Tuesday, March 27, 2012

Si Lalake at si Babae

May iba't ibang pag-uugali ng mga lalaki at babae ayon sa kanilang pagkakaiba. Iba talaga ang lalake sa babae.

May mga bagay na ginagawa tayong mga lalake na iba ang ibig sabihin kapag babae naman ang gumawa. Mayroon din naman pareho lang. Agree ka ba dun?

Kung hindi, sige basahin mo muna ang nasa ibaba at sabihin mo kung tama o mali.


Kapag tahimik si lalake, ibig sabihin noon, nakikinig sya sa iyo.
Kapag si babae naman ang tahimik, milyon milyon na ang tumatakbo sa kanilang mga isip
 
Kapag ang lalake ay tumitig sayo, iniisip niyang ikaw ang pinaka magandang babae sa buong mundo.
Kapag tumitig ang babae sayo, iniisip niya kung bakit nagawa mong magsinungaling sa kanya.

Kapag nakasandal ang babae sa dibdib ng lalake, iniisip naming mga lalake na nasa amin na ang lahat sa mundo.
Kapag ang babae ay nakasandal sayo, pinapangarap ng mga babae na maging kayo habang buhay.

Kapag tinatawagan ka ng lalake araw araw, ibig sabihin nun inlove na sya.
Kapag tinatawagan ka ng babae, ibig sabihin nun nanghihingi sya ng atensyon mo.

Kapag ang lalake ay nagsabing namimiss ka nya, totoo yun, mas namimiss ka nya ng higit pa sa pag-miss mo.
Kapag sinabi ng babae na namimiss ka nya, ibig sabihin, walang ibang tao sa mundo na mas mamimiss ka kundi sya lang.

Kapag ang lalake ay inlove at sinabi nyang mahal ka nya, totoo yun.
Kapag ang babae ay inlove at sinabi nyang mahal ka nya, totoo din yun.

Hmmm,, tama ba o mali?

5 Nakiusyoso sa usapan:

~ JaY RuLEZ ~ said...

agree ako dito lhan!

Bino said...

medyo totoo :D

Akoni said...

yung sa HULI lang ang 20% totoo..lol

Ferry Joy said...

nyahaha :) so true lhanpots :)

>> sobrang naka relate naman ako dito!!!
>> kaya alam mo na [pag tahimik ako at hindi nakakadalaw sa blog mo ha!!!

>> dahil milyon milyon ang natakbo sa isip ko!! hehhe (lusot ba??)

Juan Tanong said...

Tama! Hahaha nakarelate ako! (Jam od Semidoppel's Reports here)

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review