Mhay. Pero naguumpisa na sya. 

False alarm, di ko maintindihan mararamdaman ko. Puyat dahil di ganong nakatulog kagabi at eksaytment naman sa napipintong paglabas nya.

Anu pa man ang kalabasan, ang pangalangin ko lang ay maging ligtas silang dalawa. Maging normal ang delivery at lakasan ni Mhay ang loob nya.

Hay, ganito pala ang pakiramdam ng magiging isang ama. 

Wag mo pahirapan si mommy at daddy mo baby bela ha. Inaantay ka na namin!

8 Nakiusyoso sa usapan:

Lady_Blue said...

1cm pa lang, naku malapit na yan, ako kinabahan sau.. hehe! GOOD LUCK!

Akoni said...

aawwww...congrats in advance pre. Ramdam kita. ganun din si misis nung manganganak na. pero nung dumating kami sa hospital, 1 or 2cm pa daw..pero sabi ko, kukuha na kami ng kwarto...hehe..mas mabuti na sa hospital maghintay kaysa bahay..hehe

yahm18 said...

nyay! naiyak naman aku dito sa post mu.. hahaha.. *cenxa iyakin lang.. hahaha

yap mahmine lalakasan ku loob ku pra kay bebe at para sau.. I know God is with me and I know "I can do all things through Christ who gives me strength" sabi nga sa Philippians 4:13

Bino said...

i feel you. ganyan din naramdaman ko nung ipapanganak ang daughter ko.

hopefully maging ok ang lahat :)

Superjaid said...

sana maging ligtas sila sa araw na paglabas ni baby bela. =D

♥ hana banana ♥ said...

eksayted talaga ang daddeee at mameee oh ^^

jhengpot said...

huwow. mas nangibabaw yung excitement ko sa paglabas ni bella kesa sa ngiwi ng sakit na mararamdaman ni ate mhay. isang malaking godbless sa inyo!

Nanghihina ako sa mga nabasa ko. parang ayuko manganak. pwede bang i-atching na lang!

Lester Santos said...

congrats pre...lapit na pala manganak misis mo...pagpray ko safety ng family mo.. :)

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review