Saturday, March 10, 2012

Nang Mapikon Si Lalake

Kadalasan sino ba ang nakikipaghiwalay sa isang relasyon? Dati ang mga babae, halos makipagsuntukan na sa galit ang lalaki once hiniwalayan ng babae. Pero sa panahon ngayon iba na. Lalaki na ang kadalasang nakikipaghiwalay. Pag nakipaghiwalay ang babae eh mismong si lalake pa ang natutuwa. 

I'm free daw sigawa nila. Magpapainom pa yan! Tapos pag si lalake naman ang nakipaghiwalay, malamang sa malamang may bagong babae yan.

Sa mga babae, nakakainis ang mga ganitong lalake diba? Pero hindi lahat ng lalaki ay ganyan. Minsan may sariling dahilan din sila. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan babae ang makipaghiwalay. May mga sariling dahilan din ang mga lalake pero kung para magpalit lang ng GF ang dahilan eh ibang usapan yun.

May maikling conversation akong nabasa rito. Natawa ko kasi ganung kababaw ang dahilan ni lalaki at nakipaghiwalay na agad. Kung anu yun?


 
Basahin mo na lang ang nasa ibaba;

 


BF: Babe para kang SELECTA, You're so yummy!

GF: Ikaw Hon, para kang Krispy Kreme, you're so sweet!

BF: Para kang starbucks, so addictive!

GF: Para kang jolibee, langhap-sarap!

BF: Para kang larsians, affordable!

GF: Para kang turo-turo, slightly dirty!

BF: Haha! Para kang prito, oily!!

GF: Para kang inihaw, maitim!!

BF: Para kang tuyo, parehas kayo ng amoy!!

GF: Para kang paksiw, maasim!!

BF: Bagoong ka!

GF: Ikaw naman binuro! :p

BF: Panis ka! HAHAHA!

GF: Bulok!

BF: Pangit!!!~

GF: Lalo ka na!

BF: Break na tayo!



Hahaha. Di ba? Napikon si lalake at yun nakipaghiwalay agad! Tulad ng sabi ko kanina, hindi lahat ng dahilan ng lalake pag nakikipaghiwalay ay ibang babae. Minsan may sariling dahilan lang din. hahaha. 




Magandang gabi sa mga readers ko. Kung meron man. Feel free to comment below.





credits to tunaynababae.com

1 Nakiusyoso sa usapan:

Superjaid said...

haha ang kulet nung pagaaway nila pero iba din ang pagkakainterpret ko dun sa conversation afterwards hehehe

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review