Tuesday, April 17, 2012

Sampung Utos ng mga babaero

Napakaraming babaero sa mundo, oppps, tinamaan ka ba? Uso na yan ngayong panahong ito. Sabagay, ngayon lahat na ata ng mga kalalakihan ay naa-atrak pa sa ibang mga kababaihan kahit na may pananagutan na. 

Nasa mga babae naman kasi rin yan, tila ba nang-aakit sa paraan ng pagbibihis, pagsasalita at pagkilos. Mararamdaman naman ng mga lalaki kung ano at sino ang mga babaeng ganito.

Pero nasa mga lalaki na yun kung magpapa-akit. Sa mga babae naman, kulang na ba ang mga kalalakihan at kahit may pananagutan na eh gusto nyo pang akitin? Ilang na ba ang ratio ng mga babae sa lalaki ngayon?

Kung ang isang lalaki ay nageenjoy ng paulit ulit sa ganito, yun ang tinatawag na BABAERO talaga, pero kung nagkamali at nagsisi at di na umulit, sa aking palagay ay hindi yun matatawag na babaero. Nagkamali lang ng isang beses at pinagsisihan na.


Sa mga BABAERO talaga, narito at may nabasa akong Sampung Utos nila.



- Huwag kang papahuli sa asawa mo, yari ka.

- Huwag kang manlalaki dahil babaero ka nga.

- Huwag kang aamin sa pang babae mo. Looser ka.

- Huwag mo agawin ang babae ng kapwa mong babaero.

- Mag-ahit ka ng bigote, mahahalatang babaero ka.

- Magpabango ka ng pambabaeng pabango bago umalis ng bahay para pag-uwi mo amo'y babae ka pa rin.

- Mag-anti biotic ka baka mahawa.

- Manood ka muna ng tv pagdating mo ng bahay bago matulog, mahahalatang pagod ka.

- Huwag pupunta sa matataong lugar dahil mahuhuli ka ng asawa mo, sa night club na lang.

- Magpahinga ka naman hindi mauubos yan.



Oh, agree ka ba sa mga nakasulat? Babaero ka eh. Hahaha..




*Ang sampung utos ng babaero na nasa itaas ay hindi gawa ng may-ari ng blog na ito. Ito ay nabasa lamang niya sa iba.






3 Nakiusyoso sa usapan:

palakanton said...

aus sa tip ah....
- Magpabango ka ng pambabaeng pabango bago umalis ng bahay para pag-uwi mo amo'y babae ka pa rin.

- Mag-anti biotic ka baka mahawa.
eto ang gusto kung tip

Bino said...

di ako sangayon, dahil ang ex ko ang lalakero. ako ang niloko

JonDmur said...

okay ah ^^ dapat huwag papahuli sa asawa hehehe sabi nga kapag nahuli wag aamin hehehe

nice post ^^

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review