Monday, March 19, 2012

Ilang mga bagay tungkol sa aming mga lalake

Puro babae, ngayon tayo naman ang highlights mga tol. Naikwento ko na kasi ang iba't ibang klase ng mga babae pati na rin ang mga gusto ng mga babae, kaya naisip ko tayo naman ang bida.

Syempre, maraming alam sa atin ang mga babae. Kahit di natin sabihin, alam ng mga yan ang kilatis natin. Pero syempre hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho. May mga pagkakatulad, may pagkaka-iba at meron din yung iba lang talaga ang ganito. 

Kaya heto, naglista ko ng iilan sa ating mga guys. Ewan ko kung totoo yung iba. Bahala na kayong humusga, may pangit at meron din namang magagandang pag-uugali.

O sya sya basahin na lang natin;



Gusto namin ang mga flirt na babae - teka, sino bang aayaw? pwera na lang siguro kung kasama ang asawa. Ika nga, palay na lumalapit sa manok. Tukain mo na. Sa huli, nasa sa iyo na yan kung makokonsensya ka. Malas mo kung hindi, malulugmok ka sa pagkakasala, bandang huli, iiwan ka rin nyan pag nakahanap ng iba. Flirt nga eh, helo?!

Hindi kami tumitingin sa itsura, gusto namin yung ganda ng kalooban - may taste din naman ang ibang mga lalake talaga. Hindi lang katawan, itsura, yaman, porma ang tinitignan. Napaka ganda ng pag-uugali ng isang lalaki na puso at pag-uugali ang tinitignan sa isang babae. 

Mabilis kame mahulog at mabilis ding mawala - magugustuhan ka namin sa unang pagkikita, pero napakabilis ding nawawala ito. Kung hindi yun nawala, isa lang ibig sabihin. Tinamaan na ang lalaki. At yun na ang simula ng pagseseryoso.

Flirt din ang mga lalake - same as girls, flirt din ang mga lalaki. Masasabi nating ang mga lalaki ay nakikipagflirt sa mga babae buong araw, pero bago yan matulog sa gabi itetext or tatawagan nyan ang tunay na nagpapatibok ng puso nya. Yung mahal nya at mahalaga sa kanya. Marami lang talagang tukso sa paligid. 

Ayaw ng lalake na pinag-uusapan ang mga ex - Ex na nga ex? kelangan pa bang pagusapan pa? Syempre nakakairita yun di ba? So pag tapos na, tapos na sana. Wala ng dame pang usapan pa.

Wag nyo subukang galitin ang mga lalake - kung nagtitrip ka lang wag mo ng subukan. Wag mo subukang galitin kaming mga babae ng dahil sa trip trip lang. Maniwala ka, hindi mo magugustuhan pag nalaman naming trip lang.

Pag sinabihan kang maganda - kapag sinabihan ka ng isang lalake na maganda ka, isa lang ibig sabihin nun. Gusto ka ng lalaking iyon, pwera na lang kung babaero talaga. Kadalasan naman sa mga ganito ay yung lalaking tahimik. Kapag nagsalita na ang mga yan, sigurado totoo yun.

Kapag umiyak kami totoo yun - makikita mo naman sa mga mata ng isang lalaki kung tunay ang nararamdaman. Kapag umiyak sa harapan mo ang isang lalaki, sigurado totoo yun. Walang lalaking iiyak sa harap ng isang babae kung hindi ito tunay. Ang galing naman nyan umarte?

Ayaw namin sa mas malakas pang sumuntok kesa sa amin - helo? mamaya umbagin pa kami nyan pag may nagawa kaming maliit oh malaking pagkakamali. Syempre, naninigurado lang. Ayaw namin masaktan, mas ayaw naming makita ng mga tropa oh barkada na nabugbog ng girlfriend.

Ayaw namin ng pinapa-asa kami - eto ang isa sa pinaka nakakainis, yung paaasahin nyo kaming mga lalaki. Kung ganyan lang, mabuti pang diretsahin nyo kami. Kung ayaw, ayaw. Kung gusto gusto. Wala ng papetiks petiks pa. Sasayangin nyo lang oras namin. Hindi kami pinalaki para paasahin. 

Pag nagsalita kami, pakinggan nyo kami - oo nga't bibihira nyo lang kaming makitang nagsasalita ng seryoso, pero once na ginawa namin yun, promise, pakinggan nyo kami. Kasi siurado importante ang sinasabi namin. Di man importante sa inyo, samin importante na to.

Ayaw namin ng OA - nakakairita, ayaw na ayaw naming mga lalaki ang mga babaeng Over Acting. Kahit sino naman siguro, kahit hindi lalaki maiirita sa mga ganito.

Pag gusto naming makilala ang mga parents nyo "let us" - pag gusto naming makilala ang mga magulang nyo girls, please let us. Dito nyo makikita kung seryoso na talaga kami. So let them.

Lahat ng lalaking nanliligaw mabait - syempre, wala namang matinong babae ang sasagutin ang isang lalaking masama. Nasa girls na to kung panu nila titignan ang tunay na intensyon ng isang lalaki. Maganda nga sa panlabas, pero pag sinagot mo na, yari kayo. Mga girls, wag padala sa basta mabait lang, suriin at kilalaning mabuti ang bawat lalaki.



Oh, ilan ang yan ha. Di pa lahat yan. Inaantok na ko eh, sulat ko na lang yung iba ulit.




Magandang gabi!






5 Nakiusyoso sa usapan:

Emmanuel Orillo said...

ok ung blog post mo a:)

Superjaid said...

matindi ang pinaghuhugutan nito ah haha =D

anyway..thank you for sharing medyo mahirap naman kasi talagang kilalanin ang ugali ng mga lalaki =D

Zhurutang said...

. . . ahhaha. nanggagalaiting mga lalake mag-ko'comment in 3, 2, 1....

Anciro said...

aw......

gracia said...

Eh pag sinabihan ka ng lalake na nasa iyo ang puso ko ano ang ibig sabihin nun???

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review