Saturday, February 25, 2012

Sa Wakas!

Umaga ng huwebes ng magising ako ng maaga para sa aming swimming lesson and praktis. Sabi ko bago ako umalis, "Bela" labas ka na mea pagdating ni daddy ha?". Sabay halik sa tyan ni Mhay.

So umalis ako at nagswimming hanggang alas dose ng tanghaling tapat. 500m breast stroke, 350m crawl (free style) at 100m modified breast stroke. Kapagod di ba?! 

At yun, paguwi ko, halos humilata na ko sa sobrang pagod. Parang ngalay na ngalay ako. Pero napansin ko si Mhay na hindi na makangiti sa sobrang sakit na nararamdaman.

Tinanong ko, "manganganak ka na ba?"

"Kanina pa sumasakit ang tyan ko, every 5 mins na ang contractions ko" ang sabi ni Mhay. Hindi pa kami nagmadali ng panahong iyon dahil baka mauwi na naman sa false alarm ang pangyayari.

Nagpahinga kami at natulog muna pansumadali. Ngunit pagising ko ay tila parehas pa rin ang tema ng aking nakikita. Hirap na hirap pa rin si Mhay at tila manganganak na sya.
Dali dali na kaming nagdesisyon na magbihis na at ihanda na ang mga dadalhin. Sabay text sa kanyang OB at sumang-ayon din dalhin na sya sa clinic.

Pagdating sa clinic, alas singko ng hapon ay inumpisahan syang i-IE (ang IE ay termino sa pagkuha ng kung ilang sentimetro na ang bukas ng labasan ng bata). 4cm na daw sya at i-aadmit na sya para sa paghahanda sa panganganak nito.

Grabe ang haba ng paghihirap ni Mhay, als dyes na at 4cm pa rin sya. Parang matatagalan pa ang paghihirap nya. Lahat na ata ng pagdarasal ay ginawa ko na. Lord please keep them safe!

"Alas dose ho ang next IE natin sa kanya" ang sabi ng midwife. Ibig sabihin dalawang oras pa si Mhay na maghihirap sa hilab ng tyan bago tignan ulit.

Nakakaawa ang asawa ko, sobrang hirap nang kanyang nararanasan. Grabe, ayoko na atang sundan.

Lumipas ang dalawang oras at inulit syang ieksamin. Nagulat ako sa midwife ng bigla na syang pinalipat sa Delivery room. Di ko naiwasang magtanong, "Ilang Cm na po sya?" daglin sumagot ang nurse at sinabing, "Anytime manganganak na sya.".

Para na kong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ko na malaman ang gagawin. Mabuti na lamang at may isang matanda doon na isinugod din ang kanyang asawa dahil sa sakit sa tiyan.

Siya ang nakakwentuhan ko ng buong dalawa't kalahating oras. Ngunit bago pa mangyari yun ay nagpaalam na sya dahil ang kanyang anak na ang magbabantay.

Ako na lang ang naiwan. Tahimik. Walang akong magawa kundi ang maghintay. Sinisilip ko sa kaunting puwang ang nangyayari pero hindi ko masipat. Wala rin naman akong marinig na ingay dahil nakasarado ang salamin na pinto.

Nang biglang.. "uwahhhhhhhhhhh, uwahhhhhhhhh, uwahhhhhhhh" narinig ko ang iyak ni baby! sa hindi ko malamang dahilan ay narinig ko talaga sya. Sa sobrang katahimikan siguro kaya narinig ko na ito kahit pa sarado ang mga pinto ng delivery room.

Grabe ang saya ng nararamdaman ko. Grabe ang kabog ng dibdib ko lalo na ng ilabas na sya at ipakarga sa akin. Nanginginig pa ata ang buong katawan ko pero tinalo iyon ng eksayment na nararamdaman ko.

Ganito pala ang pakiramdam. Ganito pala ang maging tatay.

Sa buong gabi ay katabi ko siya. Pumipikit pikit lang ako dahil baka matabunan ng kumot ang kanyang mukha.

Ang saya. Ang sarap. Welcome to the world my baby "Bela"!








4 Nakiusyoso sa usapan:

Zhurutang said...

... umpisa na ng paglaki ng tyan mo pre, sigurado yan. *handshake*

LhanLhan said...

haha. nagbubuntis pa nga lang lumalaki na. pero hindi ko na hinyaang lumobo pa ang tyan ko. execise agad! ^^

Superjaid said...

congrats!=D isa ka ng ganap na daddy. asan na pics ni baby bela?hihi patingin naman po

Lester Santos said...

congrats!!! :)

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review