Tuesday, August 21, 2012

Hanggang Kailan

Di na mapakali simula ng magkasala
Pag-ibig mong wagas unti unti na yatang nawawala
Nang dahil sa pagkakamali ako ngayo'y nagmamaka-awa
Lubos na pagpapatawad hanggang kailan ko mukukuha

Sa kanya'y gabi't araw ang aking pagdarasal
Haplusin ang iyong puso, upang makita ang aking bagong asal
Sidhi ng damdaming nagnanais kahit na iyong masampal
Makamtam lamang ang pag-asang hinihiling ko sa may kapal

Sana makita mo ang sariling pagbabago
Pangakong di na umuling gagawin, yan ang paninidigan ko
Aking itatakwil anumang lalapit na tukso
Ramdamin mo ang aking mga matang lawang nagdurugo

Sa paglipas ng panahon, hangad ko pa rin ang kapatawaran
Kapatawarang buong puso na walang pag-aalinlangan
Kalinawan sa isip na ito'y hinding hindi na mararanasan
Sapagkat ako'y nangangako, kailanman, sumpa man...





1 Nakiusyoso sa usapan:

Superjaid said...

pangalawang pagkakataon. tiwalang nasira. mahirap talagang magpatawad muli pero kung talagang sinsero naman ang humihingi ng kapatawaran bakit hindi? i hope mapatawad ka na nya. =D

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review