Thursday, March 1, 2012

Futbol, Isa na namang sport na kakahiligan ko

Pers taym kong nakapanuod kagabi ang laban ng sikat na futbol team ng pinas na Azkals. Kalaban ang Malaysian Tigers na dumayo pa sa ating bansa para sa isang friendly game.

May isang mabuting loob na kaibigan ang nanlibre sa akin para makapanuod, at kahit hindi pa ganun katindi ang suporta ko sa kanila ay naengganyo pa rin akong manuod.

Pagpasok mo pa lang sa loob ay rinig na rinig mo na ang hiyawan ng mga tao, at pagpasok mo ay masisilaw ka sa tindi ng liwanag ng mga ilaw.


Start na! Di ko maexplain pero I'm starting to like the game futbol. Katatapos ko pa lang sa isang panibagong sport na sineryoso ko (swimming yun) at tila ngayon ay may isang sport na naman na nagiging interesado ako.

Futbol! astig! Mahirap pero makakabuild ka rito ng kalakasan ng katawan at resistensya. Kanina ay may isang dating kaopisina na nagaaya sa aking magfutbol, tuturuan daw muna nila kami at pag ok na kami sa basic ay pwede na kaming isama sa kanilang friendly games dito sa may bandang d' fort.

Astig ah, kakagusto ko pa lang sa larong ito ay may follow up na agad. Parang may nagtutulak sa akin na subukan ang larong ito.

Kakalimutan ko na ba ang basketbol at swimming? Oh mas magandang idagdag ko lang ang futbol sa aking mga sports?

Kahit anu pa yun, I'm looking foward na matuto mag futbol!

Go!

2 Nakiusyoso sa usapan:

jhengpot said...

hindi rin ako mahilig at pamilyar sa futbol hanggang sa humataw at nakilala ang azkals. go pilipinas! sana makapanuod din ako ng actual game nila *crossfingers*

Superjaid said...

idagdag mo na lang po. mas accessible kasi ang basketball at may magandang benepisyo ang swimming na wala sa ibang sport. =D

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review