Thursday, May 31, 2012

Pagpapatawad

Alam kong nagkamali ako
Nasaktan ko ang wagas na puso mo
Gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako
Sabihin mo, paano makakabawi sa hirap na mga dinaranas mo?


Isang beses na nagawa, malaki ang naging aral
Gulo at kasiraang dumagsa sa atin araw-araw
Ipinangako sa sariling huli na at ayaw na sa bawal
Maniwala ka naman, Ito ang aking sigaw...



Mabuti't nagising bago pa maging huli
Pamilyang nasisira ng dahil sa mga nangyari
Wag kang bibitaw, habaan ang iyong pisi
Sana makita mo naman ang lubos kong pagsisisi...


Kung hindi mapatawad, maaari ba nating iwasan
Araw araw na mga pag-uusap na may kasamang bangayan
Pamilya naman natin ang nasisira at nahihirapan
Samanatalang siya, ayun tignan mo at nakikipaghalakhalakan...


Sa pagkakamaling ito, ito ang magbibigay ng tibay
Sa pagsasama nating, sinusubok ng ating taga-agapay
Humawak ka ng mahigpit, haharapin natin ito ng sabay
Tignan mo't makikita, at masasabing...


"Salamat at di bumitiw, salamat at nagpatawad, 
salamat at nagtiwalang muli at nanatili ang matingkad na kulay sa ating Buhay" 



Lhan Matias© 05-30-12


11 Nakiusyoso sa usapan:

Juan Hapito said...

ayos!

Bino said...

sobrang malungkot ah

MEcoy said...

nakakarelate ako sa poem mo dre whew nice one

jhengpot said...

mukang may pinanghuhugutan ito... gets ko ba?

Inong said...

mukhang may malalim na pinaghugutan. ayos ang bawat linya.

Dhianz said...

ramdam koh hangtula moh *hugz*... Godbless!

LhanLhan said...

hehehe. sa inyong lahat, salamat sa comment. =) lumabas lang yang sa malikhaing pag-iisp ko =)

randy said...

Hi, Nice post thanks for sharing. Would you please consider adding a link to my website on your page. Please email me back.

Thanks!

Randy
randydavis387@gmail.com

Superjaid said...

so walang pinaghuhugutan?anyway..nice poem. napapadalas ang tula dito ah?

LhanLhan said...

@superjaid uu nga napapadalas ang tula ko hehhe, mas nalalabas kasi ang feelings sa tula hehehe..

Arvin U. de la Peña said...

sa pagpapatawad kahit paano ay gumagaan ang ating loob...huwag poot ang pairalin..ayos ang sinulat mo..

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review