Tuesday, March 13, 2012

Ang mga gusto ng mga babae

Mga lalaki, oh alam nyo ba talaga ang gusto ng mga babae? Banat lang kasi tayo ng banat minsan kaya kung ano lang maisipan eh yun lang yung ginagawa natin. 

Minsan kelangan mag-isip kung ano ba talaga ang mga gusto ng mga babae. Alam mo naman sila, moody. Madaling mag-iba ng isip kaya dapat huli mo ang kiliti.

Simpleng kilos pero gustong gusto ng mga kababihan. Di man nila sabihin oh ipakita na masaya sila, mararamdaman mo naman pati sa kils nila.

So kung lagi kang broken hearted, malamang kulang ka lang sa diskarte oh lambing sa mga babae. Try mo to, baka sakaling swertihin ka naman.


Gusto ng mga babae na...



Sasabayan mo silang kumain at susubuan mo sya - kahit fisbol lang kung nasa kalye kayo. Patok na patok yan. Konting sweetness naman kasi guys. Hindi yung ikaw pa mauunang kumain. Hahaha.

Kantahan mo - oo di na nga uso ang harana, pero guys, sinasabi ko sa inyo kapag ginawa nyo to, walang babaeng di kayo magugustuhan. Pwera na lang kung talagang panget ang boses mo. Mag magic Sing ka na lang para di halatang panget. Hahaha.

Aayusin ang buhok kapaga magulo - syempre di naman natin gustong maging losyang sila diba? Yung simpleng pag-aayos ng buhok nila eh kinikilig na yang mga yan. Konting hawi pag napupunta sa mukha yung bangs. Pogi points yun mga brad.

Magbigay ng regalo kahit walang okasyon - hndi naman nating sinasabing dadaanin natin sa pagreregalo na lang. Pero, isa ito sa pinakamabisang paraan para mapamahal sa babae. Depende na ang kung iba ang tunay na pakay ng babae sa mga pagreregalo mo. Pag nahalata mong galit pag wala kang regalo, aba mag-isip isip ka na. Hindi naman kailangang mahal, simple at meaningful at galing sa puso ang pinaka-importante.

Wag magbisyo - kung sinabihan kang wag ka ng magyosi or mag-inom ng girl. Ibig sabihin nun concern sya sayo. Gustong gusto ng mga babae na sinusunod sila lalo na't pinagsabihan ka nilang itigil mo na ang bisyo mo. Pero ika nga, kung tanggap ka talaga tatanggapin ka nya. Pero sundin mo pa rin sya kasi for your own good yun!

Hahahlikan mo sa noo habang umuulan - minsan lang naman umulan diba? Kikiligin yan kapag hinlikan mo sa noo habang yakap yakap mo sa ilalim ng inyong payong habang umuulan. Sweetness! Minsan lang umulan. Pero pag malakas na ang ulan, bilisan nyo kumilos huy, babaha na! Mamaya na ang lambingan! Hahaha..

Ginagawan ng tula - meron pa bang lalaking ganito? kung marunong ka naman eh bakit hindi mo gawan? Bihira na lang ang ganyan kaya asahan mong ma-aapreciate nya ng husto yan. Maiksi man oh mahaba basta nandun yung thoughts, astig pa rin yun! Kung di mo kaya, wag ka namang magpagawa sa iba. Hehehe.

Ipagmalaki sa ibang tao na mahal mo sya - eto naman yung pinapakita mo sa ibang tao kung ano ang nararamdaman mo sa isang babae. Yun bang sa kwentuhan ng mga barkada eh pinapakita mong mahal mo sya at nirerespeto mo sya. Hindi yung kwentuhan ng mga boys eh binabastos nyo ang isang babae. Sa harap naman ng ibang tao kahit saan eh ipinagmamalaki mong mahal mo sya. Wag lang naman sobrang PDA na, nakakinis na kayo nun. Lalo na yung walang syota, super inggit na. Hahahaha.

Palaging hawak hawak ang kamay - hawakan nyo ang kamay nila lagi guys. Nafefeel nilang protektado sila kapag hawak hawak nyo sila. Simpleng pagpapakita na iniingatan nyo sila ng sobra.

Sinusulatan sila - di naman pwedeng puro text lang. Minsan wala namang meaning yung iba. Konting effort naman guys. Kahit simpleng quotes lang sa papel. Simpleng message. Super kilig na sila. Pwera na lang kung ayaw nila sayo. Baka itapon pabalik yung papel sayo at sabihing "oy kalat mo" ahahha. Pero promise effective to.

Nakalimutan ko, may nagsuggest lang..

Nilulutuan sila -  syempre di lang naman babae ang nagluluto. aba super pogi points kapag marunong kang magluto! ika nga ng mga lalake, a way to a man's heart is in his stomach. Ngayon ibahin naman natin guys! Para astig!


Sana may napulot naman kayo kahit paano. Kahit konti, yung iba alam na alam na to, yung obang hindi pa, try nyong gayahin. Wala namang masama diba? Malay mo...


Yan lamang ang aking mga naiisip na gusto nila. Kung meron ka pang alam, pwede kang magcomment sa baba at idadagdag ko. =)


Magandang gabi guys!

3 Nakiusyoso sa usapan:

Superjaid said...

ipagluto nyo kami. magugustuhan naming mga babae yun =D

Sheryl Apuhin said...

hahahaha..super agree!!!!!
tumpak! love na kita lhan..hahahah..
yan na yan style ng tatay ng nak ko kaya na dinggoy nya ako..
ito.. singlemom ang lola mo..hehehe

otep said...

Ang daming gusto ng babae pwede bang isa na lang? -Ako. lels nyahahaha

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review