Wednesday, March 7, 2012

Mga Natutunan

Matatapos na naman ang pasukan, graduation na naman ngayong marso at abril at lahat ng mga estudyanteng gagraduate ay eksayted na pwera sa mga hindi gagraduate. Sana gagraduate ka.

Naalala mo pa ba noong nag-aaral ka? High School days? Nakakamiss noh? Naalala ko tuloy yung mga natutunan ko ng mga panahong iyon.

Karamihan puro kalokohan, high school eh. Curious tayong mga kabataan sa panahong ito. Lahat gagawin para maging in sa mga kaklase. Kahit alam na mali oh bawal, susubukan pa rin.

Ano ano ang mga natutunan mo noong high school days? Eto, baka natutunan mo rin sila.

Natututong manligaw - Oo, bata pa lang ata ako eh may crush na ko. Elementarya pa lang ata. Hahaha. Landi! Pero noong high school days eh doon na talaga nagsimula ang paglalandi. May mga ilang babae pa ang lalapit sayo pero ayaw mo naman kasi iba ang crush mo. May ilang beses ding basted sa nililigawan. Hahaha. Sa dark ko daw na ito yung pinaka maputi pa ang niligawan ko. Napapangiti ako pag naalala ko yun ngayon. Hahaha. Lkas ng loob noh?

Natutong Magcutting Classes - Pag naaalala ko ang unang beses kong magcutting class eh natatawa rin ako ng sobra. Biruin mo, sa pagmamadali kong maka-akyat dun sa bakod eh hinagis ko na lang bigla ang bag ko. Hindi ko alam na kanal pala yun at buti na lang may barb wire na nasabitan. Kung hindi, bukong buko agad sana, basa pa ang mga libro at notbuk ko. Haha. At paglingon ko sa room namin, nakita ko yung adviser namin na nakatingin sa akin habang umiiling. Akala ko nga ibabagsak ako nun eh. Hahaha. Nagcutting lang naman kami para makapag basketbol. Hahaha.

Natutong magsugal - text pera pera, digits (ung sa papel na pera), hula (ung sa coins, huhulaan mo kung anong year) pustahan sa sipa at iba pa. Halos maubos ang baon at pamasahe ko sa kakasugal noon. Buti na lang at hindi ko nakuha ang pagiging sugarol hanggang sa paglaki ko. Hanggang noong high school days lang.

Natutong manigarilyo at mag-inom - dito ko rin naututunan ang masasamang bisyong ito. Bagamat ang paninigarilyo ay hindi ko nakahiligan kahit pinipilit nila ako dati. Yung pag-inom nakuha ko pero hindi naman ako heavy drinker at bihira lang din uminom. Kaya medyo mas malakas ang resistensya ko kesa sa iba. Hindi ako mabisyo dito.

Natutong mangodiko - ayan! isang hindi maiiwasan sa high school. Ang pangongopya, pag hindi ka pinapakopya syempre ikaw na mismo ang gagawa ng paraan. Mangongodiko ka na lang. hahaha. Sinong hindi nangopya oh nangodiko?

Natutong makipag basag ulo - Lalake eh, syempre hindi mawawala to. Pag hindi ka marunong ipagtanggol ang sarili mo yari ka. Parati kang i-bubully ng mga kaklase mo oh ka-school mate mo. Pag nagkainitan sa loob ng room duon na mismo ang sapakan. Pag hindi, sa labas na ng gate sa oras ng uwian. Hahaha. Wala na kasing babasagin sa akin kaya lakas ng loob eh. 


Pag naaala ko ang mga to, naisip ko. Eto ang panahon ko. May mga kakulitan at kawalang hiyaan pero hindi naman nito nabago ang matuwid na landas na tinatahak ko ngayon. 

Ilan lamang sila sa mga eksperyens ng aking kabataan. Masayang maalala, nakakatuwang balik balikan ang mga pangyayari noong aking high school days.

Ikaw naaalala mo rin ba?

3 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

di ako natuto ng cutting classes eh. di rin ako nagyoyosi. kodiko? dumaan ako dyan pero tamang kopya lang. at di ko namiss ang highschool hahaha

jhengpot said...

ahahaha. sa high school nga ko natuto mag-cutting. pero yung pangongodiko nung college na. Ansarap talaga ng hiskul layp. Tama ka kahit mali gagawin mo, peer pressure e! lols

Superjaid said...

high school ako natutong uminom pero di mga classmate ang mga kasama ko. haha

talamak ang pangongopya sa amin noon may mga style pa nga kami haha nakakamiss yung mga panahon yun.

isang beses lang kami nagcutting noong high school. mas mabait pa kasi ako noong mga panahong yun hahaha

nakakamiss ang high school as in sobra.

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review