Friday, March 16, 2012

Iba't ibang klase ng babae

Napakaraming babae sa mundo. Mas marami na nga sila kesa sa ating mga kalalakihan ngayon eh. Pero syempre, di sila pare pareho.

Ang pag-uugali ng mga babae ay iba't iba depende sa sitwasyon ng pangyayari. Sa isang tingin akala mo ganito sya, pero ganun pala sya. hirap diba?

Mahirap manghula, mahirap hulihin ang ang tunay na pagkatao ng mga babae. Moody din kasi. Sasakit lang ulo nating mga kalalakihan.

Kaya heto naglista ako ng ilan sa mga klase ng babae. Ewan ko kung ganito rin ang pagkaka-intindi mo sa kanila.




Sosyalera - sila yung mga babaeng pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Sila yung mga babaeng minsan ang hirap lapitan lalo na kung magpapakilala ka pa lang. Alam naman nating hindi sila makagets ng mga kanto jokes. Minsan puro "eeeeww" ang maririnig mo na nakakairita talaga. Pero kelangan nating intindihin, dun sila lumaki eh. Hahaha.

Mapag-ilusyon - nakakairita! ito yung mga babaing mapag-ilusyon. Feeling maganda! Minsan kakantahan mo na lang ng "Wag ka nang mag-alala di ako na-iinlab sayo, bakit pakiramdam mo na yata lahat kami'y naaakit mo" hahaha. Silvetoes ng Parokya ni Edgar! Buti sana kung kagandahan lang ang iniilusyon, eh ang mahirap kung lahat na iilusyunin pa!

One of the Boys - eto ang astig na kasama, ika nga wala kang itatago sa kanila. Paano ba naman eh kulang na lang maging tibo to para boy na boy na talaga. Pero syempre girl pa rin sila, astig nga lang kasi lahat ng amats ng mga lalaki at kalokohan sakay sila at alam nila. Cowboy kung baga, kung kamayan sa pagkain, magkakamay din sila. Naastigan ako sa mga ganitong cowboys! ahahaha.

Emo - hay naku, kala mo binagsakan ng mundo sa araw-araw na ginawa ng diyos. Palaging lonely, nakasimangot oh natingin sa kawalan. Minsan type lang nila. Topak diba? Papansin lang. Minsan naman may pinagdadaanan talaga. Pero kung emo ka rin, magkakaintindihan talaga kayo.

Pa-Girl - nakaka-irita rin sila minsan. Yun bang nag-iinarte palagi. Pa-Girl eh! Minsan ang mga ganitong babae mas gusto na lang nating mga lalake na hindi kasama. Hahaha. Nakakawala kasi ng gana lalo na kung sa galaan. Ay ang arte! Buti sana kung kagandahan, pag hindi iwanan na yan! Hahaha.

Man Hater - naku po! Ang hirap makipagkaibigan sa kanila. Lalapit ka pa lang ata eh nakasimangot na at kung anu ano na ang nasa isip. Kesyo ganyan mga lalake, ganito mga lalake. Hay! Grabe nilahat na ang mga lalake. Minsan kulang lang din to sa lambing ng isang guy eh. Pero sigurado, hindi sila magiging ganyan kung hindi dahil may napagdaanan silang malagim sa mga lalaki. Intindihin na lang natin sila.

Flirt - sos, kelangan pa bang imemorize yan? Eh halos ata lahat ng lalaking madikit dito eh lalandiin, kakalantariin at haharutin. Grabe, liberated na liberated. Yung mga guys naman syempre, palay na tatanggihan mo pa ba? Di bale sana kung maganda eh, hahaha. Ang masama dito, pag nain-lab ka sa mga flirt. Wasak ang puso mo! Hahaha. Tapos ka!

Silent but deadly - astig din tong mga girl na to, napakatahimik yung tipong Maria Clara sa una mong makita. Pero sa huli, pag nagkapalagayan na kayo ng loob, makikita mo na nasa loob din ang kulo. Baka ikaw ang sumuko sa mga kulo ng utak nya. Hehehe. Ika nga ng mga ganitong girl, hinay hinay lang, antayin mo ang paglabas ng kulo ko. 

Ms. Google - Ay! alam lahat? May sasabihin ka pa lang may paliwanag na agad sa lahat. Ewan ko kung ginagawa nya to para ma-impress nila tayong mga lalake. Parang minsan gusto pa ipakitang mas magaling silang mga babae kesa sa atin.

Kiss 'en Tell - parang flirt lang din tong mga to eh, pero ang kakaiba sa kanila eh ang pagiging madaldal nila. Gusto nila yung nai-pagyayabang nila kung ano yung nakuha nila. Kumbaga, wala kang maitatago sa babaeng ganito. Pag may ganito kang nakilalang babae, umiwas ka na. 

Super Friendly - sya na ang pinakamaraming kaibigan sa lahat. Babae, lalaki, tomboy, bakla, matanda, bata friend nya. Walang pinipiling kaibigan, kahit pa minsan kinaiinisan na, di mo pa rin maitatanggi ang pagiging palakibigan nya. 

Girl Friend Material - ah, sila yung mga babaeng pag nakita mo eh irerespeto mo na agad. Yun bang tipo ng mga babae na dadalhin mo sa dambana. Pang seryosohang relasyon. Pag nakita mo na ang babaeng ito sa buhay mo, wag mo ng pakawalan pa ha. Ako nakita ko na ang I Love her so much! ^^



Madame pa yan, yung iba di ko pa maisip. Idadagdag ko na lang pag may naalala ko.



Magandang Gabi!


2 Nakiusyoso sa usapan:

Leah. said...

Hmm.. one of the boys siguro ako. haha. Lumaki akong napapalibutan ng lalaki.. Dalawang Kuya ko, ang tatay ko ang mga cousins ko na halos lahat, lalaki. :P Pero syempre, girlalu pa din. Cowboy lang, kasama sa kalokohan pero hindi ka rin papabayaan sa oras ng kalungkutan. :D

At syempre, I know.. girl friend material pa din ako. Iba ako magmahal eh. Choz! Hahahaha!!

Dhianz said...

takte emo akoh?! ahahaha.... ei not all da time naman hmmm... i guess i can be one of da boys then or super friendly but not super... friendly lang.. hmmm... girlfriend material den???! yeah right.. haha... 'la lang.. naaliw lang akoh ditoh.. later.. Godbless!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review