Sunday, March 4, 2012

Mga kaibigang dapat mong iwasan

Marami ka bang kaibigan? Matagal mo na ba silang kaibigan? May mga kaibigan na sadyang kaibigan talaga hanggang katapusan. Yung ipagtatanggol ka hanggang sa huli. Pero kung mali ka naman ay sya mismo ang tatapik at magpapa-alam sayo na mali ka.

Yun ang tunay na kaibigan. Pero sa atin dito sa mundo, mas marami ang hindi tunay na kaibigan. Sila yung mga nandyan lang para masabi lang na kaibigan, para maipakita lang sa tao na may kaibigan sila. 

Sino nga ba ang taong ayaw magkaroon ng kaibigan diba? Mabilis lang makipagkaibigan, simpleng hi lang ayos na, makasama mo lang ng buong araw at makakwentuhan malamang sa malamang kaibigan na agad.

Pero iba ang tunay na kaibigan. Pag nakakita ka nun, ingatan mo na parang isang mamahaling bagay. Pag nasira kasi mahirap ng makakitang muli.

Narito sa baba ang iba't ibang klaseng mga kaibigan na dapat mong iwasan agad, (nabasa ko lang din to at share sa inyo)at sana wala sa mga ito ang mga kaibigan mo. Imposible naman yun diba? Pero ang gawin na lang natin ay mag-ingat sa kanila.


Kilala ka lang pag may kailangan - Dame nyan, yun bang lalapitan ka kapag may kailangan lang, pag wala na isnab na sya.

Kaibigan ka kapag may pera ka - parang kapareho lang din to ng kilala ka pag may kailangan, ang pagkakaiba nga lang nito ay pera lang ang habol sayo. Period. Iwasan mo na habang maaga. 

Kahit bigyan mo na madamot ka pa - inabot mo na ang kanang kamay mo, pati kaliwa gusto pang hatakin. Hindi makuntento sa kung anong meron, lahat na yata ng sayo gustong kunin.

Masama ang loob kapag di mo napagbigyan - ayun na nga, minsan syempre may hindi ka maibibigay. May hindi ka nagagawa, eh ayun, masama agad ang loob. Spoiled kung baga. Minsan kasalanan mo rin bakit ganyan sila.

Hindi marunong magpasalamat - sakin minsan kaunting ty lang pwede na, pero sobra naman siguro kung ni ty wala kang maririnig matapos mong pagbigyan ang isang tao. Grabe, simpleng salita hindi nila magawa.

Inggitero / Inggitera - mga taong hindi rin makuntento, nagbigay ka sa ibang tao oh kaibigan pero para sa kanila masama yun. Gusto nila sila lang eh, oh kung anung meron ang iba, dapat meron din sila.

Mabait sayo pag may hihinging pabor - kapareho lang din ng kaibigang nandyan pag maykailangan, may pabor eh, so mabait sayo. Tsk tsk tsk. Mga taong plastik. Pagtalikod mo oh pag napagbigyan na ang pabor, wala nang bigla.

Nagtatago kapag sya ang meron - eto ang pinaka iinisan ko sa lahat, yung madamot. Biruin mo pag ikaw meron parang linta kung makadikit, pero kapag sya na ang meron, parang bulang nawawala agad. Di mo naman gustong angkinin kung anong meron sya pero ganun ang pagiisip nya. Ganid.

Hindi natutuwa kapag umangat ka - crab mentality, gusto nya sya lang. Kapag sya ang umangat masaya kayo, kapag ikaw naman, gagawa ng paraan yan para mas maangatan kapa or hahatakin ka pababa. Traidor ang mga ganito. Makabubuting iwasan na agad.

Kaibigan ka daw pero ilalaglag ka - magkaiba to sa crab mentality, yun kasi hahatakin ka pababa, mas malupit to kasi pag nakatalikod ka na tsaka na ilalaglag. Kung baga asang asa ka na hindi ka ipagkakalulong ng taong ito pero sya pa mismo ang gagawa noon para sayo. Nakaka-inis ang taong ito kasi lubos ang tiwala mo pero sa bandang huli sya pa ang tatraydor sayo. Wag na wag mo ng pagkakatiwalaan ang mga taong ganito once na nangyari ito oh ginawa ito sa iyo.


At yan sila, nawa'y wala sa mga iyan ang iyong mga kaibigan. Kung meron man habang maaga ay kausapin mo na para hindi masira ang pagkakaibgan.

Marami ang mga taong ganyan sa mundo. Nasa sa iyo kung paano mo sila ihahandle. Wala namang masama kung magtitiwala muna, wag nga lang sisirain.



Magandang gabi!

0 Nakiusyoso sa usapan:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review